Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?


ITINIGIL ni Crosoft ang sasakyan sa harap ng Grand Savoree Hotel. Isa sa mga sikat na five star hotel sa Pilipinas.

Hinarap ni Cambria si Crosoft. Nagi-guilty pa rin talaga siya sa pagpayag niyang maging date ni Alt. Nahiya naman siyang i-cancel ang napag-usapan nila. Kahit na okay na sila ni Crosoft hindi pa rin niya mapigilan ang ma-guilty. Buti na lang at pumayag si Alt na huwag siyang sunduin sa bahay. Request din kasi 'yon ni Crosoft sa kanya.

"Crosoft,"

Hinarap siya nito. "Nabura na ang lipstick mo." May kung ano itong inabot sa backseat. Ang make-up kit niya. Binuksan nito 'yon at kinuha ang lipstick niya. "Lumapit ka sa’kin. Let’s retouch it."

Hindi niya ito sinunod. Napasimangot siya. "Crosoft, okay lang ba talaga sa’yo na sumama ako kay Alt?"

Hinuli nito ang tingin niya. "Paulit-ulit lang?" umayos ito ng upo. "Cam, sinabi kong okay na. I trust you. Alam ko namang patay na patay ka sa’kin kaya walang secret affair na mangyayari sa inyo ng keyboard na ‘yon. Kaya huwag ka ng OA riyan at lumapit ka na sa’kin kung ayaw mong ako na lang ang mag-lipstick."

"Patay na patay talaga, eh, ano?" nakasimangot na inilapit niya ang mukha kay Crosoft. Hinawakan nito ang mukha niya at maingat na nilagyan ng lipstick ang labi niya. "Ang galing mo talaga sa mga ganito 'no?"

"Tsk, huwag ka ngang magsalita."

Napangiti lang siya nang matapos ito at nire-retouch na ang make up niya.

"Naalala mo noong college natin. Hindi ka pa marunong mag-make-up no’n. Sabi ka lang nang sabi na bagay sa’kin 'yong ginawa mo sa mukha ko. Tapos nang lumabas ako ng classroom pinagtatawanan ako ng mga estudyante." Napasimangot siya.

Napangisi naman si Crosoft. "Bagay naman talaga sa’yo ah."

"Oo, mukha akong ni rape ng penguin."

Natawa ito. “Kaya nga first time eh. Magmumukha ka talagang chaka. Practice makes perfect nga kasi.” He tilted his head at muli pang sinipat ang mukha niya. “Done!” matamis ang ngiti nito sa kanya na parang proud na proud pa sa ginawa."'Yan, maganda ka na."

Kinuha niya ang maliit na salamin sa purse niya at sinipat ang sarili. Napangiti siya. She’s wearing an elegant maroon halter maxi dress na si Crosoft mismo ang pumili. Lumutang ang kaputian niya at mas naging mature rin ang mukha niya sa make up ni Crosoft. He curled her shoulder length hair and did the waterfall braid by himself na sobrang ikinamangha niya.

No joke! Hindi siya sanay purihin ang sarili pero ngayon lang siya sobrang nagandahan sa sarili. Parang ibang Cam ang nakikita niya sa mga oras na ‘yon.

"Parang ayoko na yatang palabasin ka sa kotse ko."

Napatingin siya kay Crosoft. "Huh?"

"Mas maganda ka na sa’kin. Baka ma-in love na talaga sa’yo ang keyboard na 'yon."

“Huwag na lang kaya akong tumuloy?"

"No! Huwag. Pabayaan mo na lang akong magselos. Wala ka namang ginagawang masama. Sige na, bumaba ka na." Nang dumukwang si Crosoft para buksan ang pinto ay mabilis na hinalikan niya ito sa pisngi. Natigilan ito at napatingin sa kanya. She smiled.

"What was that for?" nakangiting tanong nito.

"Thank you for understanding."

"Bakit kinikilig ako?"

"Baliw! Bababa na nga ako. Baka nasa loob na si Alt."

"Hayaan mo nga 'yon." Nagulat siya nang halikan siya nito sa mga labi. Hinawakan nito ang panga niya para pailalimin ang halik nito. Hindi na nga yata siya masasanay sa mga halik nito. Pinagdikit nito ang mga noo nila pagkatapos. "May buong gabi siya para makasama ka pati ba segundo kukunin niya rin? Punyeta siya."

"Ikaw talaga," she chuckled.

“Chos lang! Oh sige na, bumaba ka na at baka magbago pa isip ko’t itanan na lang kita now na – as in asap.”

“Pwede rin,”

“Saka na, kapag yumaman na ako nang bongga!” Crosoft gave her a quick kiss on the cheeks bago siya nito pinababa. “Text mo ko kapag nakauwi ka na para ‘di ako malokang babae ka. Love you!”

“Love you too.”

1+4+3

MASAKIT na ang panga ni Cambria sa kakangiti.

Pati paa niya masakit na sa kakatayo. Hindi naman talaga siya sanay sa mga heels. Pak juice! Sana talaga nag-flats na lang siya.

Maraming artista ang pumunta. Ilan sa kanila ay kilala siya. Kanina pa siya nakikipag-kuwentuhan sa ilan at mukhang mauubusan na rin siya ng mga sasabihin. Nakaramdam na siya ng pagod. Party is not really her thing. Madali siyang ma-bored sa mga ganitong okasyon.

Humiwalay muna siya kay Alt at tinungo ang balcony ng pinagdarausan ng event. Napabuntong-hininga siya pagkatapos isandal ang dalawang braso sa pasamano. The city lights made her a bit calm. Ilang minuto rin niyang pinagsawa ang mga mata sa magandang view sa harap niya nang bigla maalala ang mama at kapatid niya.

Nakita niya kanina ang mama at kapatid. Wala siyang ibang magawa kung 'di ang umiwas. Sa mga ganitong okasyon tiyak siyang 'di ito palalampasin ng mama at kapatid niya. Ngayon pa't unti-unti nang bumabagsak ang career ni Misty. Ayaw niyang magpapansin sa dalawa at tiyak gulo lang ang mangyayari.

Napabuntong-hininga siya. Bigla niya namang naisip si Crosoft. Kumusta na kaya ito?  Ang sabi nito sa  kanya ay may photoshoot daw ito at guesting sa isang show kaya busy ito. Bumalik naman sa isipan niya ang kinatatakutan niya. Hindi niya maiwasang isipin na baka may kung anong gawin ang mama niya kay Crosoft. Natatakot pa rin siya sa maaring gawin nito. Hiling niya ay sana 'di 'yon gawin ng mama niya kahit na malaki ang posibilidad na magagawa nga nitong sirain si Crosoft sa mga tao.

Hindi lang si Crosoft ang maapektuhan. Pati na rin ang anak nila.

"Hi," naputol ang pag-iisip niya.

Naibaling niya ang tingin sa tabi niya. Isinandal ng lalaki ang likod nito sa pasamano. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang kapatid ni Alt na si Skip. Nakangiting sinulyapan siya nito.

Gwapo at iba ang dating ni Skip. Kung si Alt masyadong pormal at tahimik. Si Skip naman ay malayong-malayo sa kuya nito. Kahit na medyo pormal ang tema ng event kapansin-pansin naman ang naiibang get up nitong si Skip. Masasabing ruggedly handsome ito kung titignan. Pero kahit na ganoon ay may napapansin siyang kakaiba rito.

Para kasing may mga actions ito na kaparehong-kapareho ng kay Crosoft.Hindi niya alam kung napansin 'yon ni Alt. Pero kung napansin nga nito ang kabaklaan ni Crosoft hindi malabong napansin na rin 'yon ni Alt. Alt is very keen when it comes to observing people. Ang pinagtataka niya lang ay wala namang nababanggit sa kanya si Alt na bakla ang kapatid nito.

Skip may appear manly, pero hindi siya pwedeng magkamali. If her assumption is right. Skip might  be hiding something. O baka naman ganoon lang talaga ito?

"Hi," ganting bati niya.

"You're my brother's date tonight, right?"

"Ah, yes."

"Is he courting you?"

"Naku hindi," she shook her hands in front of him. "Magkaibigan lang kami ni Alt."

"It sounded like you don't like my brother that much."

"I mean it in a good way. I'm sorry."

"Nope, it’s okay. Boring naman talagang tao 'yang si kuya. No worries. Anyway," He extended his hands at her. "I'm Skip Flores and you are?"

"Cambria Velasco."

"It's nice meeting you Cambria."

"Same,"

"Mukhang nagkakilala na rin kayo." Sabay silang napalingon sa nagsalita. Nakalapit na sa kanila si Alt. Nakangiti ito sa kapatid nito. "Hey, kumusta? Hindi kita makausap kanina sa sobrang busy mo. Iba talaga kapag sikat na."

"Look who's talking?" natatawang balik ni Skip kay Alt.

Inisang balikat nitong niyakap ang kapatid. "It's good to have you back."

Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti sa dalawa. Hindi niya kasi naisip na ganoon pala ka close ang relasyon ni Alt sa kapatid nito. Hindi niya maiwasang mainggit. Kung sana ganoon din sila ng kapatid na si Misty.

Kumalas si Alt sa pagkakayakap kay Skip.

"Hindi ko naman na siguro kailangang ipakilala pa sayo si Bria, right?"

"Nah, nakilala ko na siya. I gotta say, magaling ka talagang pumili kuya."

"Shut up Skip, we're just friends.'

"Woah, I didn't know na masyado na pa lang showbiz sumagot ang mga direktor ngayon. Looks like sa istante na lang ng mga dyaryo ko aabangan ang update ng love story mo." Skip chuckled.

"That's absurd Skip.”

"Excuse me, maiwan ko na muna kayo at kukuha lang ako ng maiinom." Skip smiled while Alt nodded. Ngumiti siya bago niya iniwan ang dalawa.

She made her way into the crowd. Nauuhaw na talaga siya. Ewan niya kung bakit biglang nanuyo ang lalamunan niya. May dumaan na waiter. Kumuha siya sa isa sa mga dala nitong wine glass mula sa tray nitong hawak. Mabilis na sinaid niya ang laman ng baso. Napangiwi siya nang malasahan ang wine. Masyado yatang nabigla ang lalamunan niya. Lalo tuloy siyang nauhaw.

Bigla siyang natigilan nang mapansin ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Napakurap-kurap siya. Kung hindi siya nagkakamali. Si Jeymes ang lalaking 'yon. Nakatayo ito malapit sa exit. Nakatingin ito sa hawak nitong cellphone. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Rinig na rinig niya ang malakas na tibok ng puso niya.

Bigla na lang pumasok sa isip niya si Crosoft.

"Cambria!"

Disoriented na napalingon siya sa tumawag sa kanya. Nakita niya ang mama niya na papalapit sa kanya. Muli siyang napatingin sa kinatatayuan ni Jeymes. Bigla itong kumilos at lumabas na nang tuluyan. Natagpuan na lang niya ang sariling sinusundan ito.

"Cambria bumalik ka rito!"

Hindi na niya nagawang lingonin ang ina. Lakad-takbo ang ginawa niya nang 'di na niya na makita si Jeymes. Napalingon-lingon siya sa buong paligid. Ramdam na ramdan niya ang malakas na tibok ng puso niya. Bakit masyado siyang kinakabahan? Nang makita niya ulit si Jeymes ay sinundan niya ulit ito. Hiling niya lang na sana 'di nito mapansin na sinusundan niya ito.

Dumaan ito sa fire exit. Sa tantiya niya ay pababa 'yon ng parking lot. Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago ito sunundan sa fire exit. Tama nga siya, pababa 'yon sa parking lot ng hotel. Iginala niya ang tingin sa buong paligid nang makababa siya. Namataan niya si Jeymes na nakatayo sa isang gilid na para bang may kung sinong hinihintay.

Nagtago siya sa isa sa mga sasakyan na naka park doon.

Mayamaya pa ay may sasakyan na huminto sa harap ni Jeymes. Tumigil yata ang pagtibok ng puso niya nang mapansin kung kaninong sasakyan 'yon. 'Yon ang sasakyan ng manager ni Crosoft na ginamit nito sa paghatid sa kanya kanina. Napahawak siya sa dibdib nang magsimulang manikip ang dibdib niya.

Natutop niya ang bibig nang bumaba ang salamin ng sasakyan at nakita niya ang mukha ni Crosoft. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Bumukas ang pinto ng sasakyan at pumasok si Jeymes. Lumabas siya sa pinagtataguan niya nang makaalis na ito. Nanlumo siya habang patuloy lang ang pagpatak ng mga luha niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Ang alam niya nasasaktan siya.

Saan pupunta sila Crosoft at Jeymes?

Mabilis na hinagilap niya ang cellphone sa purse. Nanginginig na i-denial niya ang number ni Crosoft. Agad naman siyang sinagot ni Crosoft.

"Cam?"

She cleared her throat before speaking. "Crosoft saan ka ngayon?"

"Hmm, nagdi-drive ako ngayon."

"May kasama ka ba?"

"Kasama? Wala. Ako lang mag-isa. Bakit?"

Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang maiyak. Bakit Crosoft? Bakit kailangan mo pang magsinungaling sa’kin? Huminga siya nang malalim.

"Cam? Are you okay."

"I'm fine, sige ibaba ko na."

"Bye,"

"Crosoft -"

"Cam?"

"Gagabihin akong mauuwi mamaya baka ‘di na ako makatawag sa’yo.” Hindi na niya hinintay na sumagot ito at pinutol na niya ang tawag.

Kusang bumagsak ang mga balikat niya at natagpuan na lamang niyang nakaupo na siya sa isang tabi habang umiiyak.

Dios ko, huwag sanang mangyari ang iniiisip ko.


EIGHT YEARS AGO


“FRET!” Napalingon si Cambria kay Essera.

“Sali ka sa love letter contest natin sa school. Malaki ang premyo.” Inabot nito sa kanya ang isang flyer. Napatingin lang siya sa ibinigay nito.

“Love letter contest?” basa niya. Nakasimangot na ibinalik niya ang papel kay Essera. “Baka alam mong horror ang genre ko. Gusto mong sulatan ko sila ng death threat?”

Essera rolled her eyes. “Gaga!” napaigik siya nang paluin nito ang braso niya. Nahimas niya tuloy ang precious arms niya ng wala sa oras. “Sinabi ko bang mamamatay tao ka? Mag-isip ka nga. Sa sobrang drama ng pag-ibig mong walang katapusan kay Crosoft. Kahit man lang ba pang MMK na kwento wala ka pa ring maisulat?” inakbayan siya nito.

Tumaas naman ang kilay niya rito. “Hindi ko gets?”

“Hay naku Cambria. Ito kasi ‘yon eh. Love letter? Gumawa ka ng letter para sa taong gusto mo. Isulat mo lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. ‘Yong mga bagay na ‘di mo kailanman masasabi sa kanya ng harapan. Ibuhos mo na lahat ng paasa moments at hopia moments mo. Magtanong ka na rin kahit malabong sagutin ka nun. Kapag love letter, dapat may puso.”

“Kaya ko ba ‘yon?”

“Let your heart write it.”

“Paano ko ‘yon gagawin?”

“You’ll know,” ibinalik ni Essera sa kanya ang papel. Pinihit siya nito paharap dito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Huwag mong isipin ang premyo. Isipin mo kung paano mo mailalabas ang nararamdaman mo para sa kanya. Okay?” ngumiti ito.

She smiled back. “Thanks, susubukan ko.”

“Huwag mong subukan, gawin mo. Magsulat ka na dahil sa Friday na ang deadline. Wednesday na ngayon. Chop! Chop! Time is gold.”

“Huh?!” bulalas niya. “Sa Friday na pero ngayon mo pa lang sinabi sa’kin?”

“’Te, ngayon ko lang din ‘yan na pansin. Buti nga na pansin ko pa.”


DEADLINE


NAPASINGHAP si Cambria nang biglang itaas ni Crosoft ang mukha niya gamit ng baba niya.

Napatitig siya sa mga mata nito. Napalunok siya nang mapansin kung gaano kalapit ang mga mukha nila sa isa’t isa. Their lips could almost touch.

“Oy, anong ginagawa mo, ha?”

“Crosoft!” saway niya.

Inalis niya ang kamay na nakahawak sa baba niya. Naasar talaga siya kapag ginagawa ni Crosoft ‘yon sa kanya. ‘Yong biglang may gagawin siyang damobs na parang hahalikan siya. Kapag ganoon ‘di napapakali ang puso niya. ‘Langya talaga!

Umupo ito sa tabi niya na nakasandal ang likod sa mesa. Nasa study lounge sila sa itaas ng field. Cramming na siya dahil hindi pa tapos ang sinusulat niyang love letter at submission na mamayang 5 pm. Ta’s inaasar pa siya ng baklang mahal niya.

“Oy ano nga ‘yan, girl?”

“Wala kang paki.”

“Ay ang sungit. Patingin nga.”

Mabilis na tinakpan niya ng binder ang card na siya mismo ang nag-design. Sulat na lang ang kulang at pwede na rin ‘yong i-submit.

“Hindi pwede! Bawal ‘to sa mga taong may love life.”

“Bakit ang bitter mo?” pinaningkitan siya nito ng mga mata. “Kung love letter ‘yan sige lamunin mo na ‘yan. Wala akong balak basahin ang mga ka-bitteran mo sa buhay. Nakaka-stress yon. At saka baka ‘di matunawan ang crush mo kapag binasa niya ‘yan.” Sinilip-silip nito ang tinatakpan niya. “Kaya ipabasa mo muna ‘yan sa’kin para ma-edit ko.”

“Hindi naman ‘to para sa’yo eh. Bakit babasahin mo pa?”

Iniligpit niya ang mga gamit at ipinasok lahat sa bag. Isinuot niya ang sling bag bago tumayo. Iniwan niya si Crosoft.

“Hey!” naramdaman niya ang pagsunod nito.

“Huwag mo kong sundan!”

“Ayoko mami-miss kita.”

“Hindi pa ako mamamatay kaya huwag kang excited.”

Bigla siya nitong inakbayan. “Cam, samahan mo ako.”

“Ayoko busy ako.” Inalis niya ang braso nito pero ibinalik din agad nito sa balikat niya. “Bitiw!”

“Cam naman eh! Huwag ka namang hard sa’kin.”

“Busy ak – eey!” napatili siya nang bigla siya nitong yakapin nang sobrang higpit. Nailapat niya ang dalawang palad sa dibdib nito. Naingat niya ang tingin kay Crosoft na nakayuko sa mukha niya. “Crosoft D’Cruze!”

“Bakit ba ang high blood mo ngayon, ha?”

“Kasi ang kulit mo! Doon ka na nga sa boyfriend mo.”

“Tinataboy muna ako ngayon? Nasasaktan ako Cam.” Sumimangot ito.

“Oh, ‘di sige, akin na lang si Jeymes –“

“Huwag!”

Bigla siya nitong binitiwan. Napasalampak tuloy siya ng upo sa lupa. Tinapunan niya si Crosoft ng masamang tingin. She pulled herself up at pinagpag ang jeans niya.

“Eh ayaw mo naman pala eh ‘di binitiwan mo rin ako!”

“Cam, bakit ka ba ganyan?”

“Wala!” tinalikuran niya na si Crosoft at nag-martsa palayo.

“Cam! Ano bang problema mo?”

Ikaw, kasi mahal kita. Bwesit!


FEBRUARY 14


“FRET! Mahfriend! Ameega! Kaibigan! My gaad Cambria!” nakatiling tumatakbo palapit sa kanya si Essera. Pinagtitinginan na nga ito ng mga estudyante. Hinihingal na huminto ito sa harap niya. “Bria!”

“Ano ba Essera, para ka namang nasunugan. Nakakahiya.”

“Fret hayaan mo sila. May good news ako sa’yo.” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Na post na ang title ng letter mo sa bulletin board. Guess what? Ikaw ang first prize!” tumili na naman ito.

“Hoy! Awat na.”

“Wait lang mahfriend, tsi-chill lang muna ako.” Pinaypayan nito ang sarili dahil mukhang mamaya mangingisay na ito sa sobrang saya. “I’m so proud of you!”

“Wait nanalo ako?”

Itinirik ni Essera ang mga mata. “Ano ba dae? Ikaw ba si Cambria o kambal ka niya? Kakasabi ko lang, diba? Bingi lang? May amnesia? Kaloka!”

Napangiti siya. Masaya sa feeling na malaman na nanalo siya kahit na ‘di naman talaga ‘yon mababasa ni Crosoft. Pero malaking bagay na rin ‘yon sa kanya.

“Oh ito dae, makinig ka sa’kin dae, mamayang 5 pm may Valentines Party. Tatawagin ka at ipapabasa sa’yo ang sulat mo. Kaya mag ready ka na at –”

“Wait, huh?! A-Anong ipapabasa? A-Akala ko hanggang sulat lang.”

“Dae! Chance mo na ‘to.”

“A-Ayoko!”

“Ewan ko sa’yo! Sige dalhin mo ‘yang sulat mo hanggang sa kamatayan. Mamamatay kang virgin, sige ka. Ayaw mo bang magkatuluyan kayo ni Crosoft?”

“G-Gusto, pero magiging kami ba kapag narinig niya ang laman ng sulat ko para sa kanya?”

“I-pray natin ‘yan sis. Naniniwala ako sa miracles. Hindi ka mamamatay na virgin.”

“Grabeh siya oh!” tinawanan lang siya ng loka-loka.

Hindi nga niya masabi kay Crosoft ang nararamdaman niya. Basahin pa kaya ang sulat niya para rito sa buong madlang people? Ano siya naka hit-hit ng isang milyong katol? No way!


VALENTINES PARTY


CAMBRIA feels like throwing up.

Sobra pa sa tense ang nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon. Parang mamamatay na yata siya sa kaba. Nasa back stage siya. Hawak-hawak niya ang love letter na ginawa niya. Sa huli ay napag-desisyon niyang basahin ang sulat. Baka tama nga si Essera. Baka kapag nalaman ni Crosoft ang totoong nararamdaman niya para rito baka may magandang maidudulot ‘yon.

Asa pa more Cambria!

“Bria,” tinapik siya ng isang babae na mukhang isa sa mga staff sa event. “Last ka na. Mauuna ang third, saka second, then ikaw na.”

“O-Okay po,” naigala niya ang tingin sa paligid. “Saan po ang dalawa?”

“Nasa kabila ang third, ‘yong second sabi mali-late pero malapit na raw. May surprise raw kasi para sa taong sinulatan niya.”

“Ah okay,” tumango ito bago siya iniwan.

Natapos na ang ikatlong nanalo. Nang tawagin ang second runner up ay sandaling na dead air ang event. Nagtaka naman siya nang biglang nagsigawan ang mga tao. Lumabas siya ng back stage at nakisiksik hanggang sa mapunta siya sa harap.

Ganoon na lang talaga ang panlalaki ng mga mata niya. Para siyang naipako sa kinatatayuan niya. Nasa itaas ng stage si Jeymes. May hawak na letter at mga bulaklak.

“To my dearest love,” simula ni Jeymes.

Napunta ang spot light kay Crosoft na nasa likurang bahagi ng mga audience. Tila nagtataka pa ito kung bakit nakatuon ang spot light dito. Hindi siya makaimik. Walang lumalabas sa bibig niya. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng selos. Hindi pa nga natatapos ang sulat na binabasa ni Jeymes para kay Crosoft ay nag-iinit na ang mga sulok ng mga mata niya. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya.

“I want you to know how much I love you. That I would do anything for you. People might think our relationship is weird, but I don’t care. I love you and it’s all that matters. Remember this always, I love you so much and losing you might be the worst than seeing myself facing death. We will make this relationship work….”

Rinig na rinig niya ang pag-ooh sa kilig ng mga tao. Habang pinipiga naman ang puso niya. Tinignan niya si Crosoft. Nakangiti ito, halatang masayang-masaya sa narinig mula kay Jeymes.

“Happy Valentines baby, I love you.”

Inabutan ng mic si Crosoft. Hinintay niya ang magiging sagot nito. Sa puso niya, tahimik na pinagdadasal niyang hindi ang isasagot nito. Kahit imposible.

“I love you too baby.”

Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Masyado nang naninikip ang dibdib niya. Para na siyang mauubusan ng hangin. Kailangan niyang makaalis. Hindi niya na kaya. Wala na siyang pakialam sa kung sino ang nababangga niya ang importante sa kanya ay ang makaalis sa lugar na ‘yon.

Nanalo man siya, pero hindi maalis ang katotohanang ‘di niya kailanman matatalo si Jeymes sa puso ni Crosoft.


NAIPIKIT ni Cambria ang mga mata nang maalala ang masakit na ala-alang ‘yon.

Hanggang ngayon dala-dala pa rin niya ang sakit nang nakaraan. Pinunasan niya ang mga luhang umalpas sa mga mata niya. Mula sa cabinet ay inalabas niya ang isang box. Binuksan niya ‘yon at kinuha ang love letter na ginawa niya noon para kay Crosoft.

Hanggang ngayon ‘di pa rin niya ‘yon naibibigay rito.

Kahit anong pilit niya sa sariling pagkatiwalaan niya ang pagmamahal ni Crosoft sa kanya ay ‘di niya pa rin maiwasang makaramdam ng selos at sakit. Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan okay na sila saka naman babalik si Jeymes?

“Hindi ko alam kung kaya ko Crosoft,” nagsimulang yumugyog ang mga balikat niya sa sobrang pag-iyak.

Niyakap niya ang letter.

Minsan naitanong niya sa sarili. Kung itinuloy ba niya ang pagbasa sa sulat noon may mababago kaya?

Pero sino bang niloko niya?

Pero hanggang kailan sila ganito?

Hanggang kailan maglilihim sa kanya si Crosoft?

Natatakot akong baka magising na lang ako na wala na ulit si Crosoft sa akin.

Muli siyang napahikbi.

Makakaya ko pa rin ba?



 

Just imagine a life being with the person you secretly love. Embracing jealousy, pain, and heart aches whenever you see him happy. Masakit, diba? Pero wala akong magawa kasi ‘yon ka eh.

Iniisip nila na nababaliw na ako. Bakla ka. Tapos na in love ako sa’yo. Katangahan daw ‘yon. Anong problema nilA? Ako naman ang nagpapakatanga hindi naman sila, diba? Kasi ganito ‘yon.

Will you stop loving a guy just because he’s gay? Sabi ko, hindi. Kasi wala namang standard at gender ang love. Minahal kita hindi dahil sa panlabas na anyo mo kung ‘di sa paano mo pinaramdam sa akin kung gaano ako kahalaga. Kung gaano mo ako pinapasaya. Brutal ka man at insultador pero ikaw naman ang number one super woman ng buhay ko. Nandiyan ka kapag kailangan kita. Dikit ka pa rin nang dikiT. Pinapangiti ako, pinapatawa at kinakantahan ng Happy Birthday kahit sobrang pangit ng boses mo. Minahal kita hindi dahil pinagpala ka ng langit sa kagwapohan at katalinohan ... sumemplang lang nang slight nang maging Darna ka. Pak juice!

And because of that love, I learned how to make pain as my bestfriend. I learned how to make lie as my soul. I learned how to get used of the pain and everyday I lie about what I feel for you. Masakit, pero kinakaya ko lahat ng ‘yon dahil ayokong mawala ka. Ayokong mawala ang bestfriend ko. Kahit gusto ko ng sumuko hindi ko pa rin magawa. Wala eh, mahal kasi kita. Kahit na alam kong malabong mahalin mo rin ako. Pero okay lang, ‘di ko naman kailangan ng sukli. Dahil ‘di ko naman pinababayaran ang pagmamahal ko sayo.

Love,

Cam



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE