Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

CAMBRIA couldn’t help herself but feel disappointed.

Pati messages ni Crosoft sa cell phone nito may password. Dati naman ay wala 'yon. Bakit ngayon meron na? Napatingin siya sa nakaawang na pinto ng silid nito. Nasa condo sila ni Crosoft kasama si Danah. Nasa loob ng silid na 'yon si Crosoft. Pinapatulog ang anak nila.

Ibinaba niya ang cell phone nito sa coffee table at niyakap ang throw pillow na nasa tabi niya. She sighed. Ayaw niyang paghinalaan si Crosoft pero sa mga pagbabagong nakikita niya rito nitong mga nakaraang araw lalo lang siyang nagdududa. Hindi niya alam kung totoo pa rin ba ang pagmamahal nito o laro-laro na lang. Nahihirapan na naman siyang magtiwala. Alam naman na 'yon ni Crosoft. Pero bakit pinapahirapan pa siya nito?

Ano ba talagang nasa isip mo Crosoft?

Hindi rin niya maitanong 'yon kay Crosoft at baka isipin nitong wala siyang tiwala rito. Pero paano niya malalaman ang totoo? Takot lang ba siyang malaman ang totoo kaya 'di niya maitanong 'yon kay Crosoft? Baka naman masyado lang siyang paranoid. Baka namali lang siya ng tingin at 'di talaga 'yon si Crosoft ang nakita niya sa parking lot. Pero hindi naman siya pwedeng magkamali. Kitang-kita niya na si Crosoft talaga 'yon.

Hindi namalayan ni Cambria na nakalapit na si Crosoft sa kanya.

"Tulala yata ang Cam ko?"

Naingat niya ang mukha kay Crosoft. Nasa likod niya ito habang nakatunghay ito sa kanya. Sinundan ng mga mata niya ang paglipat nito sa tabi niya. Niyakap siya nito.

"You okay?" tanong ulit nito. Nakatitig lang siya rito. "May problema ba?"

"Crosoft, may gusto ka bang sabihin sa akin?"

Kumunot ang noo nito. "Sabihin sa’yo? Wala naman. Bakit mo naman na tanong?"

Nakagat niya ang ibabang labi. Lalo lang nadagdagan ang bigat sa puso niya sa pagsisinungaling ni Crosoft. Nagsimula na namang manikip ang dibdib niya kaya huminga muna siya nang malalim na hindi gaanong mapapansin ni Crosoft. Bakit ka ba nagsisinungaling sa akin Crosoft?

"Cam are you okay?" may pag-aalalang tanong ulit nito.

"Nothing,” tipid na ngiti lang ang naibigay niya rito. “Pagod lang siguro.”

"Are you sure? Baka masyado mo ng pinapagod ang sarili mo."

"Huwag kang mag-alala okay lang ako."

Kahit sa totoo hindi naman.

1+4+3

"CAMBRIA!"

Napalingon si Cambria sa likod nang marinig niya ang pangalan niya. Nagulat siya nang makita si Skip. Mabilis na nakalapit ito sa kanya.

"Skip,” ngiting bati niya rito. “Oh, nandito ka pala?”

"I visited Alt. Kagagaling ko lang sa studio ng noon time show niya. Busy?"

"Medyo, pero my one hour break pa ako. Bakit?"

"Samahan mo muna ako." Skip immediately grabbed her wrist at walang sabi-sabing hinila na siya nito. Gulat man ay nagawa pa rin niyang magsalita.

"Hey, saan mo ako dadalhin?"

"We'll just have coffee." Nilingon siya nito at kinindatan.

Dinala siya ni Skip sa isang coffee shop na malapit lang sa network. Tahimik lang siya. Hinihintay niyang magsalita si Skip. Medyo naiilang din siya dahil 'di pa naman sila ganoon ka close ni Skip. Lalo pa't pinagtitinginan ng mga babaeng customers si Skip. Lalo lang tuloy siyang nailang.

"So Bria," simula nito. "May pag-asa ba ang kuya ko sa’yo?"

Nagulat siya sa tanong nito. Hindi tuloy agad siya nakapagsalita.

"Magkaibigan lang kami ni Alt."

"Hmm?" he sipped on his coffee first bago nagpatuloy. "That's too bad. Sa nakikita ko kasi mukhang gustong-gusto ka talaga ng kapatid ko.”

"I'm sorry." Napayuko siya.

"Nah, don't be sorry. Hindi mo naman kasalanan na 'di mo siya magawang mahalin. Hayaan mo siya. Matanda na siya para mag-move on." Skip chuckled. "Please don't tell him I said that."

Napangiti siya.

Okay naman pala si Skip. Sa una lang nakakailang. Biglang naalala niya si Crosoft kay Skip. Ganoon na ganoon din talaga ang pagkakakilala niya rito noon. Nakakailang pero kapag nasanay ka na nakakatuwa na silang kausap. Hindi niya maiwasang mapansin ang mga kakaibang kilos nito. Ganoon na ganoon din si Crosoft. Kahit na lalaking-lalaki ito sa labas ay kapansin-pansin pa rin ang pagpilantik ng mga kamay nito at paglambot ng boses. Mas nako-control nga lang ni Crosoft ang mga gestures nito.

"Ahm, Skip, okay lang bang magtanong?"

"Sure, ano 'yon?"

"Huwag kang ma-offend, ha? Pero may napapansin lang ako.” She paused for awhile. “Ahm, are you gay?"

Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Napalunok tuloy siya ng wala sa oras. Baka naman nagkamali lang siya. Pero malakas talaga ang kutob niya eh. Bigla itong tumawa. Parang tanga na napatitig siya kay Skip.

"Damn, akala ko pa naman 'di mo mahahalata."

Namilog ang mga mata niya. "So you're gay?" nakangiting tumango si Skip. "Alam ba 'to ni Alt?"

"Alam niya." He nodded. Hindi pa rin maalis ang ngiti nito sa mukha. “Si kuya pa.”

Napangiti siya. Tama nga siya. Katulad ni Skip si Crosoft. Kagaya rin kaya ni Crosoft si Skip? Kaya rin kayang magmahal ni Skip ng isang babae?

"Okay lang Bria, pwede mo akong tanungin." Napatingin siya sa nakangiting mukha ni Skip. "Alam kong may gusto ka pang itanong sa akin."

"Wala naman, saka 'di naman importante."

"I disagree, lahat ng tanong importante. Sige ano 'yon."

She took a deep breath. Hinawakan niya ang katawan ng mug na nakapatong sa table. Hindi pa nababawasan ang laman nun. Medyo hindi niya din gusto ang amoy.

"Skip, what if may best friend kang babae. Tapos na in love siya sa’yo. May chance ba na ma-in love ka sa kanya kahit na bakla ka?" inangat niya ang mukha rito.

"Hmm," sandali itong nag-isip. "I might and may not. I might fall for my best friend but it may not be as great as her love for me. Magugustuhan ko siya because of my sweet attachment to her, but not in a romantic way. Mangingibabaw pa rin ang kung ano ako."

Medyo na dismaya siya sa sinagot ni Skip.

"Why did you ask?”

"Naitanong ko lang naman. Marami na kasi akong nababasa na ganyan. Gusto ko lang malaman kung pwede rin siya sa totoong buhay." Kaila niya.

"Oh, I guess. For me not, I don't believe in such things. May instances siguro na pwede, but I doubt it if he can give her the love she wanted from him. Halimbawa na lang siguro, kung na buntis niya ang babae. Which always happens in drama. Normally, kapag ako 'yon I'll take responsibility of our child. Marriage is open for me. Pero hanggang pagiging ama lang ang kaya kong ibigay. My relationship with the mother may just be in a civil way na pwede naming pag-usapan. Bottom line is, I'm still gay. And I could only love them in ways that I can."

Hindi niya alam kung dapat na ba siyang maiyak o pakakalmahin muna niya ang puso. Paano kung pareho sila ni Crosoft ng paniniwala? Paano kung responsibility lang lahat ang tingin ni Crosoft sa kanilang mag-ina? What if okay lang kay Crosoft 'yon dahil magkaibigan sila?

I can love you in ways that I can.

Sumama bigla ang pakiramdam niya nang maalala ang sinabing 'yon ni Crosoft sa kanya. Paano kung 'di naman talaga ako mahal ni Crosoft sa paraan na gusto ko?Kaya siguro hindi masabi sa kanya ni Crosoft ang tungkol kay Jeymes. Dahil marami itong inililihim sa kanya.

"Are you okay, Bria?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Skip.

“I’m fine,” pilit siyang ngumiti. “Bigla lang sumama ang pakiramdam ko.”

"You sure? I think you should go home early para makapagpahinga ka. I admire you for being a single mother and a hardworking director at the same time." Binigyan niya ng nagtatanong na tingin si Skip dahil nagtataka siya kung bakit marami itong nalalaman tungkol sa kanya. "Yeah, Alt told me about you. He's really crazy about you." He winked. "No joke."

"It’s okay. Anyway,” pinilit niyang ngumiti. “Thanks for the coffee."

"Welcome, kahit 'di mo naman nabawasan." He chuckled.


1+4+3

INIUNAT ni Cambria ang katawan.

Hindi niya alam kung bakit pagod na pagod siya. Kahit naman noon ay kahit sa puyatan ay kayang-kaya niya pero ngayon kulang na lang maglatad siya ng banig sa sobrang antok. Naninibago lang siguro ang katawan niya. Hindi naman kasi kasing busy ng trabaho niya ngayon ang trabaho niya noon. She covered her mouth as she yawn.

Alas dos na ng hapon. Nag-break muna sila at hinihintay pa nilang mag-alas singko para sa susunod na eksena. Kaya halos ng mga kasamahan niya ay nagsi-siesta. Ibinalabal niya ang scarf sa katawan nang umihip ang malakas na hangin. Malamig talaga ang location ng shoot nila. Pero masarap sa mata ang mga view.

Nakaagaw sa atensiyon niya si Crosoft. Hindi siya nito napansin habang dire-diretso ito sa mini forest sa lumang bahay. Hindi niya alam kung bakit pero natagpuan niya na lamang ang sariling sinusundan si Crosoft.

Tahimik na nagtago siya sa isa sa mga puno na nandoon.

"Damn it! I don't know if I can do it?" may kausap si Crosoft sa cell phone. "I wish you're here. Heck, kinakabahan ako. What if magalit siya sa’kin? You sure? Sana nga." He sighed. "Thanks Jeymes. Soon. I'll tell her soon. Okay, bye."

Biglang nanikip ang dibdib niya. Naramdaman niya ang pamamasa ng mga sulok ng mga mata niya. Tama nga siya. Nakabalik na si Jeymes at wala talagang planong sabihin sa kanya ni Crosoft ang totoo. Napahawak siya sa kanyang puson. Hindi niya alam kung bakit biglang humilab 'yon. Pero hindi niya pinagtuonan ng pansin 'yon. Huminga siya nang malalim at bumuntong-hininga.

Sa mga na laman niya hindi niya alam kung paano niya pa pakikitunguhan si Crosoft. Sobrang nasasaktan siya. Mas masakit pa kaysa sa pag-iwan nito sa kanya noon.

Bakit Crosoft?

1+4+3


"MER!" tawag ni Cambria sa assistant.

Nagtataka siya kung bakit kaunti lamang ang tao sa set. Mayamaya lang at magri-resume na ulit sila sa shoot.

"Na saan na ang iba?" tanong niya.

"Eh direk, si fafa Crosoft kasi -"

"Anong nangyari sa kanya?” naiiritang tanong niya. Napakamot sa ulo si Mer. "Mer, anong nangyari kay Crosoft?!" ulit niya.

"Ah… eh… "

Napatingin siya sa harapan ng bahay. Lumabas sa pinto si Crosoft. May hawak na mga bugkos ng mga bulaklak. Kumunot ang noo niya. Nakangiting lumapit ito sa kanya. Naghiyawan at nagtiliin ang mga kasamahan nila. Napansin niya naman si Mer na panay ang pagpipigil nito ng tili. Pero sa kabila ng saya at kilig na nakikita niya sa ibang tao. Hindi niya 'yon maramdaman sa sarili.

Nang makalapit si Crosoft sa kanya ay lalong nagtilian ang mga taong nasa paligid niya. Hinuli nito ang tingin niya. Hindi niya alam kung totoo ang pagmamahal na nakikita niya sa mga mata ni Crosoft. Kung alam lang nito kung gaano siya nasasaktan nito ngayon.

Inabot nito sa kanya ang mga bulaklak. Nanatili siyang tahimik. Tumikhim si Crosoft. Mula sa bulsa ng pants nito kinuha nito ang ilang sticky notes.

"Oh quiet na guys," nakangising pahayag nito. Lalo lang tuloy itong tinukso. "Tsk, ito na nga babanat na." Tumikhim ulit ito. "Hi Miss Cambria. Ako nga pala si Crosoft. May lihim na crush sayo." Nakangiting wika nito. "At may baon akong pick up line sa’yo."

"I-banat mo na 'yan!" sigaw ni Kim.

Nagtawanan ang lahat at lalo pang tinukso si Crosoft.

"Oo na, ito na oh. Panira ka naman ng moment. Ahm, Cam -"

"Thank you," may ngiting putol niya. "Salamat sa effort Crosoft pero marami pa tayong gagawin ngayon. Mer," mabilis na lumapit sa kanya si Mer. Ibinigay niya rito ang mga bulaklak. "We'll start after 15 minutes." Saka niya tinalikuran ito.

"Y-Yes direk."

"Cam…" narinig pa niyang tawag nito sa kanya.

Pero hindi na niya ito pinansin. Stop playing games with me Crosoft. I’m so sick of it!


1+4+3


ITINIGIL ni Crosoft ang sasakyan sa harap ng bahay nila. He glanced at her. Sa buong b’yahe ay ‘di niya ito kinakausap.

“Cam, kausapin mo naman ako.” Malungkot na pakiusap nito. “Galit ka ba dahil sa ginawa ko? Look, I’m sorry. Nagawa ko lang naman ‘yon dahil gusto kong malaman nila ang totoo kong nararamdaman para sa’yo. Dahil pagod na pagod na akong itago ang relasyon nating dalawa. I want to - ”

“Pagod ka na?” malamig na tugon niya. Hinarap niya ito. “Crosoft kung pagod ka na pwede naman natin ‘tong tapusin. Hindi naman kita pinipilit.”

Bakas ang pagkagulat sa mukha nito. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

“C-Cam? A-Ano ‘to? You’re breaking up with me because of what I did? Mali bang gumawa ako ng paraan para ipaalam sa kanila na ikaw ang mahal ko?” napalunok siya. Pilit na isinisiksik ng utak niya na hindi totoo ang lahat ng mga sinasabi ni Crosoft sa kanya. “Cambria naman! Damn it.” He slammed his hand on the steering wheel.

Ilang segundo silang naging tahimik.

“Wala ka ba talagang sasabihin sa akin?” basag niya.

“Ano ba dapat ang sabihin ko?” sarkastiskong balik tanong nito sa kanya.

Humugot siya nang malalim na hininga bago binuksan ang pinto ng sasakyan. Pigil niya ang mga luha. Bugbog na bugbog na yata ang puso niya sa sakit pero heto pa rin siya at paulit-ulit na binibigyan ng pagkakataon si Crosoft na magpaliwanag. Kung bakit kasi mahal na mahal kita?!

“Cam!” tawag ni Crosoft.

Umikot ito sa harap ng sasakyan para makalapit sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at pinihit paharap dito saka hinuli ang mga mata niya.

“Cam, please don’t give up on me.”

Hindi niya napigilan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Sobrang masakit na pero lumalambot pa rin ang puso niya para kay Crosoft. Kahit alam niyang may mali at maari siyang masaktan ay hindi pa rin niya mapigilang huwag itong pansinin.

Gumalaw ang mga balikat niya nang tuluyan na siyang maiyak. Naninikip ang dibdib niya. Lahat yata ng sakit na naramdaman niya noon dahil kay Crosoft bumalik. Sa sobrang bigat ng kalooban niya gusto niya na lang ibigay lahat sa pag-iyak. Pagod na pagod na siyang umasa. Pagod na pagod na siyang magmahal sa iisang tao na maaring ‘di siya kayang mahalin ng totoo.

Niyakap siya ni Crosoft.

“Please don’t cry,” naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap nito sa kanya. “I really hate seeing you cry dahil alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan.”

“M-Mahal na mahal kita alam mo ba?” she sobbed on his chest.

“I know,”

“Pero bakit ba lagi mo akong sinasaktan?”

“I’m sorry.”

“Hindi ko alam kung bakit mahal pa rin kita sa kabila ng lahat. Pero hindi ko alam kung sa pagkakataong ‘to makakaya ko pa. Sobrang sakit na Crosoft.”

“Cam,” kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at masuyong hinawakan ang mukha niya. “Ano bang gusto mong sabihin ko sa’yo?”

“Mahal mo ba talaga ako?”

“Oo naman. Alam mo naman ‘yon, diba?”

“Anong klaseng pagmamahal?”

“Kailangan ko pa bang sagutin ‘yan?”

“Sagutin mo ako Crosoft!”

“Cam, mahal kita sa paraan na kaya ko. Mahal kita bilang ako. Hindi pa ba sapat ‘yon?”

Naipikit niya ang mga mata at lumayo kay Crosoft. Iminulat niya ang mga mata at matapang na sinalubong ang mga tingin nito. Tama si Skip, kaya n’yo lang magmahal sa paraan na kaya n’yo pero hindi naman buo. Umayos siya ng tayo.

“Pwede mo pa ring bisitahin si Danah kung gusto mo.”

Lakas loob na tinalikuran niya si Crosoft at pumasok sa loob.

“Cam?! Damn it. Ano bang nagawa kong mali ngayon?!”

Natutop niya ang bibig sa sobrang pag-iyak.

Ayoko na Crosoft! Hindi ko na kaya ang sakit. Dapat hindi na ako nag-expect nang malaki. Na buo nga ang pagmamahal mo sa akin. Hindi sana ganito ka sakit ang nararamdaman ko ngayon.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE