Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

ONE YEAR AFTER

“CAM! Cam!” sigaw ni Crosoft.

Mula sa kusina ay sinilip ni Cambria si Crosoft. Muntik pa itong madulas pagkababa na pagkababa nito sa hagdan. Mabuti na lamang at madali nitong na i-balanse ang sarili. Ano na naman kayang problema ng isang ‘to? Isang taon na ang lumipas simula nang ikasal sila. So far ay wala naman silang naging problema. Tanggap na rin ng mga fans ni Crosoft ang pagkatao nito. Hindi naman na raw ‘yon big issue na bakla ito since Crosoft married her plus they have Danah. They find it very romantic for a gay to fall in love with his own girl bestfriend. Kinilig pa nga halos ng mga tao sa kanila. Hayun nga at nalimutan ang issue tungkol kay Crosoft.

Sa sobrang excited at hype ng ilan ay ginawan pa sila ng fanpage – Team CamSoft. Lalo pang sumikat ang pamilya nila dahil ‘tong mag-ama niya laging nagpo-post ng kung anu-anong videos at pictures online. ‘Yan tuloy instant celebrity ang pamilya nila.

Tungkol sa mama niya. Kinasuhan ng network ang mama niya. It turned out na marami na rin palang pinagkaka-utangan ang mama niya. Lalo lang dumami ang mga kaso nito. Dasal niya ay sana magbago na ito.

Habang si Misty naman ay sinusubukang ibalik ulit ang nasirang pangalan nito. Naka-usap niya ito at humingi na rin ito ng patawad sa kanya. Kaya okay na rin sila. Now, Misty is trying her luck in the modeling world. Hayun at sumali sa Asia’s Top Model. But she’s more than happy that she got her sister back.

Magkaibigan na ulit sila ni Jeymes – mas close na nga this time. Lalo na kapag naiinis siya kay Crosoft. Kung may isang tao mang hindi rin ito-tolerate ang ugali nito, si Jaymes na ‘yon. At least may kakampi siya kapag tinupak ito. Tsk. Kung ‘di lang niya talaga sobrang mahal ang baliw niyang dyosang asawa.

Kinasal na ito at si Skip sa ibang bansa. At masaya siya para sa dalawa. Nabigyang linaw na rin ang lahat sa pagitan nilang tatlo. Pati si Skip ay kinausap din siya at butong-boto sa kanilang dalawa ni Crosoft. Isa raw siya sa bukod tanging babae sa mundong ibabaw dahil nagawa niyang pa ibigan ang isang Crosoft D’Cruze.Sorry na lang daw sa kuya nito. Mas makamandag daw si Crosoft. Baliw talaga, haha.

Si Alt naman, masaya siya na tanggap na ni Alt ang lahat. Malaki rin ang utang na loob niya rito. Hiling niya na sana makilala na nito ang babaeng mamahalin nito at mahahalin din si Alt nang sobra-sobra. Pero mas sasaya siya kung aaminin na nitong crush nito ang bagong makulit na make up artist ni Crosoft na si Scroll. Yiee!

Ito namang papa niya ay pumapag-ibig lang. Nagkita ulit ito ng first love nitong si Miss Kristina Zulueta. Mukhang may magbabalik na pag-ibig. Okay lang, pareho naman nang single ang dalawa lalo na’t approved na ang annulment ng mama at papa niya. Matagal na ring pumanaw ang asawa ni Kristina. Masaya na rin siya para sa papa niya. At sana magtuloy-tuloy na.

Masaya na ang lahat.

Wala na yata siyang mahihiling pa. Ngayon pa at –

“Cam!” nagulat siya nang bigla siyang hawakan ni Crosoft sa magkabilang balikat. Pinihit siya nito paharap dito. Natawa naman siya sa mukha nito. Magulo ang buhok at namumutla pa. Tinanghali na naman itong nagising. Buti na lang at wala itong naka-i-schedule na trabaho ngayon. “Cam! I think…” hingal na hingal na simula nito.

“You think?”

“Cam, huwag kang mabibigla, ha?” hinuli nito ang mga mata niya. “Pero feeling ko buntis ako.”

“Huh?” natatawang itinulak niya si Crosoft. “Crosoft, ha? Grabeh na pagfi-feeling naman ‘yan, ha?” binuksan niya ang ref at kinuha ang isang pack ng mango juice. Dumiretso siya sa dining room kung saan kumakain ng ice cream si Danah. “Kumain ka na nga lang. Nalipasan ka lang ng gutom.”

Naupo ito sa tabi ng anak.

“Daddy ang weird mo. How can you get pregnant? Eh you’re a man naman. Ice cream you want?”

“Tama ang anak mo.” Segunda niya sabay salin ng juice sa baso. “Kumain ka na lang. Nagluto na ako.”

“Hey, anong amoy ‘yon?” Crosoft wrinkled his nose na para bang may malansa itong naaamoy. “Ang baho!” pinaypayan nito ang sarili as if maalis nun ang mabahong amoy na tinutukoy nito.

“Anong mabaho?” wala naman siyang naaamoy. Pati ang iniinum na mango juice ‘di naman mabaho. “Wala namang mabaho.”

“Mabaho talaga eh! Sabi ko naman sa’yo buntis ako.”

“Daddy huwag kang feeling. Remember malapit sa ilong ang mouth. Take note, ‘di ka pa po yata nagto-toothbrush eh.”

“Kung ‘di naman ako buntis. Bakit nagsusuka ako sa umaga?” tinignan siya nito. “Akala ko talaga masama lang ang tiyan ko nitong nakaraang araw. Nangangasim din ang sikmura ko. Parang gusto ko na lang matulog at kumain ng saging araw-araw. At ‘yan!” itinuro nito ang baso na hawak niya. “Ang baho niyang iniinum mo Cam.”

“Hoy Baliw! Hindi ‘to mabaho.”

“Mabaho nga!” giit pa rin nito. Kumuha ito ng saging mula sa naka display na fruit basket sa mesa at with feelings pa na binalatan at kinain ‘yon. Hay naku! Crosoft. Bakit ba pati pagkain ng saging medyo malaswa pa rin tignan, ha? Paki explain din minsan at nang malinawan ako. “Aish, bakit ba ako nagkakaganito? Pero ang sarap talaga ng saging.” Hindi niya napigilan ang lihim na matawa sa huling sinabi nito. Baliw talaga, haha.

Natahimik bigla si Crosoft at nahulog sa malalim na pag-iisip. Sa sobrang seryoso ng mukha nito wala talaga siyang masilip na hint sa kung anong iniisip nito. Inubos niya na lang ang iniinum na juice at hinintay na lamang ang susunod na sasabihin nito.

“Oh God!” naiangat nito ang mukha sa kanya. “Alam ko na!” tumayo ito at muli siyang hinawakan sa magkabilang balikat. Malapad ang ngiti nito. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Sa totoo lang, nagpipigil rin siya ng tawa. “Buntis ka ba Cam? Nahakbangan mo ako kaya ako nagkakaganito. Buntis ka?!”

“Huh? A-Anong pinagsasabi mo riyan?” tinalikuran niya ito. Doon lihim siyang natawa. “Hindi ah.”

“Buntis ka, alam ko. Masipag kaya tayo tuwing gab –”

“Crosoft!” sita niya rito sabay lingon rito. “Ang bibig mo.” Ininguso niya ang anak.

Kahit kailan ang bibig nito.

Ngumisi lang ang loko. “Forget that anak,” sabi nito kay Danah. Lumapit ito sa kanya at ipinulupot ang braso nito sa baywang niya. Hinapit siya nito palapit. Napahawak tuloy siya sa mga balikat nito.

“Cam?” malambing na tawag nito sa kanya.

“Fine, sige na. Tama ka na.” She cupped his face. “I’m already two months pregnant. Kahapon ko lang nalam – ” napatili siya nang bigla siya nitong kargahin. “Crosoft ibaba mo ako!”

“Yes! Yes! Sa wakas magiging daddy-mommy na ulit ako.”

“Oo na kaya ibaba mo na ako. Please, Crosoft naman eh.”

Maingat na ibinaba siya ni Crosoft. Niyakap at mabilis na hinalikan sa labi. Binalingan nito ang anak nila at kinarga pagkatapos.

“Baby, magiging big sister ka na ulit.”

“Yehey! So happy po daddy, mommy. Magiging sister na ulit ako.” Niyakap silang dalawa ni Danah sa leeg. “I love you po mommy and daddy. One plus four plus three, equals? I love you carry one for exclamation point!”

Nagkatinginan silang dalawa ni Crosoft at sabay na natawa. Mukhang may susunod na sa yapak ng ama nito.

“I love you,” he mouthed.

“I love you too,” she mouthed back.

This is so cute!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE