Overnight Hugot With Madam Angelica

Image Description Alora Sasam   |   03 September 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

ASAP with Madam


Bilang isang fan pinangarap natin lahat na makita ang idol natin. Pinangarap nating hindi mapansin ng marshal para makapuslit papunta sa tabi ni idol at makahingi ng picture. Nagde-daydream tayo sa araw na mayakap natin si idol ng mahigpit at masabi natin sa kanya na idol natin siya. Kung susuwertehin pa tayo, ngingitian pa niya tayo sabay sabing “Aaaww thank you po.”

Lahat ng pinangarap kong mangyari sa unang pagkikita namin ni idol Madam ay hindi nangyari. Sabi ko sa sarili ko kapag makita ko siya, yayakapin ko talaga siya ng mahigpit. Kakapalan ko talaga ang mukha ko at sasabihin kong pangarap ko siyang maka-eksena. Pero hanggang pangarap lang lahat ng iyon. Dahil sa unang kita ko sa kanya, umiwas na ako at nag-U-turn paiwas sa dadaanan niya.

Kasi natakot ako.


Description: mage result for filipino memes


Idol na idol ko siya pero kapag kaharap ko siya palaging nangingibabaw ang feeling na beterana sa aktingan ang kaharap ko. Wala akong karapatang hingin sa kanya na sana maka-eksena ko siya dahil wala pa naman akong napapatunayan. Hindi ko pa deserve na mayakap siya dahil amateur pa lang ako sa larangan ng pag-arte.

Minsan magkatabi ang studio na pinagte-taping namin kaya nakikita ko na siya sa hallway ng ABSCBN. Pero palagi akong umiiwas. Kinakain ako palagi ng kaba at takot. Feeling ko kapag malapit ako sa kanya maaamoy niya na hindi pa ako magaling na aktres. Hindi ko nga alam kung karapat-dapat na akong tawagin na aktres.



Sa kaka-iwas ko siguro, ang universe na ang nagsabing OA ang overthinking ko kapag andyan si idol Madam. Si universe na mismo ang gumawa ng paraan sa pamamagitan ng ASAP. Celebration iyon ng Star Magic anniversary at gagawa ang prod ng ASAP ng VTR tungkol dito. Bigla akong sinuwerte at ako ang ginawa nilang bida para sa VTR na iyon. Isa sa makaka-eksena ko si idol Angelica. Kinailangan kong kainin ang kaba ko. Wala sa powers ko ang tumanggi at umiwas dahil trabaho kong umarte. Inisip ko na lang na pangarap ko iyon bilang fan. It would be an honor na maka-eksena ang isa sa mga idols ko.

Sumingit lang kami sa free time niya noon sa Banana Sundae bago siya mag dinner break. Magkahalong excitement at nerbyos ang nangibabaw sa katawan ko. Medyo pagod na dahil buong araw kaming nagshoot pero kinailangan kong magfocus bilang si Madam ang susunod kong makaka-eksena. Pero sabi nga nila, Life is not perfect kaya kahit na sobrang suwerte ko at makaka-eksena ko ang isa mga idols ko, minalas naman ako dahil na late ako sa dressing room kung saan gaganapin ang eksena. Inayos pa kasi iyong gown na susuotin ko.

Wala akong magawa. Kailangan kong antayin ang wardrobe dahil sila ang bahala sa costume ko. Tawag na ng tawag ang segment producer, hinahanap ako. Nag-aantay na raw si Madam. Pinaghintay ko si Madam! Pinaghihintay ko si idol ko! Nakakahiya!

Pagkatapos na pagkatapos maayos ang gown na susuotin ko, nagtsinelas agad ako, dala ang heels ko, tinakbo ko agad ang kabilang building ng ABSCBN. Kahit hingal na hingal at para akong tanga na naka-gown habang walang ka poise-poise na tumatakbo ay wala akong pakialam. Bakit ba kasi hindi na lang ako si Darna para puwede akong lumipad anytime?

Pagkadating na pagkadating ko pa lang sa venue nagpalakpakan na ang crew and staff at pati si Direk Chiqui. “Andito na ang bida! Ay grabe iba na si Alora. Pinaghihintay si Angelica Panganiban.” Biro nila. “Hala hindi po.” Alam kong alam nila na costume ko yung problema kaya ako na delay. Batid kong binibiro lang nila ako pero gusto ko nang maiyak sa oras na iyon. Kinakain ako ng hiya. Kaya grabe ang sorry ko pagkaharap ko kay idol Madam. Ngumiti lang siya.


Description: mage result for hintay meme



HUGOT KO: Ang galing mag-antay ni idol Madam. Parang ako. Magaling mag-antay kung kailan man maging tayo.


Iyong excitement ko tumakbo palayo. Ang natira na lang ay ang nerbyos. Nerbyos na naglevel up pa dahil sa nangyari. Pinigilan ko na lang ang sarili kong magtago sa ilalim ng lupa. “Trabaho ito. Trabaho ito.” Paulit-ulit na sabi ko sa sarili ko.

Nakakatawa ang script. Kunwari PA ko si Madam at ako ang artista. Sa eksena, pagagalitan ko siya dahil hindi niya iniingatan ang mga gamit ko. Si Pia Wurtzbach pa ang peg ko dahil naka-gown ako at naka-korona. Isa iyon sa hindi ko malilimutang eksena sa career ko kasi mahirap umakting habang kinakain ka na ng nerbyos. Nanlalamig na ako sa kaba. Paano ko papagalitan si Madam kung ako mismo ay takot sa kanya? Paano ako magpapatawa kung ako mismo ay kabado?

Mabilis lang ang eksena. Halos si Madam ang nag-adlib. Umawra-awra lang akong feeling maganda na among artista. Nang kakausapin na niya ako sa eksena parang biglang tinalian ang dila ko. Nabulol ako. Hindi na nag-cut si Direk dahil puwede naman iyong i-edit. Pero sa isang pagkakamaling iyon ay nawala na ang focus ko. Imbes na mag-adlib pa ako, natameme na lang ako at ginamit na lang ang nakakatawa kong mukha. Para sa akin, fail ako sa eksenang iyon. Bagsak ako sa unang eksena ko with my idol Madam. Hindi ako natawa sa sarili ko.

Hindi ko lubos maisip paano ko na survive ang eksenang iyon. Hindi iyon ang iniisip kong mangyayari sa unang eksena ko kay idol. Gusto kong ibigay ang lahat ng makakaya ko dahil ayokong mapahiya sa kanya. Hindi ko alam kung kelan ko pa ulit siya makaka-eksena kaya dapat itodo ko na. Bilang fan, gusto nating bumilib sa atin ang idol natin. Pero na disappoint ako mismo sa sarili ko. Alam ko mismo na hindi iyon ang best ko. Hindi best ang pinakita ko kay idol. Nakakahiya na pinag-antay ko pa siya tapos iyon lang pala ang makaka-eksena niya.



Pag-cut ni Direk, nagpasalamat na kami lahat kay idol at nagpaalam na siya para magdinner break na. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na “Idol kita! Dream come true ito na maka-eksena ka kahit saglit lang.” Pero hindi ko na nagawa. Sa daydream ko dati, iniisip ko na magyayakapan kami sa sobrang ganda ng eksena tapos magkaka-fireworks bigla. Pero walang yakapan at fireworks. Paputok ng kaba lang ang naramdaman ko. Para akong nagroller coaster ride. Pinagdaanan lahat ng emosyon. Napaupo ako at binalikan ang pangyayari. Mabilis lang ang eksena pero hindi agad nawala ang kaba ko. Iyong adrenaline sa katawan ko nanatili pa rin. Hindi pa ako makababa sa roller coaster.

Masaya naman si Direk sa eksena namin pero ako hindi. Gusto ko bigla umiyak. Pero kailangan kong pigilan dahil nakakahiyang umiyak sa harap ng crew at staff. Feeling ko walang makakaintidi sa nararamdaman ko dahil ako mismo naguguluhan. Buti at iyon ang huli kong eksena sa shoot.

Nagmadali akong umuwi dahil kailangan kong magbanyo. Hindi para mag number 2. Kailangan kong umuwi para mailabas ko ang sama ng loob ko sa sarili ko. Iyon nga ang nangyari. Pagkapasok ko pa lang sa bahay, dumiretso na ako sa banyo at humagulgol. Tanging ang toilet bowl ang saksi ng frustration, nerbyos at hiya ko sa sarili.


HUGOT KO: Yung toilet palaging andyan kapag naglalabas ako ng sama ng loob, ikaw ba kailan mo ako sasamahan kahit sa titigan man lang?


Next Chapter: One on One with Madam


Read more of my stories:



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE