Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Overnight Hugot With Madam Angelica

Image Description Alora Sasam   |   03 September 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Tanong Ni Madam


Napakasikat ni idol Angelica kaya naging open book na rin ang mga pinagdadaanan niya sa buhay. Mapabagong pelikula or bagong teleserye alam nating mga fans niya. Hindi rin lingid sa atin ang lovelife niya. Kahit nga heartbreaks niya nakakarating din sa atin. Marami ang nasasabi tungkol sa kanya. Marami ang nasusulat tungkol sa pinagdadaanan niya. Pero iba pa rin talaga kapag mismong sa source mo malaman ang kuwento, ang totoong kuwento.

Alam na nating lahat na all out siya kung magmahal. Pang matagalan. Kaya nga nakaka-relate sa kanya ang mga heartbroken na babae. Iyong normal na pinagdadaanan ng mga babaeng sawi sa pag-ibig ay naranasan rin ng napakasikat na artistang katulad niya. Kahit bituin siya, hindi siya exempted minsan sa pagiging sawi. Alam ni Madam ang sakit. At mismong ako na wala pang karanasan sa relationship ay ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan niya ng gabing iyon. Base lang sa pinag-uusapan nila, na gets ko agad bakit naluha si Madam kanina. Kung mangyari iyon sa akin, baka hindi ko kayanin.



Habang patuloy sila sa pagkukuwento, tahimik lang ako. Nakikinig lang. Bagong salta ako kaya respeto na rin sa magkakaibigan. Bisita lang ako kaya hindi ko na ginalingan ang pagbibigay ng opinyon. Bumilib nga ako kay idol Madam dahil kahit na first time niya akong makasama sa gabing iyon at private life niya ang pinag-uusapan nila, hindi niya pinaramdam sa akin na outsider ako sa grupo niya. Buti hindi niya ako pinaalis at humingi ng privacy. Fan ako kaya buti walang marshal na dumating para magbarikada between me and my idol Madam.

Hindi ko alam kung nakarehistro sa itsura ko ang mga reaksyon ko sa kuwentuhan nila. Nawiwindang kasi ako sa nalalaman ko. Naloloka ako sa pagka-juicy ng kuwento. Kung sobrang close ko sila na mga kaibigan, kanina pa ako nakatayo at binibigay ang full with all honesty reaction ko sa mga naririnig ko.

Nahalata siguro ni Madam na tahimik ako kaya bigla niyang tinuon ang pansin sa akin. Tinanong niya ako bigla. “Si Alora naman ang tanungin natin. Gusto ko marinig ang opinyon niya.” Malaki na mata ko pero mas lumaki pa nang tanungin niya ako.


Sa isip ko...



ME: Sure ka gusto mo marinig opinyon ko, Madam?

MADAM: Oo sure ako.

ME: Ako, hindi ako sure kung gusto kong marinig mo ang opinyon ko.


Para akong estudyanteng naka-graded oral recitation sa gitna ng classroom. Inaantay ni teacher ang sagot ko. Tinignan ko sina kuya Jobert. “Sige tanungin natin si Alora na wala pang ka boyfriend boyfriend.” Sabi ni Kuya Nonong. Kumalma ako ng slight sa sinabi nito.

“Sa sobrang lawak mong magmahal, deserve mo maghanap ng mas better.” Sabi ko. “O sabi na eh.” Tango ng mga boys. “Malawak talaga?” Ngiti ni idol Madam.

“Oo nga Alora! Malawak talaga?” Pagalit ko sa sarili ko. Kung sa graded recitation napapailing na si teacher sa sinabi ko. Hirap rin talaga kapag hindi mo dialect ang Tagalog, may 2 seconds loading ka para magtranslate ang utak mo from Bisaya to English. Hindi lawak, Inday Alora! Baka lalim ang ibig mong sabihin?

Gusto ko pa sanang magsalita pero nagtuloy-tuloy na sila sa pag-advice kay Madam. Bumalik na ulit ako sa listening mode. Gusto ko pa sanang sundan pa ang sinabi ko pero wala na ulit sa akin ang atensyon nila.

Kasi kung tatanungin nila ako ulit, sasabihin kong hindi deserve ni Madam ang nangyari sa kanya. Kung tatanungin ulit ako ni Madam, sasabihin kong kahit hindi ko man na witness pero base sa pinag-usapan nila, binigay ni Madam lahat ng kaya niyang ibigay at sa paraang alam niyang dapat. Kung close kami ni idol Madam, sasabihin ko sa kanyang wala sa kontrol niya ang mga pangyayari. Na kahit anong gawin niya, kung hindi talaga sila para sa isa’t isa, wala talagang forever. Pero kahit hindi nila naabot ang forever, sana hindi niya sisihin ang sarili niya. Sana hindi niya maramdamang may pagkukulang siya. Dahil kahit ako na hindi pa nagkaroon ng relationship, alam kong hindi mo mapipigilan ang damdamin ng iba kahit ibigay mo man sa kanila lahat. Kahit wala ng matira sa iyo, kung maghahanap sila ng iba, mawawala talaga sila sa iyo.

Hindi ko man alam ang buong detalye ng kuwento. Ramdam ko ang pagmamahal ni Madam. Kahit magkatabi lang kami, ramdam ko bigat ng pinagdadaanan niya. Bilang isang kapwa babae, naawa ako. Bilang isang tao, tumaas lalo respeto ko sa kanya. Bilang isang fan, nag-level up pa ang hanga ko sa kanya. At bilang isang fan din, tumaas din bigla dugo ko. Pero wala ako sa posisyon na magalit.

Gusto kong sabihin kay Madam na makakaasa siyang kahit hindi kami close, ipagtatanggol ko siya kapag kinakailangan lalo na sa mga bashers na feeling The Buzz kung makapagcomment. Siguro mabubusog ang mga bashers ni Madam kapag malaman nila ang buong kuwento. Busog sila dahil kakainin rin nila mga sinabi nila.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora Angelica Panganiban:describe meme.jpg


HUGOT KO: Sana chismosa ka na lang para may panahon kang pag-usapan ako.


Next Chapter: ASAP with Madam


Read more of my stories:







  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018