Overnight Hugot With Madam Angelica

Image Description Alora Sasam   |   03 September 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Becky


“Kilala mo si Alora diba?” Tinuro ako ni Kuya Jayson. Nahihiya akong ngumiti kay Madam. Patay ako! Paaalisin talaga ako nito! Maglalakad talaga ako mag-isa pauwi.

Oo sabi ni Madam. Nagbeso kami. “Hindi pa ba kayo nagkatrabaho?” Tanong ni Kuya Jobert. “Hindi pa po.” Narinig kong sabi ng bibig ko. “Takot ako sa kanya.” Di ko napigilang idugtong. “Dapat lang.” Biglang sabi ni Madam. Tinignan ko siya dahil biglang natakot ang kalamnan ko. Tapos sabay sila nagtawanan lahat pati si Madam. Natawa na rin ako kahit deep inside gustong kumawala ng puso ko at tumabi sa tyan ko sa takot. Hindi ko sigurado kung bakit pero dahil nadadala rin siguro ako sa mga roles niyang palaban kaya kinakabahan talaga ako kapag nakikita ko siya. Kung iyong ibang idols ko, kinakabahan ako dahil sobrang starstruck ako, kay Madam naman iba. Kinakabahan ako kasi feeling ko anytime pwede ako magkamali sa harap niya at kapag nangyari iyon baka ayaw na niya sa akin. Ikaw ba ano mararamdaman mo kung ayaw sa iyo ng idol mo?


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora Angelica Panganiban:di kaya meme.jpg


Buti hindi ako pinaalis ni Madam! Isa-isa na kaming umupo. Gusto ko sanang tumabi kay Kuya Jobert para makagalaw naman ako ng maayos. Baka kasi sa sobrang gaslaw ko matabig ko si Madam. Kung anu-ano na lang talaga iniisip ko. Pero kahit ano pang takot ko, universe na gumawa ng paraan. Kay Madam ako natabi dahil kanya-kanya na ng puwesto ang mga boys. Para tuloy akong bumalik sa highschool habang katabi si Principal. Tuwid na tuwid ang upo ko sa takot na baka hindi ako gumradweyt.

Kasabay ng kuwentuhan ang simula ng inuman. Bilang kanya ang bahay, isa-isa na kaming binigyan ni Madam ng beer. Pati ako. Ako na hindi umiinom ng beer dahil hindi ako fan ng lasa nito. Ang iniinom ko lang ay iyong matamis. Kapag inuman ng barkada, iniiwasan ko talaga ang beer. Napatingin ako sa boteng nilapag ni Madam sa harap ko at napalunok. Patay ako. Paano ba magsay ng no kay idol? Nasaan na ba ang kakapalan ng mukha ko kung kelan sobrang kailangan ko siya?


HUGOT:

ME: Madam, sorry hindi po ako umiinom ng beer.

MADAM: Ah talaga? Hindi mo pala tanggap ang kaya kong ibigay?


Iyon ang iniisip ko nang mga panahong iyon. Baka isipin rin niyang ako na nga itong nag-gate crash tapos ako pa itong hindi sumasabay sa kanila. Nahiya na akong tumanggi pa at nakipagcheers na sa kanila. Tapos pigil-hiningang uminom para di ko malasahan. Titiisin ko na lang ang paitpara kay idol Madam. Ganun talaga kapag nagmamahal. Natitiis nga nating mga fans ang pagpila para makita si idol. Kakayanin ko rin ang pait ng beer.

Tahimik lang ako sa tabi ni Madam habang nagsisimula na ang kuwentuhan nila. Kahit na kina kuya Jobert ako nakatingin habang nagsasalita siya, ramdam na ramdam ko ang presensya ni Madam. Iyon bang sa iba ka nakatingin pero ang diwa mo nakafocus sa katabi mo. Seryoso iyong usapan nila kuya pero iyong puso ko nagdidiwang. Sa isip ko, si Becky katabi ko. Si BECKY katabi ko! SI BECKY KATABI KO NA!

Si Becky, lang naman ang isa sa paborito kong character sa Sarah, Ang Munting Prinsesa. Si Becky na bestfriends sila palagi ni Camille Prats. Si Becky na isa sa dahilan kung bakit pinangarap ko ring maging bestfriend ng bida kapag maging artista ako sa tv. Si Becky na ang ganda-ganda ng straight na buhok kaya nagpapahaba talaga ako ng buhok dati kahit gusto nang putulin ng nanay ko. Si Becky na ang galing-galing magkontrabida kay Camille Prats sa ibang pelikula nila kaya ginagaya ko siya kapag naglalaro kami ng mga kaibigan ko. Gusto ko ako iyong mayaman na batang mang-aaway sa hampas-lupang walang magulang na bigla na lang tumira sa bahay namin. Iyon usually ang storya ng mga pelikula nila dati. Gusto ko ako si Becky. Si Becky na nakikita ko lang umiyak at magmaldita sa tv dati pero katabi ko na ngayon sa loob ng bahay niya. MISMO SA LOOB NG BAHAY NIYA.




Pa-sikreto kong inikot ang mata ko sa dining area at kitchen niya. Bigla ko naisip, saan kaya tinatago ni Becky ang mga patatas? Napangiti ako sa tanong ko pero gusto ko na talaga tumawa. Tumawa sa sobrang saya. Tumawa sa sobrang pasasalamat sa pagkakataong biglang binigay sa akin ng gabing iyon, ang makasama ang idol kong si Becky. Hindi ko na kailangan pang pumila para makita siya sa mall show. Hindi ko na kailangan pang mag-audition para makasama siya sa eksena. Hindi ko na kailangan pang magmarathon ng mga jokes niya sa youtube o mamangha sa personal posts niya sa instagram. Ang kailangan ko lang gawin ay sulyapan ang babaeng katabi ko.




Napasulyap ako kay Becky. At nawala ang ngiti ko. Hindi si Becky ang katabi ko ngayon kundi totoong tao. Si Angelica Panganiban, ang pinakamatapang kong idol. Pero sa mga oras na iyon ay napaka-vulnerable. Masaya ang puso ko dahil kasama ko siya. Pero malungkot rin dahil kita ko ring malungkot si idol. Bumalik ang utak ko sa usapan nila, sa rason kung bakit malungkot si idol at kung bakit nagtipun-tipon ang barkada niya.


Next Chapter: Tanong Ni Madam


Read more of my stories:




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE