Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Overnight Hugot With Madam Angelica

Image Description Alora Sasam   |   03 September 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Antok versus Ako


Tinatamaan na ako ng beer. Hindi lasing na tama kundi tamang inaantok ka. Mas mahirap kalabanin iyon. Pero nagawa ko.

Sabi ko sa sarili ko na kailangan akong bumawi kay idol, Madam. Kung hindi ko napagtagumpayan na ibigay ang best ko sa unang eksena namin dati, kailangan maibigay ko ang best ko sa paglaban ng antok para sa kanya. Kailangan makipagbuno ako sa kagustuhang matulog para masamahan ko siya. Kahit man lang sa presensya ko maparamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa.

Naalala mo iyong mga panahong antok na antok ka na pero nilalabanan mo kasi may isang show pa bago ang timeslot ng teleserye ni idol. Kahit pagod na pagod ka na buong araw sa school at gusto mo na matulog pagdating sa bahay pero bilang isang fan ayaw mo palampasin ang mga eksena ni idol sa tv. Hindi naman malalaman ni idol pero bilang fan nakokonsensya kang maka-miss ng isang episode ng show niya. Feeling mo kulang ang suporta mo kung ipagpaliban mo ang panunod. Ginagawa natin lahat magampanan lang natin ang duties bilang fan.



HUGOT: Sana antok na lang ako para mabisita kita. Sana antok na lang ako para kapag ayaw mong matulog, pinaglalaban mo.


Ginawa ko rin talaga lahat ng makakaya ko para labanan ang pagbagsak ng mga mata ko. Habang magkaharap kami sa mesa, pasimple akong nagstretching ng balikat para magising ang katawan ko. Kapag hindi nakatingin si Madam, kinukurap-kurap ko iyong mga mata ko. Sinadya ko ring ihulog ang bag ko sa sahig para kunin ito at makanakaw ng sandali para walang-ingay na maghikab. Kapag bigla siyang tumayo at tumalikod sa akin, walang-ingay ko ring sinasampal ang mukha ko. Minsan bigla rin akong tumatayo at kunwari kukuha ng tubig para naman magka-energize ang inaantok kong katawang lupa.

Para akong nasa classroom na takot makita ng teacher na inaantok. Sa sobrang desperado ko nang manatiling gising, kinukurot ko ang mga hita ko sa ilalim ng mesa habang tumango-tango sa kuwento ni idol. Nagigising kasi ako sa sakit.


HUGOT KO: Sa sakit naman talaga tayo nagigising.


Hindi niya puwedeng mapansing inaantok ako. Nakakahiya. For the first time siguro akong natuwa nang maramdaman kong naiiihi na ako. Bigla ako nagkarason pumunta ng banyo.

“Madam, CR muna ako.” Biglang paalam ko sa kanya.

“Hindi puwede.” Biro niya sabay tawa at tinuro kung saan ang comfort room.

Pagkapasok ko pa lang ng banyo, naghilamos na ako agad. Sinampal ang sarili. Nagjumping jack ng ilang beses. Nagstretching ng katawan. Kulang na lang magtwerk ako sa harap ng kubeta para lang magising. Inuna ko lahat ng iyon bago umihi. Ganito rin ako sa school dati. Maam-may-I-go-to-the-CR kapag hindi na kaya ang antok. Minsan nga pumupuslit pa sa canteen para bumili ng candy pampagising. Malas ko lang at walang canteen sa loob ng banyo ni Madam. Walang candy na puwede akong tulungan.

Huminga ako ng malalim, pinanlakihan ang mata para ma stretch ang eyeballs bago lumabas ng banyo at pumunta ulit sa dining area. Natagpuan kong nagising na si Direk Mony at Kuya Nonong. Napa-tumbling bigla ang utak ko sa saya. Buti na lang may karamay na ulit ako. Siguradong mawawala na antok ko nito.

Doon ko na rin napansin na lumabas na rin ang haring araw. Grabe gising ako buong magdamag. Gising kami pareho ni idol. Nakaka-proud na nasamahan ko siya. Hindi ako bumitaw. Gusto kong bigyan ng trophy ang sarili ko.




Napaka-alaga talaga ni idol kasi pinagluto niya kami ng noodles. Nakahigop ako ng mainit na sabaw. Na-energize ako sa busog. Iinom pa sana sila Direk Mony pero pinaalala ni Madam na alas sais na at may taping pa sila Direk.

Pagkatapos namin ubusin ang noodles, hinatid na kami ni idol Madam sa kotse niya. Ipapahatid niya kami sa driver niya pauwi. Isa-isa kaming nagpaalam. Bago ako sumakay ng kotse, niyakap ko siya. Tamang yakap lang. Hindi matagal. Hindi rin mahigpit. Pero hinagod ko ang likod niya. Gusto kong iparating sa kanya na magiging okay rin ang lahat.

“Thank you.” Sabi ko na lang. Tumango siya. Marami pa akong gustong sabihin. Pero ngumiti na lang ako. Gusto kong sabihin na isang karangalan na makasama siya buong gabi. Na idol ko siya at always niya akong fan. Gusto kong humugot na, hindi man niya nakuha ang forever sa ex niya, may forever naman ang appreciation ko sa kanya. Pero alam kong hindi ang pagiging fangirl ko ang subject sa araw na iyon. Siya ang bida. At buong puso kong ibibigay ang suporta ko bilang supporting cast sa kuwento niya.


Next Chapter: Yakap Na Mahigpit


Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018