Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Overnight Hugot With Madam Angelica

Image Description Alora Sasam   |   03 September 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Gate Crasher ni Madam


Nakakatuwang isipin na napagsasabay ko ang pagiging fangirl ko at pag-aartista. Mas lalo akong nasisiyahan sa pagiging artista dahil natutupad ang mga hinaing ko bilang fangirl. At mataba palagi ang fangirl heart ko dahil hindi ko namamalayan isa-isa ko na palang nakakatrabaho ang mga tinitingala ko lang sa tv dati. Minsan nakikilala ko ang idol ko dahil nakatrabaho ko ang kaibigan niya. Masuwerte ako minsan dahil kapag nalaman ng mga nakatrabaho ko na idol ko ang artistang kaibigan nila ay tinutulungan nila akong makapagpa-picture o di kaya makilala ito. Napakaliit ng mundo ng showbiz kaya siguradong ang kaibigan mo ay kaibigan rin niya na kaibigan ng lahat.

Isa sa mga masayang part ng career ko ay nang mapasama ako sa cast ng Funny Ka Pare Ko. Isa itong original sitcom ng Cine Mo Channel ng ABSCBN Tv Plus at pinapalabas tuwing linggo ng alas singko ng hapon. Puro komedyante ang cast kaya expect mo nang puro kabaliwan ang nangyayari. At dahil sa mga kabaliwang iyon kaya kami madaling naging close sa isa’t isa.

It was a normal taping day ng Funny Ka Pare Ko. As usual ang dami naming chikahan. Chikahan na nauuwi sa food trip. Food trip na may halong tawanan. Tawanang minsan kailangan patahimikin dahil nakakalimutang nasa taping. Hanggang sa sobrang nag-enjoy kami sa bonding, tinutuloy pa namin ang kalokohan pagkatapos ng taping. Kasama ang ilan sa mga cast at production team ay tumambay muna kami sa restaurant malapit sa ABSCBN. 

Ganito kami halos every taping day. Di maubusan ng kuwento dahil na rin once a week lang ang taping kaya kapag nagkita-kita may panibagong chika. At hindi lang basta chika lalo na dahil lahat kami komedyante. Lahat nagpapatawa. Lahat tumatawa. Sa buong linggo, stress reliever ko talaga ang Funny Ka Pare Ko taping.

Hindi ko na naman akalain na magiging daan rin pala ang sitcom na ito para makasama ko ang isa sa mga tinitingala ko sa showbiz. Maghahating-gabi na nun pero dahil sobrang nag-enjoy pa ako sa kuwentuhan ayaw ko pang umuwi sana pero isa-isa nang nagpaalam ang mga cast at production. Biglang may tumawag kay Kuya Jayson at sinabi niyang pupuntahan raw nila ni Kuya Jobert. Napag-alaman kong si Ms. Angelica Panganiban iyon . Pupuntahan raw nila sa bahay nito. Alam ko matalik silang magkakaibigan dahil sa Banana Sundae. Dahil ayaw ko pang umuwi bigla akong nagtanong kung puwede bang sumama. Pumayag naman sila kuya. Kasama ko sina Kuya Jobert Austria, Kuya Jayson Gainza, Kuya Nonong Balinan at Direk Mony Santos.

Pero habang tinatahak na namin ang daan patungo sa bahay ni Madam bigla akong kinabahan. Parang mali ata itong pagsama ko. Hindi man lang kami nagpaalam kay Madam kung puwede akong sumama. Gate crasher lang ang beauty ko. Pero mas mahirap naman kung bumaba ako sa kotse bigla at maglakad ako pauwi ng hating gabi. At talagang nangingibabaw sa akin ang kagustuhang makita at makilala si Madam ng mga oras na iyon. Si Madam iyon. Si Madam Angelica na isa sa mga iniidolo ko. Nilunok ko na lamang ang hiya ko at nagdasal na sana hindi niya ako biglang paalasin kapag makita niyang sumama ako.



Hindi ako sigurado kung naalala pa niya na minsan ko na siyang naka-eksena sa isang ASAP vtr. Napadasal ako na sana napanuod niya ako at kahit dumaan man lang ako sa tv niya para kahit papaano pamilyar ako sa kanya. Confident rin naman akong hindi ako mukhang goons sa gabing iyon kaya hindi naman niya ako siguro ako mapagkakamalang magnanakaw sa bahay niya.

Pero kahit pala anong kumbinse ko sa sarili ko na okay lang itong pagsama ko ay kaba pa rin ang sumalubong sa akin pagdating namin sa bahay ni Madam. Ang bahay ni Madam na sobrang namangha ako dahil may sarili siyang elevator. Kinilig pa ako dahil nakasakay ako sa elevator ng idol ko. Napakasuwerte naman talaga ng ilong ko! Ang elevator na iyon ang maghahatid sa amin kay Madam. Halos naririnig ko na sa tenga ko ang kaba ko. Natuyo na lalamunan ko sa nerbyos. Pagbukas pa lang ng elevator ay kagandahan na agad ni Madam ang tumambad sa amin.

Agad siyang niyakap isa-isa nina kuya. At nang si Kuya Jayson na ang yumakap sa kanya ay bigla na lang siyang napahigpit ng yakap at napaiyak. Doon ko na-realize na may problema pala si Madam kaya siya pinuntuhan ng mga kaibigan niya. Napaatras ako. Parang mas lalong hindi ako puwede dito.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora Angelica Panganiban:1A.jpg

Nanuod kami ng mga highschool friends ko ng Banana Sundae taping. Nakapagpapicture kami kay Madam. Ito lang ata ang picture ko sa kanya. Nakikita ko na siya dati pero natatakot akong lumapit.


Next Chapter: Becky


Read more of my stories:



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018