Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Overnight Hugot With Madam Angelica

Image Description Alora Sasam   |   03 September 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Pagkagising ko ng hapong iyon pagkatapos nang magdamag na kuwentuhan kay Madam ay doon ko lang napansing hindi pala ako nakahingi ng picture. Pero for the first time bilang isang fangirl ay hindi ako nanghinayang. Kahit wala kaming picture ni idol Madam for souvenir ay okay lang sa akin. Kahit walang maniwala sa akin kapag kinuwento ko na nakilala ko siya ay okay lang. Basta alam kong kahit isang gabi lang ay nabigyan ako ng pagkakataong makasama ang idol ko.


HUGOT: Sana artista ka na lang at fangirl mo ako para kahit anong oras puwede kong ipagsigawan na mahal kita.


Gusto ko sanang i-message si idol Madam kahit sa instagram lang dahil wala naman akong number niya. Gusto ko sana siyang kamustahin. Pero nangibabaw sa akin ang kaba na baka mainis lang siya sa akin. Ayokong magfeeling close. Hindi porket nakakuwentuhan ko na siya ay puwede ko na siyang gambalain anytime. Kaya ginawa ko ulit ang best thing. Pinagdasal ko ulit siya. Inulit ko ang dasal ko na sana dumating ang panahong makaka-move on din siya.




Natupad naman ang pinagdasal ko. Nakita ko ulit siya sa isang party, ilang months after ng gabing iyon. Nagkagulatan pa kami. Pero napaka-amazing na feeling ang nangyari bigla. Nagyakapan kami. Iyong yakap na mahigpit. Iyong yakap na hindi na ako nahiya sa kanya. Iyong yakap fangirl para sa idol niyang mahal na mahal niya. Iyong yakap na gusto kong ibigay sa kanya dati. At sinuklian niya iyon ng mahigpit ding yakap.


HUGOT KO: Sana sing higpit ng yakap na ito ang susunod na relasyon ni Madam.


“Kamusta ka na?” Tanong ko agad. “Okay na ako.” Sagot naman niya. Natuwa pa ako dahil alam kong naalala niya ang mga pinagkuwentuhan namin base sa tono ng sagot niya. Alam namin pareho kung ano ang tinatanong ko at kung ano ang ibig sabihin ng sagot niya. “Ay gusto ko yan.” Sabi ko sabay palakpak. Naghawakan kami ng kamay at sumayaw pa kasabay ng tugtug ng party. Doon ko napansin na okay na nga siya. Masaya na si idol Madam. Maaliwalas na ang mukha niya. Napakasaya ko para sa kanya. Happy Madam na ulit ang kasayaw ko!



HUGOT KO: Nakakaganda pala lalo kapag naka-move on na. Sana maka-move on na rin ako.



GIGIL ANG MUNDO: Kanino ka magmo-move on? Galing ka ba sa break-up? Galing ka ba sa relasyon? Nagkarelasyon ka ba?


Muli kaming nagyakap bago ako nagpaalam sa kanya dahil paalis na rin ako sa party. Again nakalimutan kong humingi ng picture. Pero okay lang ulit kasi mas nangibabaw sa akin ang feeling na sa wakas masaya na ulit si Madam. Para akong yaya na sobrang proud sa alaga ko dahil may napagtagumpayan siya. Ngayon hindi lang ako proud bilang fangirl ni Angelica Panganiban. Proud din ako bilang babae dahil iyong kapwa ko babae ay lumaban at nanalo against heartbreak. Idol ko si Angelica hindi lang bilang artista kundi bilang taong hindi sumusuko kahit anong ibigay na hugot ng mundo.

Kanya-kanya tayong lahat ng rason kung bakit natin iniidolo ang ating mga idols. Idol mo siya dahil magaling siya umarte, kumanta, sumayaw o di kaya ay magluto. Idol mo siya dahil napapatawa ka niya. Idol mo siya dahil ang ganda niya manamit. Idol mo siya dahil ang ganda o ang guwapo niya. Idol mo siya dahil ang talino niya. Idol natin sila dahil may katangian silang gusto rin nating makamit sa ating mga sarili.

Sa isang magdamagang kuwentuhan with idol Madam, gusto ko talagang makamit ang pagiging palaban niya. Gusto kong gayahin yung kahit marami na siyang masakit na napagdaanan ay patuloy pa rin siyang tumatayo at pinipiling magmahal ng “malawak”. Sana ako kapag makilala ko na si Mr. Right ay maging palaban rin ako. Sana matuto rin akong magmahal ng “malawak.” At sana kahit hindi man The One si Mr. Right, kakayanin ko pa ring tanggapin na mayroon talagang hindi para sa akin at na-traffic lang iyong para sa akin. Kapag nangyari iyon, sasabihin ko talagang, “Si idol Madam nga naka-move on, ako pa kaya?”


Chapter 1: Gate Crasher ni Madam

Chapter 2: Becky

Chapter 3: Tanong Ni Madam

Chapter 4: ASAP with Madam

Chapter 5: One on One with Madam

Chapter 6: Antok versus Ako

Chapter 7: Yakap Na Mahigpit


Read more of my stories:


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018