Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Love me on the 14th day of February

Image Description Berlinaaii   |   12 May 2020


Ang lahat ay may kwento ng kanilang unang pag-ibig

CHAPTER 1

Makikitang seryosong nagbabasa si Sir Slater Sarmiento ng libro. Tila inuunawa nyang mabuti ang kanyang binabasa. Ititigil nya ang pagbabasa, hihimasin ang noo at hihinga ng malalalim. Sa pag-iisip ay hindi niya mamamalayan ang pagpasok ng isang estudyante.  Ang returnee na si Beri Sweet Manalo. Tila may hinahanap itong guro at ng makita ang nakatalikod na si Sir Slater ay dahan dahang lalapit sa nakatalikod na guro.

"Sir Sarmiento" magalang nyang tawag dito. Malambing ang kanyang boses na tila may hihinging pabor subalit laking gulat niya ng dahang dahang umikot ang upuan at nakita niya ang mukha ng guro.

Biglaan namang mapapatayo si Slater at magugulat, samantalang si Beri naman ay nanlaki din ang mga mata.

"B--eri" dahan dahang bigkas ni Slater. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat subalit nanatili silang kalmado.

 "S--Sir, IV-Narra po. Ako po yung idinagdag sa klase nyo. Ito po ang index card ko." Dahan dahan namang iaabot ni Beri ang index card nya.

"You're back" Ito na lamang ang nasambit ni Slater habang nakatulala sa index card ni Beri at dahan dahan itong inilapag sa table nya. Muli siyang titingin kay Beri at tititigan ito. Mababakas naman ang labis na pagkailang ni Beri. Nakatitig lamang sila sa mga mata ng isa't isa at tila sa kanilang mga isip ay bumalik ang ala ala ng nakaraan...

--------------------------------------------------------------------

July 2008, Look National High School

....

Makikitang nakaharap si Beri Kay Slater. Tulalang tulala ito at masayang masaya samantalang si Slater naman ay mababakas ang pagkabugnot at pagkagalit.

Dahan dahang iaabot ni Beri ang love letter kay Slater.

"Gustong gusto kita" sigaw ni Beri kay Slater bagaman napakalapit nila sa isa't Isa. Inilock lamang naman ni Beri ang faculty room pagkatapos utusan ng guro si Slater na magdala ng mga outputs na ginawa ng klase nila. Dahan dahan niyang sinundan ni Slater at dahil nasa klase ang mga guro ay walang tao sa faculty room maliban sa kanilang dalawa.  Hindi na siya nagulat dahil ang makulit na si Beri ay wala nang ginawang maganda sa kanya kundi sabihin na gusto siya nito.

"Wala kang kaalam alam sa mundo. Sinasayang mo lang ang papel mo. Ayoko sa'yo." Ito na lamang ang nasabi niya habang pinupunit sa harap ni Beri ang ginawa nitong loveletter.

Bigla namang bumukas ang pinto at dumating ang dalwang guro. Si Beri ay nakayukong pinupulot ang nasirang papel samantalang nakatayo lamang si Slater.

"Manalo, ano na naman yan? Pati dito sa faculty room, nagkakalat ka? Ligpitin mo yan at siguraduhin mong magdala ng floorwax at basahan bukas ha" sambit ng guro sa pag aakalang nagkalat na naman ang makulit na si Beri. Wala nang naiimik si Beri samantalang si Slater naman ay naglakad na palabas ng faculty room. Matapos pulutin ang kalat ay lumabas na rin si Beri at nagtungong canteen upang kumain kasama ang kanyang mga kaibigan.


"Oi, Beri Sweet, bilisan mong kumain at kanina ka pang hinahanap ni Mam Santos. Kelangan na nya yung mga sash at certificates para mamaya". Ito ang paalala ni Funny habang kumakain sila.

"Okay na yun. Ako na ang bahala. Teka, manunuod ba kayo ng tagisan ng talino mamaya?" tanong niya kina Funny at Patty.

"Alam mo Beri. Kahit manuod tayo hindi natin maintindihan yun. Ang kelangan nating gawin kumain lang dito hanggang matapos ang program dahil pagkatapos tayo naman ang bibida." sagot ni Patty sa kanya.

"Bibida ?" Pagtatanong ni Beri.

"Oo. Dahil nasa sa atin ang pinakamahalagang gawain. Ang ibalik sa dati ang lahat. Isaayos ang mga bagay bagay sa kung paano ito dapat." sagot naman ni Funny.

"Ano bang ibig nyong sabihin?" naguguluhang tanong ni Beri.

"Magtanggal Ng kurtina. Isoli ang nga mesa at ipatas ang mga upuan."paliwanag ni Patty.

Mapapayuko silang lahat ng biglang may maalala si Beri.

"Teka, mauna na ako. Manunuod ako" paalam niya sa mga kaibigan.

"Haay. Goodluck sa kakapiraso mong utak. Sana makasurvive ka." pangungutya nina Patty at Funny.

Makikitang patuloy lang sa pagkain sina Funny at Patty samantalang si Beri naman ay nagmamadali na tumakbo papunta sa program.

Nagsisimula na ng dumating sya kaya naman naupo na siya sa likod. Mula sa likod ay tanaw na tanaw nya si Slater.


Itutuloy...


  • (4 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019