Just Julia: Kaibigan ko, Idol ko

Image Description Alora Sasam   |   02 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

The Car Ride Home


First bida role ni Julia ang Mirabella. First regular show ko rin na hindi sitcom. Dahil siguro baguhan pa kami, sabay rin kaming nangangapa sa eksena. Saksi ako sa hirap at adjustment na kailangan niyang harapin. Minsan pareho kaming nagkakamali sa eksena. Minsan pareho kaming napapagalitan. At minsan sabay kami umiiyak sa kotse niya kapag uwian na.



Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_Chapter_3:3A.jpg

Witness ang kotse niya sa lahat ng luhang pumatak during Mirabella days.

Hinahatid niya ako pauwi dahil sabay rin kaming natatapos sa trabaho. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay ko, doon ko naman nakita kung paano bumaba si Julia sa pedestal kung saan siya nilalagay ng mga tao bilang Barretto. Tao rin pala siyang umiiyak. Normal na tao ring nahihirapan. Normal na dalaga ring naninibago sa mundong pinasok niya. Minsan pagpasok pa lang namin sa loob ng kotse, hindi na siya nagsasalita, bigla na lang siyang umiiyak. Kung dati bituin ang tingin ko sa kanya, nagiging tao siya bigla kapag niyayakap ko na siya habang lumuluha.

Unang motto pa namin noon bilang magkaibigan “Remember, I trust you” Dahil pinangako kong mapagkakatiwalaan niya ako sa lahat ng gusto niyang sabihin sa mundo pero hindi niya magawa. Kung akala natin madaling maging Julia Barretto nagkakamali tayo. Kung gaano ka effortless at classy niya dinadala ang sarili niya, may pinanggalingan yan. May pinagdaanan siya kaya kailangan niyang maging malakas dahil iyon lang ang alam niyang gawin, ang maging malakas.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_Chapter_3:3B.jpg

Remember, I trust you.

Hirap na hirap siya sa eksena lalo na pagdrama. Bilang isang dalagang hindi naman sanay umiyak kapag may problema sa totoong buhay, nahirapan siyang maging vulnerable. Lumaki siyang crying is a sign of weakness, kaya ang tagal-tagal niyang maiyak sa eksena. Strong ang personality niya kaya kapag kailangan ng character niya maging sensitive, hindi niya agad magawa.

Awkward siya minsan sa eksena. Nabubulol siya sa tagalog. Hirap siyang magplay ng mahirap na character. Hindi siya makaiyak sa harap ng kamera. Pero sa likod ng kamera, sa loob ng kotse niya, doon lumalabas ang mga luha niya. Sa loob ng kotse niya nahaharap ang frustration sa sarili, hiya, and the feeling of not being enough.    

Hindi lang directors at production ang kailangan niyang harapin bilang amateur actress. Pati ang netizens, press at lahat ng nakakakilala sa kanya kailangan niyang harapin. Pero automatic na sa kanya na kapag ibang tao ang kaharap niya, strong agad ang personality niya. Di mo siya makikitaan ng vulnerability. Iyong Julia na iyakin na kasama ko sa loob ng kotse, nagtatago agad kapag may ibang tao.

May isang eksena sa Mirabella na hinding-hindi ko makakalimutan. Sobrang gusto ko siyang yakapin sa gitna ng eksena pero hindi ko magawa dahil hindi naman inutos ng direktor. Ramdam ko kasi ang frustration niya. Naawa ako. Isang party scene iyon. Malaki ang production. Maraming actors. Maraming talents. Kailangan niyang umiyak. Pero hindi niya nagawa.

Nagalit na ang direktor. Napapa-iling na lang ang executive producer namin. Madaling araw na iyon. Pagod na lahat. Pero hindi pa rin makuha ni Julia ang gusto ng direktor. Hindi mo makikitaan ng ekspresyon. Alam kong nakaharap nanaman sa amin ang “Ako si Julia Barretto. Strong ako.”

Tinapos na lamang ng direktor ang eksena kahit na hindi pa masyadong pulido.  Nakaupo kami noon sa bench habang hinihintay namin ang PA ni Julia na kunin ang pamalit niya ng damit. Naka-costume pa rin kaming dalawa. Hindi agad siya kumilos. Nakatingin lang sa kawalan, habang kanya-kanyang uwi na ang lahat. Tahimik lang siya pero iyong likod niya parang pasan ang mundo. Nang unti-unti ng nag-alisan ang mga tao, unti-unti ring lumabas ang mga luha niya. Mga luhang kay tagal hinintay ng direktor na pumatak pero hindi niya nagawa. Kita mo sa kanyang kahit siya naguguluhan sa sarili niya. Hindi ko siya magawang yakapin dahil baka lalo siyang maiyak. Sinamahan ko na lang siya sa bench na iyon habang tahimik siyang umiiyak. Hindi ko alam ang sasabihin to comfort her. Pero hindi ko siya iniwan hanggang sa muli niya akong ihatid sa bahay. Kahit man lang sa tahimik kong presensya, maparamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_Chapter_3:3C.jpg


Next Chapter: FIRST OVERNIGHT


Read more of my stories:



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE