Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Just Julia: Kaibigan ko, Idol ko

Image Description Alora Sasam   |   02 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

The Rainbow After The Storm


“After the rain there’s a rainbow. After a storm, there’s calm. After the night there’s a morning and after an end there’s a new beginning.”


May kasabihan ang matatanda, na sa hinabahaba man ng prosisyon, sa simbahan rin ang tuloy. In Julia’s case, sa hinabahaba man ng dark tunnel, liliwanag din at mararating din niya ang susunod na estasyon.

Bilang kaibigan, sobrang proud akong narating niya ang sumunod na estasyon. At sa station na iyon nakita niya ang rainbow. Nakatulong kay Julia ang pinagdaanan niya. Bilang isang aktor, weird man pakinggan, pero naging plus points iyon sa kanya. Nabigyan siya ng mga emosyong magagamit niya sa trabaho niya. Lumawak pa ang karanasan niya na magagamit niya sa pagportray ng iba’t ibang roles. Naging vulnerable siya na kailangan ng isang aktor para maging effective sa eksena. Lumalim ang sensibilidad niya na magagamit niya sa paghubog ng character niya sa eksena.

Nagkaroon ng laman ang akting niya. Nagkaroon siya bigla ng ibang kulay. Ibang timpla. Kumbaga sa kape, meron na siyang gatas, may asukal, may coffee powder, at kapag pinaghalo mo iyon, meron ka ng napakasarap at malasang kape.  At nalasahan natin ang kapeng iyon sa mga pelikulang ginawa niya sa Star Cinema. “Vince, Kath and James,” “Love You To The Stars And Back” and “Unexpectedly Yours”, all three with Joshua Garcia.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_8:8A.JPG

Sa sinehan sa Iligan City kung saan ako nanuod ng First MMFF movie ni Julia.


Iyak ako ng iyak sa sinehan noon habang pinapanuod siya. Hindi lang dahil nakakaiyak ang eksena kundi dahil rin nag-uumapaw ang pagiging proud ko sa kanya. Hindi ko makita si Julia na kaibigan ko sa movie. Ibang tao ang nakita ko ibig sabihin effective na effective ang acting niya. Bawat kilig niya, kinikilig rin ako. Bawat tawa niya, napapangiti ako. Bawat iyak niya, naluluha rin ako. Hindi ko na halos maalala yung Julia na gumanap sa Mirabella.


Nakatulong pa lalo sa acting ni Julia ang acting rin ni Joshua. Napakasaya ko na nakatagpo siya ng aktor na swak sa kanya. Nang malaman kong makakatambal niya si Joshua na-excite talaga ako kasi kinukuwento na sa akin ng mga staff sa Star Magic workshop na malaki nga raw ang improvement nito sa acting. Masaya akong magaling din ang makakatambal niya. At kita naman natin iyon sa pelikula nila. Aktingan silang dalawa pero walang lamangan. Silang dalawa nagshine kasi bigayan sila sa mga eksena.

Nakakatuwang masaksihan ang rainbow na sumalubong kay Julia paglabas ng dark tunnel. More than the akting trophies na natanggap niya, proud akong nalampasan niya ang bagyong dumating sa kanya.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_8:8B.jpg

The Baba Sandwhich


Next Chapter: I Love You Hater


Read more of my stories:



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018