Just Julia: Kaibigan ko, Idol ko

Image Description Alora Sasam   |   02 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Dark Tunnel

“If you live and learn right from life, you’ll soon discover that the struggle was never meant to take you down- but to build you up.” - Ty Howard


Sabi nga nila walang forever, only a lifetime. Pero kahit lifetime, hindi nakamit ng Mirabella dahil nagtapos rin ito. Buti na lang hindi doon natapos ang friendship namin ni Julia. Tumawid ito from the tv screens to real life. Nagbonding pa rin kami kapag may pagkakataon. Natutulog pa rin ako sa kanila kapag walang trabaho kinabukasan. Kahit nga valentines day, si Julia at family pa rin niya ang ka date ko.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_7:7A.JPG

My valentines date.


Sa awa ng Diyos, tuloy-tuloy ang naging trabaho namin. Kahit magkaiba na kami ng teleserye, dinadalaw ko pa rin siya minsan. Nasa isip ko palagi na kailangan niya ng kausap lalo pa’t mas heavy drama ang sumunod niyang teleserye, ang “And I Love You” with Miles Ocampo. Pero masaya akong marinig sa mga taong nakapaligid sa kanya na may improvement na sa acting niya. Kampante akong kakayanin niya ang bagong teleserye niya. Pasasaan ba’t masasanay rin siya kung palagi siyang umaarte.


Nagsimulang maging madalang ang pagkikita namin dahil na rin sa trabaho. Minsan na lang ako makadalaw sa kanya at sa family niya. Halos tuwing sunday na lang kami nagkikita dahil pareho kaming nasa ASAP. Malambing pa niya akong sinusugod sa ASAP Chillout kasi hindi na raw ako updated sa buhay niya. Aminado naman ako dahil sobrang naging busy lang talaga.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_7:7B.JPG

Halos sa ASAP chillout na lang kami nagkikita.


Hanggang sa nagkaroon na kami ng sari-sarili naming barkada which is healthy naman sa friendship namin. Para mag grow kami as a person kailangan rin naming magkaroon ng ibang circle para mas lumawak ang aming mundo. Kahit pa man may kanya-kanya kaming barkada, di pa rin nababawasan ang friendship. Siya pa rin ang Amaw ko. Ako pa rin ang Buang niya.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_7:7C.jpg

Amaw and Buang


Kampante akong mas lalo pang nag-level up ang relationship namin. Hindi na namin kailangan pang magkita araw-araw para ma-prove lang na magkaibigan kami. Hindi na namin kailangan magtext minu-minuto para lang masabing loyal kami sa isa’t-isa. Nakabaon na sa kontrata namin bilang magkaibigan na gawin mo gusto mo, gagawin ko gusto ko, kahit magkaiba tayo ng gusto, hindi iyon kawalan sa friendship namin.

Kung gaano naman ka-chill ang friendship namin, opposite naman iyon sa career niya. Dumaan si Julia sa tinatawag kong “Dark Tunnel.” Parang sa pelikulang “Train to Busan.” Nakasakay siya sa isang train na punong-puno ng mga zombies na handa siyang i-bash kahit ano pa man ang gawin niya. Ang train na iyon ay dumaan sa pagka-haba-habang tunnel. Napakadilim. Kahit anong gawin ni Julia, hindi siya makagalaw ng maayos. Kahit anong galaw niya naaamoy siya ng mga zombies. Kahit wala naman siyang ginagawang masama, nahahanapan pa rin siya ng butas. Kaliwa’t kanan ang naging issue sa kanya ng mga panahong iyon. At dahil doon nadamay pati ang endorsements at trabaho niya.

Marami siyang sinakripisyo para lang ipaglaban ang kasama niya sa train. Pero sa huli, siya lang rin pala ang maiiwan sa train na iyon. Just her. The strong-willed Julia B against all the flesh-eating zombies.

Gusto kong isulat sa chapter na ito na ni minsan hindi niya iyon iniyakan. Ni minsan hindi siya nawalan ng pag-asa. Ni minsan hindi siya nasaktan. Pero siya pa rin ang Julia na nakasama ko sa loob ng kotse habang pauwi kami noong Mirabella days. Umiiyak pag wala na ang mga tao. Nakangiti pag maraming tao.

Bilang kaibigan mahirap makitang nahihirapan ang kaibigan mo. Gusto kong mang-away ng mga bashers. Gusto kong maging keyboard warrior. Gusto kong magpa-presscon para lang maipagtanggol si Julia. Pero hindi matatapos ang digmaan ng mga salita sa ganitong paraan. Hindi mo pa rin makokontrol ang sasabihin at iisipin ng mga tao. Kung marunong lang ako mag-magic baka tinanggalan ko na ng wifi ang lahat ng bashers mahinto lang sila sa pagbatikos kay Julia. Kaso hindi ako magician. At hindi totoo ang magic. Ang tanging totoo lang ay ang prayers. Pinagdasal ko siya. At siya rin naman tanging prayers lang ang kinapitan. They can never put Julia down cause her faith with the Lord is always pulling her up. And that faith just kept getting stronger.


Next Chapter: The Rainbow After The Storm


Read more of my stories:



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE