Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Just Julia: Kaibigan ko, Idol ko

Image Description Alora Sasam   |   02 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Keeping Up With The Barrettos


Isa sa hinangaan ko kay Julia ay ang pagmamahal niya sa family niya. Kung ang iba ay napapabarkada at alis ng alis ng bahay, si Julia naman ay mas gustong nakapirme sa bahay at nakikipagkulitan o kahit simpleng kuwentuhan sa mga kapatid niya. Kung gaano sila ka kontrobersyal na pamilya, ganoon din naman sila ka close. Naalala ko nga sinabi ng mommy Marjorie niya na ang passionate talaga silang magpapamilya. Passionate sila magmahal. Passionate din sila mag-away.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_6:6A.jpg

Smiling with the Barrettos

Pinagpasalamat ko hanggang ngayon na pinakilala ako ni Julia sa family niya. Hindi lang siya ang nakilala ko ng lubusan pati na rin ang pamilya niya. Si Dani ang tinatanong ko kapag tungkol sa blogging, styling at mga usong brands sa market. Si Claudia ang kabatuhan ko when it comes to books at mga assignments niya sa school. Si Leon ang kasama ko mag pizza foodtrip sa kuwarto niya habang pinapaliwanag niya sa akin ang rules ng wrestling. Ang bunso nilang si Erich naman ang kalaro ko ng lutu-lutuan habang nagnose-bleed ako kasi english ang cutie pie na ito. At si Tita Marj naman ang nalalambing ko when it comes to usapang bahay. Welcome ako palagi sa bahay nila. Doon ako kumakain. Doon ako natutulog. Doon ako naliligo. Biro nga ni Julia na dapat mag-iwan na ako ng sarili kong sipilyo doon. Umuuwi lang ako sa inuupahan ko kapag kukuha na ng costume papuntang taping. Kapag tapos na ang taping balik ulit kina Julia.

Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_6:6B.jpg

Dinning with the Barrettos


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_6:6C.JPG

Swimming with the Barrettos


Sa maikling panahon na nakasama ko sila, unti-unti ko silang naabot. Normal din pala silang katulad natin. Akala ko palaging naka-fine dining ang set-up kapag kumakain, hindi pala. Minsan nga nakataas pa ang paa ni Julia sa upuan kapag kumakain. Akala ko palaging lechon ang ulam nila pero ka tropa ko rin pala si Ms. Marj sa pagkain ng gulay. Pagkatapos kumain, hindi pa sila agad umaalis ng hapagkainan kasi masaya pa silang nagkukuwentuhan. Naalala ko nga pamilya ko sa kanila dahil nag-aaway rin sila minsan kahit habang kumakain. Pero ang pinakabumilib ako ay iyong kahit nagkakainisan na sila ay wala pa ring nagwo-walk out sa dining area. Andun lang sila. Magkasama pa rin. Kuwentuhan pa rin from one subject to another hanggang sa humupa na ang inis ng bawat isa. Tapos biglang tawanan nanaman. Roller coaster of emotions. Away-bati. Just like a normal mortal family.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_6:6D.JPG

Ampon ng mga Barretto


Hindi ko man sila kadugo pero pinaramdam nila sa akin na parte ako ng pamilya. Joke namin na ampon ako ng mga Barretto. Noong una, awkward pa ako sa joke na ito pero unti-unti ko na siyang natatanggap dahil sila mismo tanggap ako. Ine-explain nila sa akin ang family jokes nila. Inaalagaan nila ako kapag magkasama kami. Busog ako palagi kapag may party sila. Kinakamusta ako ng lolo at lola niya. Kasama ako sa tawanan nilang magpipinsan. Dinadamay nila ako sa kuwentuhan. Hanggang sa nawala na rin ang hiya ko at nakakapagbiro na rin kahit papano. Pinaparamdam rin nila ang pagmamahal nila sa akin kapag birthday ko. First birthday ko sa bahay nila, may pa cake si Tita Marj. Tapos by the next year, nagpaboodle fight naman siya para sa akin sa garden nila. Sino ang hindi matutunaw ang puso sa ganitong pagmamahal?


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_6:6E.JPG

First Birthday ko with the Barrettos


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_6:6f.JPG

Second Birthday with the Barrettos

Na attach ako sa family ni Julia dahil na rin siguro naghanap ako ng kalinga ng isang family. Ako lang mag-isa sa Maynila at natagpuan ko sa family ni Julia ang closeness na sobrang na-miss ko sa family ko. Malaki rin ang buong Sasam family kaya sanay ako sa ingay naming magpipinsan at minsanang away ng aming mga tito at tita. Kaya hindi naging mahirap sa akin mag-adjust. Kinailangan ko lang galingan ang english ko so that I can keep up with the Barrettos.

Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_6:6G.JPG

“Family isn’t whose blood you carry. It’s who you love and who loves you back.”-Unknown


Next Chapter: Dark Tunnel


Read more of my stories:



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018