Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Just Julia: Kaibigan ko, Idol ko

Image Description Alora Sasam   |   02 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

First Encounter


Sabi ni Anonymous “No one comes into your life by accident. Every one that crosses your path serves a purpose.” Naniniwala ako dito. Kapag may bagong taong darating sa ating buhay, minsan gusto na agad natin siya manatili. Minsan naman gusto agad natin mawala. Yung iba dumadaan lang para turuan tayo ng leksyon. Yung iba nananatili para patuloy tayong gabayan. Minsan napapa-isip tayo “bakit kaya nagkrus ang landas namin?” Ito ang tanong ko nung naging kaibigan ko si Julia Barretto.

Yes po, kaibigan ang turing ko sa kanya. O! Ang kilay mo tumataas. Yung brains mo parang sasabog. Baka i-check mo ang history books mo to confirm kung nangyari na ba ito ever sa kasaysayan ng Milkyway Galaxy. Kung ako sayo punta ka sa google tapos search mo “Pwede bang maging magkaibigan ang isang Barretto at isang balakayojan walakompake kakaibiganin ko sino gusto ko basta mabait at mapagmahal kasi deserve natin ang tapat na kaibigan.”

Kapag ini-interview ako tungkol kay Julia, laging tanong “bakit kayo magkaibigan?” Walang palya yan. Sinasagot agad ng utak ko ang tanong na iyon ng “bakit hindi?” Gets ko naman saan nanggagaling ang amazement ng society. Barretto siya. Sikat siya. Sikat lang ako sa classroom namin bilang maingay na classmate. Manila girl siya. Probinsyana ako. Sosyal siya. Jologs ako. Maganda siya. Ako maganda rin, pero hindi nga lang uso. Kung sa commercial, si Julia ang after, ako ang before. Sa sobrang magkaiba kami, nagugulat tayo lahat bakit nagkrus ang landas namin at nagkonek. Kahit rin naman ako napapatanong.

Hindi ko rin naman ito inasahan.Pumunta akong Maynila para maging artista hindi para maghanap ng kaibigang sobrang opposite sa akin. Isa si Julia sa mga taong never ko inexpect maging kaibigan. Celebrity ang tingin ko sa kanya dati. Iyong klase ng celebrity na hindi ko maaabot. Iyong siya ang pinagkakaguluhan ng mga camera habang ako iyong taga-hawak ng camera. Iyong celebrity na may expectation ka agad kung ano ang pagkatao niya base sa nakikita mo sa tv. Iyong celebrity na feeling mo kilala mo na base sa mga pinagsasabi ng ibang tao.

Hindi ko pa nai-kwento ito sa kanya pero una ko siyang nakita noong 2012 sa isang event ng Star Magic . Nasa isang studio lahat ng mga Star Magic artists. Napansin ko agad siya sa lahat ng artista dahil meron siyang invisible mark sa noo na “Barretto.” Napakakontrobersyal ng angkan niya kaya kahit na nakaupo lang siya sa sulok, stand out pa rin ang beauty niya. Naka-braces pa siya noon. Ang ganda-ganda niya and she has a very sweet smile. Humingi ako ng picture for remembrance kasi baka di ko na siya makita. Sino ba naman ang mag-aakalang sa future pala ay mapupuno ng selfies naming dalawa ang cellphone ko. Iba rin talaga si Lord magpatakbo ng buhay.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:1A.JPG

Nung Mga Nene Pa Kami


Next Chapter: Expectation VS Reality


Read more of my stories:



  • (4 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018