Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Just Julia: Kaibigan ko, Idol ko

Image Description Alora Sasam   |   02 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

FIRST OVERNIGHT

"It is by chance that we met, by choice that we became friends."

Sa mundo ng taping, merong biruan ang mga artista tungkol sa dalawang klase ng friends. Yung una ang tunay na friends meaning kaibigan sa taping at kahit walang taping nagkikita pa rin kayo. Pangalawa naman ang tinatawag na “taping friends” meaning sa taping lang kayo magkaibigan kasi sa taping lang kayo nagkikita, hindi na kayo nagbo-bonding sa labas ng trabaho.

Noong una, taping friends lang kami ni Julia. Hindi naman masama iyon. Ang pagkakaibigan naman talaga ay hindi pinipilit. Naramdaman kong naglevel-up yung friendship namin pagkatapos ng pinaka-una kong sleepover sa bahay nila. Isasama kasi niya ako sa Bacolod kung saan guest siya sa show ni Piolo Pascual at Pokwang. Sa kanila ako matutulog para diretso na kami sa airport kinabukasan.

Nakakatawa ang first sleepover na iyon kasi sa sofa ako natulog. Hindi ko maamin sa kanya na hindi ako komportableng matulog katabi siya kasi nahihiya ako. Sa sobrang hiya ko tumabi kay Julia sa kama niya, kunwari pa akong nag-aayos ng gamit  para mauna siyang pumasok sa kuwarto niya. Binagalan ko maligo at magbihis pantulog. Pagkatapos ay sa sofa na ako natulog. Kahit na hirap ako matulog sa sofa na iyon tiniis ko kasi nahihiya talaga ako. Kinabukasan na lamang niya nakitang hindi pala ako sumunod sa kanya. Sabi ko na lang na hindi ko napansing nakatulog na pala ako.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_4:4.jpg

The Ruins in Bacolod City


Sobrang nakatulong ang Bacolod trip na iyon para mas mawala ang hiya ko sa kanya. Hindi na ako nakahanap pa ng rason para umiwas tumabi sa kanya matulog bilang isang malaking kama lang ang available sa kuwarto namin. Nagfood trip kami kasama ng pinsan niya. Nagkuwentuhan. Nagpamasahe. Nagfood trip ulit. At hanggang pagbalik namin ng Maynila, sumama pa rin ako sa kanya pabalik ng bahay nila. Tatlong araw kaming magkasama. Tatlong araw kaming nasanay na kasama ang isa’t isa. Pagkatapos nun, kaibigan na ang turing ko sa kanya. Hindi na celebrity. Nasundan pa nang nasundang ang sleepover ko sa bahay nila. Hindi na ako natulog muli sa sofang iyon. Magkatabi na kami ni Julia matulog sa kama niya. Minsan nga hindi na kami nakakatulog, kaka-kuwento.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_4:4A.jpg

Kama naman niya ang witness ng lahat ng aming kuwentuhan.


Next Chapter: Selfie Pa More


Read more of my stories:



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018