Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Just Julia: Kaibigan ko, Idol ko

Image Description Alora Sasam   |   02 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

I Love You Hater


"People change for two reasons: either they have learned a lot or they have been hurt a lot."

“Kinukuha ka ng Joshlia movie.” balita sa akin ng handler ko sa Star Magic na si Ate Janice. Siyempre na excite agad ako. Ang tagal ko na hindi nakatrabaho si Julia. Minsan na-iinterbyu ko siya sa Asap Chillout. Pero iba pa rin talaga kapag aktingan kaya walang paligoy-ligoy hiniling ko kay Ate Janice na gawan ng paraan ang schedule ko.

Pagdating ko pa lang sa set, siya agad hinanap ko. Pero mas maaga pala ang calltime ko. Si Kat Galang, the viral tassle girl, ang una kong nakita sa tent. Nagchikahan kami at nalaman kong kami palang dalawa ang magiging friend ng character ni Julia sa Star Cinema movie.  

After an hour dumating si Julia. With big smiles, nagyakapan agad kami. Ang saya ko na makita siya. Dahil na rin sa sobrang busy ng schedules namin, halos hindi na kami nakakapagbonding. Hindi ko na rin matandaan kung kelan ako last time na pumunta sa bahay nila. Pero babawi kami that day kasi magkakasama kami buong araw.

Nagcrave siya ng spam kaya naghanap kami sa mga kainan malapit sa tent. Nag-order siya at dinamay niya kami lahat. Nakaka-miss kumain kasama siya. Hindi pa rin siya nagbabago. Hindi pa rin siya mahilig sa ketchup. Habang ako naman ay kulang na lang malunod ang spam sa dami ng ketchup ko. Habang kumakain kami, hindi namin pinalampas ang pagkakataong magchikahan. Tinanong ko siya about sa film. Mas gusto talaga niya ang drama kaya medyo ninenerbyos siya sa Romcom. Sabi ko naman sa kanya na kaya naman nila ni Josh ang romcom. Sabi ko sila nga ang loveteam na pang-all-around. Parang menu. Kung ano ang gusto mong putahe kaya nilang lutuin para sayo.

After ng make-up at hair, pinatawag na kami sa set. Habang nag-aantay matapos ang set-up ng kamera, tinanong niya ako kung kailan iyong last time na nagka-eksena kami. Binilang niya sa daliri at siya rin ang sumagot. Four years. Ang tagal na pala talaga naming hindi nagka-eksena. Kaya sobra ang amazement ko sa nakita kong Julia sa shooting.

Kung dati sa Mirabella ay uma-akting lang siya ayon sa gusto ng direktor, sa shooting ko nakitang marunong na siya makipag-collaborate. Nakikipag-usap na siya with Direk Giselle Andres, ang director ng pelikula, kung paano niya na-i-imagine ang eksena. Marunong na siya magsuggest. Habang nakikinig ako sa usapan nila, napaghahalata kong pinaghahandaan talaga ni Julia ang role niya. Nanibago ako sa nakita kong Julia. Alam kong nag-improve na siya dahil makikita naman natin iyon sa mga recent movies niya. Pero iba rin pala kapag mismong masaksihan mo ng live iyon sa shooting.

It was in the third shooting day nang totally na-convert na ako from being a friend to a fangirl ni Julia Barretto. May eksena kaming ginawa with Kat na sobrang napanganga ako sa kanya. Napaka-proud ko sa kanya sa Vince, Kath and James. Pinaiyak nila ako ni Josh sa MMK episode nila. Napabilib ako sa kaniya sa Love You To The Stars And Back. Napasaya niya ako sa Unexpectedly Yours. Pero iba pala kapag ma-witness mo mismo ang kaibigan mo in action. Iyong mapanuod mo mismo ng live kung paano niya mismo gagawin ang isang eksena. Iyong ikaw mismo ang ka-eksena ni Julia 2.0.

This time it was a mixture of comedy and drama. Ang eksena ay first time ma-realize ni Zoey, character ni Julia, na-in love na siya kay Joko, character ni Joshua. Gusto ni Direk Giselle na umiyak si Julia pero dapat nakakatawa. Bilang isang aktor, mahirap iyon. Iiyak ka with tears and all pero dapat nakakatawa ka pa rin sa eksena. Nagkaroon na ako ng ganitong atake sa eksena sa workshop at nahirapan ako. Kinabahan ako for her. Deep inside nagdasal ako na sana ma pull off niya.

Nagawa ni Julia. In. ONE. TAKE.

Lumuluha siya habang naglilinya. Lumuluha siya pero nakakatawa. Nakakatawa pero ramdam mo ang hugot niya. Gusto ko siya biglang yakapin. Pero wala iyon sa blocking ni Direk. Dati sa Mirabella, gusto ko siyang yakapin dahil ramdam kong nahihirapan siya gawin ang eksena. Pero ngayon gusto ko siyang yakapin kasi naramdaman ko ang eksena dahil sa kanya. Gusto ko siyang palakpakan kaya lang hindi pa nag-cut ang direktor. Buti na lang magugulat kami dapat ni Kat sa reaksyon niya. Kaya ang gulat ko tagos puso. Hindi arte. Tagos puso ang pagkagulat ko sa galing niya. Tagos puso ang pagka-proud ko sa one take niya.

Pagkasabi ni Direk Giselle ng cut, pumalakpak ako. Pero hindi lang ako. Nagpalakpakan kami lahat. Pati mga cameramen. Hindi lang ako ang bumilib sa kanya. Kami lahat namangha sa kanya. One take. Habang pinapalakpakan ko siya at napapailing sa mangha. Naalala ko ang Mirabella days namin. People really change. At gusto ko ang change na nasaksihan ko sa kanya.

Gone are the days na kailangan pa siyang pagalitan para lang maiyak. Gone are the days na kailangan pa siyang i-motivate ng assistant director. Gone are the days na kailangan pang hagurin ang likod niya or hawakan ang kamay niya para maramdaman niya ang eksena. Gone are the days na inaantay siya ng production para lang ma-pull off ang isang dramatic scene. Gone are the days na awkward siya sa mga lines niya lalo na pagtagalog.

Hindi nasama sa final edit ang eksenang iyon. Pero tandang-tanda ko pa ang galing niya doon. At hindi iyon mawawala sa utak ko. Dahil sa eksenang iyon nasaksihan ko kung paano maging ganap na aktres ang kaibigan ko. At dahil rin sa eksenang iyon, ako ay naging ganap na Julia Barretto Fan.

Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_9:9A.jpg

I am a Julia Barretto friend slash ka-eksena slash fan.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_9:9B.jpg

Premiere night ng I Love You Hater kung saan muntik na akong maiyak sa red carpet dahil first red carpet premiere night ko with Star Cinema at sa pelikula pa ni Julia.


Next Chapter: Kaibigan Slash Fangirl


Read more of my stories:



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018