Just Julia: Kaibigan ko, Idol ko

Image Description Alora Sasam   |   02 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Expectation VS Reality

Hindi ko na ulit nakita si Julia pagktapos nun. Naging busy na ako sa pagtupad ng aking mga pangarap. Minsan nakikita ko siya sa tv at ang alam ko lang na kasama siya sa Star Magic Circle 2013, one year after kong maging contract artist ng Star Magic. Simula noon madalas ko na siyang makita sa Star Magic Workshop. Pinahahalagahan talaga sa Star Magic ang training kaya lahat ng bagong artists dumadaan sa workshop ni Direk Rahyan Carlos. Gaya ni Julia, baguhan rin ako.

Hi, hello, ngiti, at minsan dinadaanan lang namin ang isa’t isa. Busy kami sa kanya-kanyang mga pangarap. Pero dahil na rin siguro sobrang liit lang ng mundo ng Star Magic, magkakakilala rin ang mga kaibigan namin. Minsan kahit sa birthday parties nagkakakitaan kami. One time nakita ko siya sa isang party at chinallenge sa Judilyn-is-hot pose ng aking character sa LUVU.

Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_2:2A.jpg

Expectation: Hindi niya ako pagbibigyan sa request kong challenge na pang jologs.

Reality: Game na game siyang gawin ang jologs kong pose.


Una ko siyang nakatrabaho sa Wansapanataym Presents Petra Paminta. Siya ang bida ng episode na iyon. Isa ako sa supporting cast bilang Yaya ni Kiray Celis. Si Kiray ang mas nakakausap ko. Pero kapag nagbibiruan sila ni Julia sinasali rin nila ako. Nahihiya pa akong mangulit noon sa kanya. Naalala ko na nagkatabi na kami minsan sa set habang nag-aayos pa ng mga camera. Hindi ko alam paano nagsimula ang usapan pero nai-kuwento ko ata sa kanya na fan ako ng 2NE1. Hindi ko rin alam paano at bakit ko nai-kuwento iyon sa kanya.

Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_2:2B.JPG

Expectation: Si Kiray lang ang kakausapin niya.

Reality: Nakikipagkulitan din si Julia kahit hindi niya ka-close.


Wala akong espesyal na memory sa kanya ng mga panahong iyon. Hindi ko na rin inexpect na makakatrabaho ko pa siya. Kaya laking gulat ko na lang nang sinabihan ako na magiging best friend ko siya sa teleseryeng Mirabella. Nagkita ulit kami sa story conference ng teleseryeng iyon. Doon na ako nagsimulang kabahan. Maraming tumatakbo sa isip ko. Maraming expectations ang utak ko na lalong nagpakaba sa akin.

First regular teleserye ko ang Mirabella kaya gusto kong galingan agad. Pero paano ko gagalingan kung iyong utak ko ay kung anu-ano na ang naiisip. Turo sa amin sa workshop na hindi lang magloveteam ang may chemistry. Kahit sa magkakaibigan o magkapamilya sa eksena kelangan may chemistry pa rin para effective ang acting ng eksena. Paano kung wala kaming chemistry ni Julia?

Dumating ang first taping day and as expected, si Julia talaga ang palagi kong ka-eksena. Pero nagulat ako nang unti-unting napapalitan ang mga ini-imagine kong mangyayari sa utak ko. Unti-unting nagbabago ang tingin ko sa kanya.  Naalala ko na habang nag-aantay kami ng eksena namin kumakain siya ng Stick-O. Binigay niya sa akin ang buong jar at bigla na lang kami nagkuwentuhan. Iyon ang naalala kong araw na dahan-dahan akong nag-open up sa kanya. Nawala ang hiya ko. Sabi ko normal lang pala ang dalagitang ito. English-speaking nga lang pero nakaya ko naman siyang kausapin.

Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_2:2C.jpg

EXPECTATION: Baka mapalitan ako dahil hindi swak ang chemistry namin bilang magkaibigan.

REALITY: Umabot ako hanggang finale taping dahil benta ang pagkakaibigan ni Mira at ni Marigold sa Mirabella.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_2:2D.jpg

EXPECTATION: Pagkaing mayaman lang ang alam niya.

REALITY: Sinasabayan niya kami kumain ng street food.

Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_2:2E.jpg

EXPECTATION: Hindi siya nakikihalubilo sa iba.

REALITY: Kinakausap niya lahat.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_2:2F.jpg

EXPECTATION: Boring siya kasama.

REALITY: Kapag may taping siya at ako wala, pumupunta pa rin ako sa taping para makasama siya.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_2:2G.jpg

EXPECTATION: Tahimik lang siya.

REALITY: Ang kulit-kulit niya sa tent lalo na kapag bagong kain.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_2:2H.jpg

EXPECTATION: Hindi niya masasakyan ang mga biro ko.

REALITY: Nagtatawanan kami palagi.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_2:2I.jpg

EXPECTATION: Awkward kami sa isa’t isa.

REALITY: Nagiging mas close kami bawat taping day.


Minsan marami tayong haka-haka sa isang tao. Pinaniniwalaan lang natin ang gusto nating paniwalaan base na rin sa sinasabi ng iba. Palagi tayong may first impressions at expectations. Buti na lang nakasama ko si Julia kaya masasabi kong first impressions never last. Tama ang desisyon kong kilalanin pa siya dahil kinain ko lang lahat ng expectations ko. Julia Barretto is more than what we think of her. There’s more to her than what the news say. Hindi totoo lahat ng pinagsasabi ng ating mga chismosang kapitbahay at mga lasinggero sa kanto. Napatunayan kong kung bibigyan lang natin ang bawat isa ng chance para maintindihan at makilala ang bawat isa ng lubusan, puro positive vibes lang siguro ang mundo. Sabi nga ni Ms. Kris Aquino “love love love.” Sagot nga sa beauty pageant “world peace” and I thank you.


Next Chapter: The Car Ride Home


Read more of my stories:



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE