Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Just Julia: Kaibigan ko, Idol ko

Image Description Alora Sasam   |   02 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Kaibigan Slash Fangirl


Sa huling chapter ng kuwentong ito, gagamitin ko ang pinaka-cliche na quote na alam nating lahat. “Every thing happens for a reason.” Every little thing happens for a reason. Na-late ka ng gising kasi kailangan mong makaiwas sa aksidente sa kabilang kalye. Hindi mo nakatuluyan ang crush mo kasi si The One mo ay mas better pa kesa kay crush. Lahat ng bagay sa mundo kinailangang mangyari para mapaghandaan mo ang susunod na chapter sa buhay mo.

Kung hirap na hirap ka man ngayon sa kung ano mang pagsubok na pinagdaanan mo, feeling mo hindi mo na malalampasan yan, gusto kong isipin mo si Julia Barretto. Isipin mo lahat ng issues na binato sa kanya pero nakatayo pa rin siya hanggang ngayon. Stronger and better. Isipin mo kung paano niya ginamit ang heartaches niya para mas gumaling pa siya sa larangan ng pag-arte. Isipin mong inisip noon ng mga tao na Barretto siya kaya siya nakapasok sa showbiz pero ngayon mananatili siya sa showbiz dahil siya si Julia. Period. In english, Just Julia. In tagalog, Si Julia na yan eh! Isipin mong dahil sa pinagdaanan niya naging mas compassionate, kind and patient pa siya. At dahil na-survive niya ang storm sa buhay niya, ine-enjoy niya ngayon ang rainbow na nireward sa kanya.

Sana makahugot ka ng lakas kay Julia gaya ng ginagawa ko sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Alam ko na ngayon kung bakit nagkrus ang landas namin ni Amaw ko. Sa kanya pala ako huhugot ng lakas. Hindi madali ang buhay showbiz. Pero mapagtatagumpayan ito kung lalakasan mo lang ang loob mo. Isa pala siya sa magiging basehan ko na kapag hindi ka nag-give up sa dreams mo, ano man ang mangyari, makakamit mo ang mga ito.

Nag-umpisa ako bilang kaibigan ni Julia. Mananatili akong kaibigan ni Julia. At ngayon fangirl na niya ako. Fan ako ng mga pelikula at teleserye niya at mga gagawin pa niyang projects sa future. Pero mas fan ako ng pagiging matatag niya. Fan ako ng mga lessons na natutunan ko sa kanya. Fan ako ng friendship na binigay niya sa akin kasi hindi lang basta nagkrus ang buhay namin. She actually stayed kahit sobrang sikat na niya ngayon. And she didn’t just stayed with our friendship. She made a mark.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_10:10a.jpg

Julia Barretto with a friend.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_10:10b.JPG

Julia Barretto with a co-actor.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Alora_x_Julia_(Article_Banners_and_Artcards):Aloria-Julia Barretto:Fwd%3a_JULIA_B_CHAPTER_10:10c.jpg

Julia Barretto with a fan.


CHAPTER 1: First Encounter

CHAPTER 2: Expectation VS Reality

CHAPTER 3:  The Car Ride Home

CHAPTER 4: FIRST OVERNIGHT

CHAPTER 5: Selfie Pa More

CHAPTER 6: Keeping Up With The Barrettos

CHAPTER 7: Dark Tunnel

CHAPTER 8: The Rainbow After The Storm

CHAPTER 9: I Love You Hater


Read more of my stories:



  • (5 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018