Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Fearless Miss (Kathniel Fanfiction)

Image Description rochellyheart   |   16 May 2018


Arisse Yvonne Escalante, a rich heir from Paris doesn't know the world love until she met the famous pop singer Miko Brilllantes... the first guy that made her heart beats faster.

Arisse Yvonne Escalante's family is one of the richest in Paris. They owned many large companies including the Escalante Musique Academy na isang kilalang school ng classical music. But even how hard Arisse pushed herself, hindi talaga nya makita ang sarili sa pagkahilig sa type of music na gusto ng parents nya. Deep inside her heart, she likes something else. Mas gusto nyang tumugtog o kumanta ng modern or contemporary music. Kaya't may konting pagrerebelde syang nararamdaman sa puso nya.

Minsan ay kailangan pa niyang tumakas para lang magawa nya ang music na gusto nya. She can't escape when she is at home, that's why she is doing it after her music lesson in the Academy.

"Shhhh..." Bulong nya sa janitor ng Academy nang mahuli sya nito minsan na palabas ng back door ng Academy.

"Please Mr. Brown, don't tell mama and papa..." Pakiusap ni Arisse sa mabait na janitor.

"Haha, of course, I won't... I don't want to see you're bald like me." Mr. Brown laughed.

"Yeah, right!" Arisse frowned and then gave a big smile to the good janitor na madalas ay pinagtatakpan sya tuwing tatakas sya. "Thank you so much! I owe you one again!" Nakangiting sabi ni Arisse sabay kindat sa kaibigan nyang janitor habang papalabas ng gate.

At pagkatapos noon ay papara na sya ng taxi para dalhin sya sa Boulevard kung saan nag-jajaming ang ilang street players na naging mga kaibigan na nya simula nang matutunan nyang sumama sa kanilang street sessions. May tumutugtog ng gitara, saxophone, keyboards, trumpet, flute at ilan pang mga instruments at kanya nga ay ang paborito nyang violin.

Tuwang-tuwa ang mga bagong kaibigan ni Arisse tuwing kasama nila ito dahil mas gumaganda ang rhythm ng music nila pag sumabay na sa kanila ang violin ni Arisse. Dumami ang mga tumitigil na mga passerby para pakinggan ang kanilang musika. At mas madami din ang nagdo-donate ng pera sa kanila.

Maya-maya ay nagsimula nang tumugtog ang banda. Tinugtog nila ang sikat na sikat na kantang Team by Lorde. Nang marinig ng mga tao ang magandang intro pa lang ng violin ni Arisse ay naglapitan na ang mga tao. Masaya silang pinanood ang grupo at ang marami pa nga sa kanila ay naglabas ng paper bills para ihulog sa box na nasa harapan ng grupo ng street players.

Masiglang-masigla at mas lalo pang ginanahan sa pagtugtog ang mga musicians dahil nga sa ipinapakitang saya ng mga taong nanonood sa kanila.

Pagkatapos ng sampung songs ay nag-pack up na sila at dumiretso naman sila sa bahay-ampunan kung saan naghihintay ang mga batang dahilan ng kanilang pagtugtog sa kalye. Idino-donate ng grupo lahat ng kanilang nakakalap na pera para sa mga ulilang batang nasa ampunang iyon.

Tuwang-tuwa silang sinalubong ng mga bata. Niyakap pa nga sila ng mga ito.

Bukod sa donasyong dala nila ay hinandugan din nila ng music ang mga bata. Kaya't lalong bakas sa mukha ng mga ito ang saya.

Isa sa pinakamasayang tao sa oras na iyon ay si Arisse dahil kahit medyo guilty sya dahil tinatakasan nya ang mga magulang nya palagi ay ang kapalit naman nito ay ang makapagpasaya sya ng maraming tao. Kaya nga't hindi sya nagsisisi sa pagsama nya sa grupo ng mga street music players na ito.

Pagkagaling sa bahay-ampunan ay tinawagan na nya ang kanyang driver. Alam nya na nag-aalala na naman ito sa kanya. Minsan ay tinatakasan nya din ito kaya't pandalas naman ang paghingi nya ng pasensya pagkatapos. Mabait si Arisse sa driver nila kaya't napakabait din nito sa kanya at madalas din ay pinagtatakpan sya nito sa pagtakas-takas nya.

"I'm sorry Mang Steve, I did it again..." Nahihiyang sabi ni Arisse sa driver habang naka-peace sign.

"I understand, Ma'am Arisse... Buti na lang mas mabait ka lagi kesa mama mo, kung hindi isusumbong talaga kita." Biro ng driver na isang Filipino din.

"Haha, alam ko naman na mas malakas ako sa'yo eh!" Nakangiting halos mawala na ang mga mata na sabi ni Arisse.

"Kaya dapat po ay bilisan na natin dahil baka pareho tayong malagot." Nakangiti ding sagot ni Mang Steve.

Kaya't nagmadali na nga sa pagsakay sa kotse si Arisse.

Pagkadating nya sa mansion nila ay dire-diretso sya sa loob. Nakasalubong nya ang kanilang mayordoma na si Miss Maria kaya't tinanong nya ito kung dumating na ang mama and papa nya.

"Are mama and papa already home?" Tanong nya sa Italyana nilang mayordoma.

"They are not here yet Miss Arisse, do you need anything?" Nakangiting tanong ng mayordoma.

"Oh, I'm fine, no worries. Just tell them when they come that I'm resting in my bedroom." Bilin nya kay Miss Maria.

"Of course, I will do that." Sagot nito.

At pumunta na nga si Arisse sa kanyang kwarto.

Makalipas ang isang oras ay tinawag na sya ng kanilang mayordoma para sa hapunan.

"Miss Arisse, your Mama and Papa are calling you. The supper is ready." Sabi nito sa labas ng pintuan.

"Yes, I'm coming!" Sagot ni Arisse.

Pagkabungad nya sa dining room ay nakaupo na sa mahabang table ang kanyang Mama at Papa.

Humalik muna sya sa mga ito bago umupo sa kanyang upuan.

"How's your day?" Seryosong tanong ng Papa nya.

"Everything was good, Papa." Tipid nyang sagot.

"How was your music lesson today?" Seryoso ding tanong ng mommy nya.

"It was good too." Tipid ulit nyang sagot.

Ganoon lang naman lagi ang usapan nila sa bahay, napakatipid kaya't sanay na sanay na si Arisse. Lagi lang naman ganun ang tanong nila sa kanya halos araw-araw kaya't walang pinagkaiba.

"By the way, we have something for you." Biglang naging masigla ang boses ng kanyang mama.

"Really?" Para namang na-excite ang boses ni Arisse sa sinabi ng kanyang Mama kaya't nagningning ang kanyang mga mata.

"This, open this..." Sabi ng kanyang Papa, sabay abot ng isang eleganteng sobre.

Excited naman itong inabot ni Arisse at sabik na binuksan ito. Ngunit nawala ang excitement ni Arisse na hindi naman nya masyadong ipinahalata sa kanyang mga magulang.

Isa pala yung invitation para sa isang engrandeng pagtitipon na talaga namang kahit kelan ay hindi nya naging hilig.

TO BE CONTINUED...



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018