Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A story of friendship, love, family, letting go and not giving up. A story that is full of feels and will make you read in tears...

Star's POV

"Star! Star! Star!"
"Tanghali na! Bangon na jan!"
"Huyyyy!"

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na beep ng cellphone ko. Eto na naman sya. The ever energetic Mandy. Ang bestfriend kong punong-puno ng energy sa katawan. Pinaglihi ata sa kiti-kite ang babaeng iyon. Naputol tuloy ang tulog ko. Ang ganda pa naman ng panaginip ko. I replied to her text messages.

"Makatawag ka! May sunog ba?" I texted her.

"Ang sungit naman! Red days? Hahaha! Labas naman tayo! Last day na ng bakasyon e." she replied.

"Antok pa ko bes. Pwede 5minutes na lang?" I texted her back.

"Hay nako Star, alam ko iyang 5minutes mong iyan, mamaya one hour na iyan!" she knows me so well.

"Kfine! Eto na babangon na! Saan tayo magkikita?" I answered her.

"Daanan ka na lang namin ni Kuya Steven dyan sa bahay ninyo!" she answered. My mood instantly changed when I read his brother's name, Steven.

Steven is one year older than us. Since kababata ko si Mandy, ibig sabihin kababata ko din si Steven. He tried to court me several times. But unfortunately, walang spark! I rejected him so many times but he is so persistent. Sabi niya, sa kanya din daw ang bagsak ko. Well, I don't think so.

Bumangon ako sa pagkakahiga at agad na naligo. Kilala ko si Mandy. Kahit alas nuebe pa ang usapan namin ay siguradong naandito na iyon 30 minutes before.

Kagaya nang napag-usapan ay nagpunta kami sa mall ni Mandy. At siyempre may kasama kaming asungot. We bought some things for school. We played some arcade games. We even do the dance revo. Hanggang ngayon pala, uso pa ito. Bata pa kami ni Mandy nung unang nauso ito sa play station.

And when we're finally worn out from all the stalling and window shopping, we decided to take our lunch.

"You should sleep early tonight bes! 7am first class mo, right?" Mandy told me.

"Yeah right! You are such a sleepy head!" pang-aasar ni Steven.

"Whatever, Steven! Nakikisali ka sa usapan naming magbestfriend! Mind your own business!" tinaasan ko siya ng kilay. That guy is really annoying.

"Buti pa ako, 9am pa first class ko." sabi ni Mandy bago niya isinubo ang huling kutsara niya ng ice cream.

"Ikaw talaga. Nang-inggit ka pa!" pinitik ko ang noo niya.

"Ouch naman! Alam kong malaki ang noo ko, kailangan pa bang dun mo talaga ko pitikin?" pagrereklamo ni Mandy. "Kung sinamahan mo sana ako mag Civil Engineering, edi sana hindi mo kailangang gumising nang maaga." she continued.

"Math is not my thing bes. Of all people, ikaw dapat ang may alam niyan." I can still remember way back high school. I got a zero, as in zero sa isang quiz namin sa Math. Naging kasing pula ng kamatis ang mukha ko noong inannounce ni Ma'am ang grades namin. And that was the most unforgettable moment in my life. At iyon na din ang last time na naka-zero ako. I strived harder. I asked Mandy's help. Kung ano kasing kinahina ko sa Math ay siya namang ikinagaling ni Mandy. Actually silang dalawa ni Steven. Pareho silang number genius. They are both taking engineering. Si Mandy ay Civil Engineering at si Steven naman ay Mechanical Engineering.

Hanggang ngayon ay natatawa pa din ako kapag naiisip ko iyon. Biruin mo, kahit isa wala akong naitama. Kahit 1point for effort lang, hindi ako binigyan ng teacher namin. Ganoon kalayo ang sagot ko. Parang kahapon lang ay high school lang kami, bukas college na kami ni Mandy.

Mandy and I have been together for so long. We are together since we were four. Since then, we already knew. We already knew that we are destined to be together.

"You are my favorite person, Star. Always remember that."

Mandy's favorite line. And she never failed to make me feel that way everytime we are together.


Star's POV

First day of classes as a college student. 7am class is a not-so-good fate I have to endure for the rest of this semester. I am not the morning type of person and so I hate waking up early.

Pag minalas ka nga naman, 7 am na ang class, terror pa ang prof. I'm bored to death sitting and listening to our "not-so-young" teacher. Pinipigilan ko ang mga mata ko sa pagpikit, pero kusa talaga itong hinahatak pababa. I did everything to keep my enthusiast. For Pete's sake, this is a Speech Communication class! Why do I have to suffer boredom on this kind of subject? This should be lively and interactive.

Mukhang isang semester akong aantukin. Haaay! Maybe I should write an essay. Ways on how to kill boredom.

Number 1. Doodle. Study shows that doodling can help you pay attention. It can also improve intelligence since it requires the use of the brain. Your brain will be exercised because of this.

Way number 1, isang malaking ekis. Nakailang page na ako ng doodles, pero inaantok pa din ako. Waepek!

Number 2. Texting. Texting can exercise your fingers and helps you improve your motor skills. A great way to kill time and escape boredom.

Way number 2, dalawang malaking ekis! Ang sinumang mahuli ni Ma'am Asuncion na gumagamit ng cellphone during class ay automatic singko!

Number 3. Maghanap ng cute sa klase. Operation oppa hunting. If you cannot help but be bored on a class, much better kung meron kang makikitang source of inspiration mo. Iyon bang tipong tignan mo pa lang siya, gaganahan ka na sa pakikinig. Yung tipong mata pa lang niya, ulam na. Yung tipong titigan ka pa lang nya e matutunaw ka na. Yung parang...

Yung parang si kuya sa fourth row! Omo! Tama ba tong nakikita ko? There's a hot guy in our class. Wahhh ang cute ni kuya. At ang biceps, pinagpapawisan ako sa laki. Relax Star. Lumalabas na naman ang pagiging manyak mo. I felt my heart. Why is it beating so fast? Never in my life na na-attract ako nang ganito sa isang lalaki. This is my first time. This is the first time my heart beats this fast because of a guy. This feeling... ang sarap sa pakiramdam.

Mandy's POV

Done with the first two classes of the day! Two down more to go. Kamusta kaya si Star? Since elementary, first time naming hindi maging magkaklase ni Star. This is college. We decided to take different paths. Magkasundo man kami sa madaming bagay, we still have our differences. She likes milk; I don't. May lactose intolerance kasi ako. She knows how to play different musical instruments, specially the piano; I sucked at music. Ewan ko ba pero hindi talaga kami itinadhana ng music para sa isa't isa. I want to learn. Music is so interesting. Star tried to teach me couples of times already, iyon talagang matigas ang mga daliri ko para sa piano. I decided to just give it up, for now. Siguro sa tamang panahon, matututunan ko din iyon.

I love numbers, she is fond of words. I love pink, she likes blue. For me, kdrama is life. But for Star, watching basketball games is more interesting. Nakikipagpustahan pa nga siya sa mga classmates kong lalaki tuwing NBA at PBA Finals. Full support siya sa favorite niyang Golden State Warriors at she never says die tuwing may laban ang Ginebra. We are actually the complete opposite of each other. Siguro nga totoo ang sabi nila. Opposites do attract. Para kaming north at south poles ng magnet. Kapag pinaglapit mo, magdidikit at magdidikit sila. Like poles repel and opposite poles attract, right?

Sa dami nang pinagkaiba naming dalawa, nagkakasundo naman kami sa isang bagay, volleyball! We actually first met at a volleyball tournament. Kaya very memorable talaga sa amin ang volleyball. Our dream is to be national volleyball players in the country. Tiwala lang. Alam kong mararating din namin ni Star ang mga pangarap namin. Magkasama naming aabutin ang mga iyon.

Hinihintay ko si Star ngayon dito sa canteen. May usapan kami na sabay kaming maglulunch since sabay naman ang break time namin. I was about to put my headset on when I had a glimpse of a guy. His precious smile and chinito brown eyes that can captivate every woman's heart. His fair skin glows even in a distance. Was his chest always that broad? Kitang kita ang malalaki niyang muscles dahil hinubad niya ang kaniyang polo at ngayon ay naka-tshirt na lang. That bad boy look. It was him. The guy on my English class.

"Huyyyy! Tulo na laway mo o!" I was startled when someone talked on my back. Star sat down on the chair in front of me. "Tulala ka dyan! First day na first day, wag mong sabihing iniisip mo na agad ang acads? Chill lang bes! We need to enjoy our college life." she continued.

"Nakikita mo ba yung lalaking iyon?" I pointed on him.

"Sino dyan? E puro lalaki ang mga iyan." she asked.

"That guy in the middle."

"Ahh iyong nakatalikod?" she asked.

"Oo. Classmate ko iyan sa English 1. Ang cute cute niya bes. He is so hot! He is definitely my type." kinikilig kilig kong sabi sa bestfriend ko. "Naku sayang at paalis na. Nakatalikod na, hindi mo na tuloy nakita. Sigurado maglalaway ka kapag nakita mo siya."

"Sus! Mas gwapo dyan iyong crush ko." Nagulat ako sa sinabi ni Star. Sa tagal na naming magkakilala, never siyang nagkaroon ng crush maliban kay Steph Curry at Scottie Thompson.

"Tama ba ang pagkakarinig ko? May crush ka bes?" I asked her with excitement.

"Oo bes. Ang hot! Tingin pa lang, nakakatunaw na. At ang biceps bes, ang laki! Pwede nang ulam." kinikilig kilig na kwento ni Star.

"Talaga? Wow. That's interesting! Ngayon ka lang nagkacrush no."

"Grabe Mandy! Kahit maayos pa naman garter ng panty ko, feeling ko malalaglag kapag tititigan niya ako. Ang haba ng pilikmata bes! Kaso mukhang suplado si kuya." Star added.

"Talaga? Yung crush ko din e, mukhang suplado. Todo pa-cute ‘yong mga classmates namin kaso deadma sa kanya."

"Anong pangalan nya bes? Baka kilala ko or maging classmate ko sa isa sa mga subjects ko." Star asked me.

I answered her, "Chase. His name is Chase. How about yung hottie na crush mo, anong name?"

"His friends call him CJ. I think he is an upperclass. Sa tingin ko din kilala siya dito sa university. Girls are head over heels for him. Super pa-cute at hinihingi number niya kaso nga kagaya ng crush mo, suplado din."

"Pati sa boys pareho tayo. Mukhang nakatadhana tayo sa mga suplado!" I smiled at her.

"Hi loves!!! Hi baby." tumabi si Kuya Steven kay Star. Naku siguradong badtrip na naman itong bestfriend ko. Allergic kasi siya kay kuya. Gwapo naman si kuya, matalino, at mabait. May kayabangan ding taglay pero tolerable naman. Pero kahit anong gawin niya, di talaga siya type ni Star. Kaso si kuya pursugido. Kahit ilang beses nang basted, tuloy pa din. Hindi ko din naman sigurado kung seryoso nga siya kay Star o nachachallenge lang din siya sa bestfriend ko. Unpredictable din kasi si kuya. Saka madami na din iyong napaluhang babae. Mahilig din kasing magpaasa.

"Loves ka dyan! Pwede ba kuya Steven, lumipat ka ng upuan doon sa tabi ni Mandy." Star told him.

"Ayoko nga. Gusto ko katabi kita e loves. Saka ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na drop the kuya! Isang taon lang tanda ko sa'yo no!" Kuya Steven answered

"Mas matanda ka pa din. O siya siya, dito ka na muna. Ikaw na magbantay sa pwesto natin. Kami na lang ni Mandy ang bibili ng pagkain natin." Tumayo si Star sa pagkakaupo.

"Ay ang sweet naman ni loves o! Ibibili pa talaga ako ng pagkain. Thank you loves!" pang-aasar ni Kuya Steven kay Star. Alam kasi niyang mabilis mapikon si Star. "Ingat ka ha loves. Tandaan mo, mamahalin pa kita."

"Eeeeeww!" Star said in disgust.

"I love you too loves!" sigaw ni kuya na naging sanhi para pagtinginan kami ng mga tao sa canteen. Si kuya Steven talaga kahit kailan, agaw pansin. Hindi na lang namin siya pinansin at itinuloy na lang ang pagbili namin ng pagkain. Kahit ganyan naman si kuya ay mahal na mahal ko pa din siya. He always do his best to protect me, as her younger sister.

Star's POV

I was on my way to my next class. Maaga pa naman kaya chill lang ako sa paglalakad. I don't know why pero I just found myself smiling when CJ suddenly came across my mind. I really got a crush on him.

The thought of him make me feel like I am walking in a winter wonderland, until a car suddenly appeared on my back. And before I knew it, my uniform was already stained by mud. Beast mode activated.

"Miss, kung gusto mong magpakamatay, huwag mo akong idamay. Pahara-hara ka sa daan. Kasalanan mo kung bakit natalsikan ka ng putik. Huwag kasing tatanga-tanga next time."

"Tatanga-tanga"
"Wag kasing tatanga-tanga"

Paulit-ulit na sumagi sa isip ko ang mga sinabi niya bago nagsink-in sa akin ang lahat. Did he just call me tanga? He messed with the wrong person.

"Sinong tatanga-tanga? Hindi mo ba nakikita, nasa sidewalk ako. O hindi mo alam kung ano ang sidewalk? For your information, ang sidewalk ay kung saan dumadaan ang mga ordinaryong taong kagaya ko na walang kotse. Meaning legal ang pagpalakad ko dito. Ikaw itong bigla na lang sumusulpot tapos nangangain ka ng daan. Sidewalk na po ito o. Bulag ka ba? Ang laki laki ng kalsada, dito ka dadaan?" Walang preno kong sinabi sakanya. Wait, napalakas ata ang boses ko. Ngayon ay pinapalibutan na kami ng mga estudyante.

"Hindi mo ba ako kilala ha? Baka gusto mong ma-kick out dito sa school na to? Anak ako ni Dean Saragoza."

"Kahit anak ka pa ni Duterte. Nakikita mo ba kung san tayo nakatayo ngayon? Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng mga linyang iyan?" Itinuro ko ang kinatatayuan namin. "Pedestrian lane yan. Nasa sidewalk na ko, may pedestrian lane pa. This lane is designed for pedestrians! Meaning kapag nakakita ka ng ganyan, you have to slow down."

Tila ba nabahala siya dahil parami nang parami ang taong nakapalibot sa amin.

"Ano Mr. Saragoza? Tama ba ako o hindi?" I crossed my arms and raise my right eyebrow.

"Fine. Aalis na lang ako. This is too much for a commotion." He was about to return to his car pero hindi pwede sa'kin na ganoon na lang iyon.

"Hep hep hep. Where do you think are you going? We are not done yet. Not until you say sorry."

"What???" He was hesitant to do it but seeing that the crowd is doubling up, wala siyang ibang nagawa. "Fine. Sorry." Don't try to mess with me. Dahil kapag alam kong tama ako, never kang mananalo sa akin. Sabi nga ni Mandy, dapat ay pag-aabogado ang kinuha ko. Bumalik siya sa kotse niyang kamot-kamot ang ulo. And right after he returned to his car, the crowd whistled and applauded. Narinig ko mula sa isang estudyante na sa wakas ay nahanap na ni Mr. Saragoza ang katapat niya.

Napangiti na lang ako at umiling iling. Dapat lang sa kanya iyon. Umaapaw na kasi ang kayabangan sa katawan kaya kailangan nang bawasan. I was about to leave when I saw a man, grinning on the side. It was him. Maybe he saw and witnessed everything that I have done a while ago. At ngayon ay nakatitig siya sa`kin. Biglang uminit ang mga pisngi ko. Feeling ko ay sobrang pula ko na dahil sa hiya. I turned my back from him and walked away as fast as I could. Mukhang mapapaltan na ang most embarassing moment in my life.

Mandy's POV

Naandito kami ni Kuya Steven sa gate ng school. We are waiting for Star. Sabay-sabay kasi kaming uuwi. Then something came across my mind. Sophomore din kasi si Kuya so malaki ang chance na kilala nya si Mr. Hottie.

"Oo nga pala kuya, may kilala ka bang Chase?" I asked him.

"Chase Bautista? Ka-batch ko ba yang sinasabi mo, baby?" he asked me back.

"Yeah, pareho kayong sophomore."

"Iisa lang naman ang kilala kong Chase na ka-batch ko. So siguro siya nga iyon. He used to be my teammate when we were freshmen. Kaso biglang nagdrop sa mga classes niya kaya naging inactive na din sa varsity." Kuya Steven explained.

"So, basketball player pala siya." I nodded in amusement.

"Oo. Teka bakit mo naman naitanong si Chase? Don't tell me, crush mo siya baby? Nako ha Mandy. You're too young for that. Remember studies first. Saka huwag si Chase. He does not deserve your admiration." Si Kuya Steven talaga medyo O.A. Nagtatanong lang ako, ang dami na agad nasabi.

"Ikaw talaga kuya, wala lang naman. Though I found him cute." I giggle.

"Huwag mong sabihing kinikilig ka kay Chase? Sa dinami dami ng lalaki, bakit si Chase pa? Notorious playboy iyon. Half ng girl population dito either naging girlfriend na niya o ka-fling. Itigil mo na iyang crush crush na iyan ha. Bata ka pa para dyan." he warned me.

"E diba magkasingtanda lang naman kami ni Star? Bakit si Star nililigawan mo na e bata pa pala kami." I sarcastically asked him with a grin on my face.

"Iba iyon. Hindi naman ako playboy kagaya ni Chase. Saka hindi ko naman sasaktan ang bestfriend mo. Bigyan lang niya ako ng chance, gagawin ko siyang reyna."

"Iba talaga tama mo kay Star! Kaso ilang beses ka nang basted! Baka hindi talaga kayo ang para sa isa't isa." pang-aasar ko sa kanya.

"Sa akin din ang bagsak ng bestfriend mo! We'll see." pagmamayabang nito kasabay ng paghawi sa buhok niya. May kayabangan talagang taglay.

So he is an athlete. And he has a bad boy image. Interesting.

Star's POV

Ayaw akong dalawin ng antok. Hay. Nakakainis talaga. Hanggang ngayon naiisip ko pa din yung nangyari kanina. Hay Star! Badshot ka na agad. Baka isipin niya warfreak ka! Hindi ka na naman nag-isip. Dapat tumingin ka muna sa paligid bago ka nagsalita nang ganoon. Ang tapang tapang mo kasi. Ayan tuloy baka na-turn off na si crush sa`yo!

"Haaaaaay" I sighed. Wala na naman akong magagawa. Tapos na e. Nangyari na. Nakita na niya. Waaaaaah! Nakakainis talaga. Kasalanan ito ni Mr. Saragoza.

I was about to turn my light off para makatulong na antukin ako when my phone suddenly beeps.

"Hi Star."
"Ayy walang reply! Ang sungit!"
"Star! Yoooooohhooooooo"

Sunud-sunod ang text messages mula sa isang unknown number. Kainis. Isa pa itong makulit. I was about to turn off my phone dahil wala akong balak i-entertain kung sinuman siya nang bigla na naman itong mag-beep.

"Di na nga kita kukulitin. Baka magaya ako kay Marco, napahiya sa buong campus. ????"

"Sinong Marco?" I replied.

"Iyon o! Sa wakas! Nagreply din siya!"

"Sino ngang Marco?" I replied again.

"Si Marco Saragoza. Yung mayabang na anak ng dean ng College of Engineering. Yung inaway mo kanina sa harap ng maraming tao. Alam mo bang first time na may nakagawa sa kanya noon? Bravo, Star!" Isa siya sa mga nakasaksi sa ginawa ko kanina. Naalala ko na naman tuloy ang reaksyon ni CJ kanina. He was smiling. Pinagtatawanan niya ako. Waaaaah!

"Tignan mo to, hindi na naman nagreply!" nagtext na naman siya. I again ignored the message.

"Hey! Star!" Medyo may pagkamakulit si unknown texter.

"Sorry but I don't talk to strangers." I replied.

"Hindi naman ako stranger e. Classmates kaya tayo sa Speech Communication."

"Sino doon?" I asked.

"Hulaan mo." Aba at talagang nakipaghulaan pa itong isang ito.

"Wala akong oras para makipaghulaan sa'yo. Kung hindi lang din naman ikaw si CJ, huwag mo na akong itext." Hay sana naman tumigil na siya sa pagtetext. Dinadagdagan pa niya ang bad vibes ngayong araw na ito.

"Bakit crush mo si CJ no?"
"Sabagay, gwapo yun. ????"
"Balita ko nga maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya e."

Sunud-sunod na naman ang text niya. Ayaw pa din niyang tumigil. Kaya I replied, "Ang kulit mo din e no!"

"Sabi mo kung hindi lang din ako si CJ, huwag na kitang itext. I am just following your instruction."

"Huh?" I was confused with the reply I have received.

And the last two text messages from the mystery texter made my heart skipped its beat for the first time.

"It's me."
"CJ"


  • (15 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE