Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Ang Talaarawan ni Vince

Image Description Makoy_Avelino   |   27 February 2020


Tungkol kay Vince at sa kaniyang talaarawan na pinangalanan niyang Aubrey

ENTRY 1
Pagpapakilala


8 February 2020


Dear Diary,


Una sa lahat, nais ko munang magpakilala sa ‘yo. Ako si Christopher Vincent Torres. Vince ang tawag sa akin ng karamihan. Puwede mo rin akong tawaging Cent, Chris, Tope. Seventeen years old. Nasa Grade 11 ng senior high school. Kumukuha ng Academic track, Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand.
Apat kaming magkakapatid at pangatlo ako. Tig-iisang taon ang agwat namin sa isa’t isa. Ang panganay na si Kuya Xander ay first year college, kumukuha ng kursong Electrical Engineering. Ang pangalawang si Kuya Adrian ay graduating na sa high school. Pareho kaming Academic track. Accountancy and Business Management naman ang strand niya. Ang bunsong si Erin ay nasa Grade 10. Lahat kami ay nag-aaral sa Andres Bonifacio Polytechnic University.
Mag-isa kaming tinataguyod ni Mama. Wala na kasi si Papa. Sumakabilang-bahay. Iniwan kami. Pinabayaan. Pero ayos lang. malapit lang naman ang university sa bahay namin. Puwedeng lakarin. Marami nang scholarship. Problema na lang ang mga gagastusin sa requirements, projects, mga pang-araw-araw na kailangan. Kayang-kaya namin ‘to.
Sumulat ako sa ‘yo dahil gusto kong magkaroon ng isang kaibigang maaasahan. May mga kaibigan din naman akong maaasahan pero iba kapag tulad mo. Sabi nga ni Anne Frank, “Paper has more patience than people.” Kaya sigurado akong mahabang-mahaba at hindi nauubos ang pasensiya mo. Sa totoo lang, si Anne Frank ang nagbigay ng inspirasyon sa akin na sumulat sa ‘yo. May kaibigan din kasi siyang tulad mo. Kitty ang tawag niya. Ikaw kaya, ano ang magandang ipangalan sa ‘yo?
Okay lang ba sa ‘yo kung tawagin kitang Aubrey? Kung nagsasalita ka lang, sa tingin ko, papayag ka naman. Kaya mula ngayon, Aubrey na ang itatawag ko sa ‘yo. Sa susunod kong entry, sa “Dear Aubrey” na ako magsisimula.
Excited na akong magkuwento sa ‘yo, Aubrey! Excited ka rin bangmagbasa?

Truly yours,
Vince


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019