Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Jacob

Image Description jlaurel   |   05 July 2018


Isang babaeng naghahanap ng pag-ibig... Isang lalaking salat sa pagmamahal... sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, mapunan na kaya ang mga kulang sa pagkatao nila?

"You're fired,"

Nanginging ang kamay kong basa sa text ng boss ko sa akin.

Napanganga ako habang nakatayo rito sa gitna ng kalsada malapit sa bridge dala dala lahat ng portfolio na tinapos ko pa kaninang madaling araw. Halos wala na akong pahinga matapos lang ito pero nalate lang ng let us say 10 minutes ay bigla-bigla makakatanggap ako ng text na tanggal na ako sa trabaho?!

"What?!" late reaction na nga siguro pero what the heck! This can't be happening! Hindi ako pwedeng maalis sa trabaho ngayon pang magbabayad ako ng kuryente dahil dalawang buwan ng may disconnection ang kuryente ko.

"No...hindi pwede..."

Sa nanginginig na kamay ay dinial ko ang numero ni sir Uytingco. Hindi niya ako pwedeng tanggalin!

Sa tagal ko ng serbisyo sa kanila. Nagring ng tatlong beses ang kabilang linya.

"Ay!" sa kamalasan nga naman dumulas sa braso ko ang nakarolyong portfolio sa daan.

Naiinis na ako sa sitwasyon ko. Gusto kong umiyak sa inis. Lord, bakit ang malas ko ngayon? Sabihin Mo nga kung anong nagawa ko kasi sa tingin ko hindi ko deserve itong kamalasan ko sa buhay.

"Hello.."

"Hello sir!"

Dinampot ko ang mga nagkalat na portfolio habang umiiwas sa mga dumadaang sasakyan.

"Sir bakit naman ganon? bakit tanggal agad ako sa trabaho?Unfair naman yun sir!"

"Oh ikaw pala Miss Sanvictores."

Nagtagis ang bagang ko sa inis. Sa tono ng pananalita nito ay parang wala lang bwisit.

Umirap ako at kinipkip sa kilikili ang mga portfolio.

"Sir papunta na ko sa opisina. Baka naman po pwedeng pag-usapan natin to pagdating ko? Kailangang kailangan ko talaga ng trabaho sir!"

Naglakad ako paakayat sa bridge para maghanap ng masasakyan.

"Wag ka ng mag-abalang pumunta Tanya. Ilang beses ka ng late at nagviolate ng rules. Nung una pinagbigyan kita dahil ang dahilan mo ay yung lola mong namatay sa probinsya nyo pero these past few weeks aba! umaabuso ka na. Lagi kang late at yung mga pinapagawa ko sa'yong nung isang linggo ko pa binigay e, the day before the deadline mo pa ata ginagawa and worst hindi mo man lang inaayos ang trabaho mo! So I decided to fire you. This company doesn't need an employer like you. You'll received your last compensation on your acccount, bye."

"Sir--" tanging operator na lang ang narinig ko sa kabilang linya.

Sa inis ko ay kamuntik ko nang maihagis ang phone ko sa ilog.

Bwisit! Urrgghh!

This is unfair! Pagkatapos kong magpakapuyat?! How dare them! Alam ko naman na palagi akong late pero may dahilan ako.

"TAXI!" pumara ako ng taxi at tinulak 'yung babaeng sasakay rin. Narinig ko s'yang minura ako. Pero putang-ina, wala ako sa mood para makipagtarayan pa sa kan'ya. Baka nga mapatay ko pa 'yun e.

"Ma, sa Peñafranco Empire. Pakibilisan lang."

Dahil marami akong load ngayon at uso ang 'gm' pinadaanan ko ang mga kaibigan ko. Isa lang ang nagreply.

Mela:

Anyare?

Si Mela pala! Imbes na itext ay tinawagan ko s'ya na agad naman niyang sinagot.

"Oh? Bakit? Mukhang may nangyaring di maganda ah?" bungad n'ya agad pagkasagot ng tawag.

"Sinabi mo pa! siya wag ka na munang magtanong mamaya ko na ikukuwento sa'yo ang lahat basta sunduin mo ako sa Peñafranco Empire. Now na!"

"Huh? Bak--" in-off ko na ang cellphone ko at agad agad nagbayad kay manong driver saka bumaba ng sasakyan pagkarating ko sa building.

I gather all my strength and courage. Nagtatagis ang mga bagang kong tinitigan ng masama ang glass double doors ng gusali. Sa mabalasik na awra ay nagmartsa ako palapit saka tumigil sa harap ng mismong gusali.

Tiningala ko ang nakakalulang gusali. Mayroon itong dalawampung palapag.

"BILI NA KAYO NG MANING BINUSA! BILI NA!"

Napatingin ako kay kuyang may hawak na megaphone. Lumapit ako sa kan'ya at hiniram ito.

Huminga ako ng malalim. "Todo na ba 'to kuya?"

"Oo, malakas 'yan."

"Rinig ba boses ko nito hanggang dun sa tuktok ng gusaling ito?" tinuro ko 'yung huling palapag ng gusali.

Napakamot sa ulo si manong.

"Abe, hindi ineng. Ano ba akala mo sa megaphone ko?"

Ay sorry naman. Kaya nga megaphone diba?

Ngumiwi ako. "Di bale na nga, sandali lang ako manong. Pagkatapos ko papakyawin ko 'yang lahat ng mani mo."

Ngumiti si manong sa akin. Tumango ako at huminga ng malalim. This is it! Ang tagal ko nang nagtiis na magtrabaho rito tapos tatanggalin lang nila ako porket sampung minuto lang ako nalate! Mga walang utang na loob!

"HOY! MGA WALA KANG KWENTANG MGA NAKAUPO LANG AT PASARAP SA BUHAY! WALA KAYONG UTANG NA LOOB! KALA N'YO NAMAN NATUTUWA AKO SA TRABAHO KO? NO WAY! Wala kayong utang na loob! Kundi dahil sa akin di aasenso 'yang lintek n'yong kompanya! MGA WALANGHIYAAAA!!"

Pinagtitinginan na ako ng mga tao habang nag-eeskandalo. Whatever! Di naman nila ako kilala at kahit na kailan di na nila ako makikita dahil nagtatago na ako nun! Wahahaha!

Nagsilabasan naman 'yung mga empleyado ng ibang departamento ng gusali at nagbubulungan sa loob.

"Miss! 'Wag ka ditong mag-eskandalo!" awat nung gwardiyang lumapit sa akin.

"WAG MO KONG LAPITAN!" sigaw ko napaatras siya. Kamuntik pa akong matawa nang makita ang nagulat niyang mukha. Sigawan ko ba naman gamit ang mikropono e.

"What is happening here?"

Napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng malaki, at maawtoridad na boses. Isang lalaki ang nakatayo sa labas ng pinto at kunot na kunot ang noo habang nakapameywang. Sa gilid niya ay ang boss ng department namin na panay ang hingi ng paumanhin sa kan'ya. Aba!

Kahit na guwapo s'ya at halos lahat ng mga kaopisina kong babae ay siya ang pinapantasya'y wala akong pakielam!

Hindi ako maaapektuhan kahit na katiting sa nakatitig n'yang mga matang mabalasik sa akin.

Katanghaliang tapat.

At kahit na, init na init na ako't nasusunog ang balat ay wala akong pake! Bago man lang ako maglaho ay kailangan kong ipamukha sa kan'ya ang mga sama ng loob ko!

Taas noo akong humarap sa kan'ya. "Miss, umalis ka na. Masamang magalit si Sir-"

Bulong ng gwardiya sa tabi ko at mukhang pati siya'y kinakabahan para sa akin.

Huh! Nunca akong magpa-apekto. Kesyo galit pa s'ya o hindi! "Bitawan mo nga ako!" ani ko sa guwardiya saka dinuro 'yung Jacob na 'yan. Yang gwapong lalaki na yan na di marunong tumingin sa mga empleyado niya. Grr!

"IKAW! GUSTO KO LANG SABIHIN SAYO NA ANG PANGET MO! 'YANG KUNOT MONG NOO ANG MAS LALONG NAGPAPAPANGET SAYO! PANGET!"

The fuck! Ano ba itong mga pinagsasasabi ko? Lalong nangunot ang kan'yang noo at naningkit ang mga mata. Sa tingin palang niyang iyon ay gusto ko nang umatras, pero hindi! Huh!

"H-Hindi mo na 'ko kailangang paalisin sa nabubulok mong kompanya! Dahil kusa akong aalis! You don't need me? Ha! I don't need you too!"sigaw ko pa saka akmang tatalikod nang may maalala.

Humarap ulit ako at kumuha ng limang daan saka inabot kay manong. "Salamat kuya."

Bumaling ako ulit sa kanila at umingos. Dumako ang tingin ko sa boss kong bading. Ikaw ang may kasalanan nito! Sa inis ko'y kinuha ko 'yung sapatos ko at inihagis sa kan'ya. Nanlaki ang mga mata namin ng tamaan si Jacob.

"Sir!" singhap nila.

"Patay! Sibat na!" takbo! Umexit na ako at lakad takbong umalis.

"TIGIL!"

Shit! Biglang may humintong kotse sa harapan ko at bumukas ang pintuan.

"Sakay na dali!" si Mela!

My savior!

Dali-dali akong pumasok at nagmamadaling umalis roon. "GO!"


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE