Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

Naalimpungatan si Sarah nang hindi makapa sa tabi niya si Bernice. Iminulat niya ang mga mata bago tumingin sa relong suot. Alas- tres pa lang ng madaling araw. Saglit niyang inilibot sa buong kwarto ang paningin at nang hindi makita si Bernice ay nagdesisyon nang tumayo. Inabot niya ang balabal bago ipinatong sa may likod niya. Iniisip niyang baka maaga itong gumising upang magbabad sa tubig pero ang labis na pinagtataka niya ay hindi man lang siya nito ginising upang magpaalam. Hindi kasi nito ugaling lumabas ng hindi nagpapaalam sa kanya at isa pa, lamigin si Bernice kaya alam niyang hindi ito maliligo ng ganoon kaaga sa dagat.

May kung anong kaba na rin ang nagsisimulang mamuo sa dibdib niya nang makarating siya sa may tabi ng dagat at walang makitang mga bakas man lang ng paa ni Bernice sa buhanginan. "Bernice? Bernice nasaan ka?" malakas na tawag niya. Hindi na niya kasi nagugustuhan ang kabang nararamdaman ngayon. Pwede naman niyang katukin ang kwarto ng mga kaibigan upang itanong kung nakita ng mga ito ang nakababata niyang kapatid pero mas gusto niyang siya mismo ang maghanap kay Bernice. "Bernice, nasaan ka? Bernice!"

"Sarah..."

Medyo nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang mga boses ng barkada mula sa may likuran niya. Baka kasama ni Bernice ang mga ito. "Guys, nakita ninyo ba si – Oh my God!" halos mapaupo siya sa buhanginan nang makita ang mga barkada na duguan. Ang ilan sa mga ito ay pugot ang ulo, walang kamay, pisak ang mata o hindi kaya ay winasak ng mga bubog ng salamin ang mukha. Isa lang ang pagkakatulad ng mga ito sa isa't-isa, lahat ng mga ito niya ay naliligo sa sariling mga dugo. Nanginig na ang buog katawan niya at tuluyan nang nanlambot ang mag tuhod kaya hindi na niya nagawa pang makatayo man lang.

"Ate..."

Lalo siyang nahindik at tuluyan nang naiyak nang malingunan si Bernice. Duguan rin ang mukha at katawan nito at may kawad na mahigpit na nakapulupot sa leeg nito kung saan halos lumabas na ang laman ng lalamunan. "B-Bernice..."

"Ate... Ate, tulungan mo ako..."


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE