Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

"Bernice..." halos pabulong na sabi ni Sarah.

Dahan-dahan namang lumingon ang babaeng tinawag sa pangalan na Bernice. 

Lalong naiyak si Sarah nang tuluyan nang makilala ang babaeng kaharap. "Bernice!" kaagad niya itong niyakap ng mahigpit. Hindi siya makapaniwalang kaharap at kasama na niya ngayon si Bernice. Buhay ang kapatid niya. Buhay ito at magkasama silang makakabalik sa kanilang mundo. 

"Ate!" kagad ring sumagot ng yakap si Bernice. Maging ito man ay hindi makapaniwala sa nakitang kapatid. Buong akala ni Bernice ay hindi na niya makikita alinman sa mga kasama. Mula ng gabi na magkamalay siya at malamang nag-iisa lamang siyang nakita ng mga taga-sidlan sa gitna ng gubat ay inakala niyang patay na ang mga kasama. Inakala ni Bernice na patay na ang nag-iisang kapatid na si Sarah. "A-ate, a-akala ko... A-akala ko hindi na tayo ulit magkikita. Natakot ako ate. Natakot ako na hindi na ulit tayo magkasama!"

Bahagyang inilayo ni Sarah ang katawan kay Bernice at hinawakan ang magkabilang pisngi ng kapatid na basa ng luha. "Bernice, nandito na ako. Tandaan mo ito, kahit kailan. Kahit kailan ay hinding-hindi na ulit tayong muling maghihiwalay. Walang sinoman o anuman ang makakapaghiwalay sa atin. Wala Bernice. Wala na..." muli niyang niyakap ang kapatid nang mas mahigpit. Wala na siyang mahihiling pang iba. Kahit hindi na siya makalabas pa ng lugar na ito. Pakiramdam niya, basta's kasama niya si Bernice ay okay na sakanya na hindi na makalabas pa ng Sitio Tatlong Buwan.

"Paumanhin sa aking pangangambala ngunit maaari ba naming makausap ang lahat ng mga dayo..."

Nabaling ang tingin ng magkapatid pati na rin nin Vic at Samuel sa nagsalitang matandang lalaking may itim na bandana sa ulo. Ito ang kausap ni Paolo kanina. Si Kakang Mido.

"Batid kong nais ninyong makarating sa tuktok ng bundok ng kalubay," anang matanda.

Umayos naman ng upo sina Bernice at Sarah bago pinunasan ang mga pisnging basa ng luha gamit ang panyong dala ni Samuel

"Gusto na naming makaalis sa lugar na ito. Gusto na po sana naming makabalik sa aming mundo," sagot ni Vic.

"Sa oras na marating ninyo ang tuktok ng bundok ay hindi nangangahulugan na kayo ay makakalabas na ng sitio na ito." Naglakad ang matanda at isa-isang hnawakan sa pisngi ang mga kausap bago saglit na tinitigan ang mga mata at bumalik sa kinatatayuan. Bumaling ang tingin nito kaySamuel. "Ang katawang lupa mo sa inyong mundo ay ligtas na sa panganib. Ngunit kayong tatlo," anang matandang bumaling ang tingin kayna Vic, Sarah at Bernice. "Nanganganib pa rin ang inyong katawan sa inyong mundo pati na ang inyong mga buhay sa sitio na ito. At sa oras na mamatay ang inyong mga katawang lupa sa inyong mundo, habambuhay na kayong mananatili sa lugar na ito."

Hinawakan ni Sarah ang kamay ni Bernice. "Paano po namin malalaman kung maaari pa kaming makalabas sa lugar na ito? Kapag nakarating na po kami sa tuktok ng bundok, may matatagpuan po ba kaming daan doon pabalik sa aming mundo?"

Umiling ang matanda. "Isa lang ang paraan. Kapag narating ninyo na ang tuktok ng bundok at nakita ang liwanag puting buwan na naandoon... Ibig sabihin ay makakalabas na kayo mula sa mundong ito. At ang liwanag ng putting buwan ang maghahatid sa inyo pabalik sa inyong mundo."

Muling naguluhan ang apat sa narinig. Ganoon rin kasi ang sinabi ni Manang Abeng. Kung ang puting buwan ay nasa tuktok ng bundok, maaaari silang makabalik sa mundo nila kapag nakaakyat na sila doon at matagpuan ang liwanag nito. Pero paano kung hindi nila makita ang liwanag?

"May mga bagay sa mundong ito na kailangan ninyong tanggapin." Muling lumibot ang mga tingin ng matandang si Kakang Mido. " Kagaya ng bagay na maaaring ang isa sa inyo ay hindi na makabalik sa mundo ninyo. O maaaring lahat kayo ay hindi makabalik pa at habambuhay nang manatili dito."

***

Inilibot ni Samuel ang mga tingin sa paligid bago humigop ng pinakuluang dahon ng guyabano. Napagkasunduan nilang saglit na magpahinga bago tuluyang akyatin ang tuktok ng bundok. Kailangan nila ng pahinga, lalo na ni Sarah na halos hindi na nakatulog sa buong paglalakbay nila. Samantalang naglakad-lakad naman siya hindi kalayuan sa kubong pinagpapahingahan nina Sarah. Gusto niya kasing pagmasdan ang paligid.

Napakasimple lang ng mga tao at kabahayan sa lugar na ito. Ang mga bahay ay gawa sa mga kahoy at tuyong dahon ng puno ng buko. Halatang walang ibang ikinabubuhay ang mga tao sa lugar na iyon kung hindi ang mga pnanim ng mga ito. Naalala niya tuloy ang sinabi ng matandang si Kakang Mido kanina. Buhay pa ang katawang lupa niya kaya malaki ang posibiladad na makabalik siya sa kanilang mundo pero hidni sina Sarah. 

Muli niyang humigop ng pinakuluang dahon ng guyabano sa kabila ng mapait na lasa noon ay iba naman ang enerhiyang kahit paani ay ibinibigay sa katawan niya. Kung sakaling mang marating nila ang tuktok ng bundong kalubay at malamang wala kaninoman kayna Sarah ang maaari nang makabalik sa kanilang mundo, mas pipiliin niyang manatili na lang din sa Sitio Tatlong Buwan. Mananatili siya sa lugar na ito kasama si Sarah.

Wala sa loob na bumalik sa kanyang aalala ang unang araw na nagising siya sa munting kubo ni Manang Abeng na walang kahit na anong alaala tungkol sa kanyang sarili o nakaraan. Marami siyang narinig mula sa mga taong taga-sitio. Na isa raw siyang dayo mula sa mundo ng mga taong makasalanan. Na siya raw ang isa sa mga sensyales na nalalapit na ang tatalong gabi ng Diablo. Ang gabi kung saan walang araw na magbibigay liwanag at walang D'yos na maaaring dasalan. Ilang beses niya iyong narinig ngunit isang bagay lang ang kahit kailan ay hindi niya pinaniwalaan kahit wala pa siyang aalala. Kahit kailan ay hindi siya naniwalang nawala ang D'yos na maaari nilang dasalan. Kahit kailan ay hindi siya nawalan ng panananalig na muling siya maililigtas ng D'yos mula sa kapahamakan. At walang sinoman ang maaariing makapagligtas sa kanila kung hindi ang pinaniniwalaan niyang D'yos. Kaya hindi siya huminto sa pagdarasal. Hindi siya huminto sa pagdarasal na sana ay bumalik na ang kanyang alaala at makabalik sila nina Sarah sa kanilang mundo. 

"Salamat sa ginawa mo kanina pare." 

Bumaling ang tingin ni Samuel kay Vic na hindi niya napansing nasa tabi niya na pala. Ang mga tingin nito ay nasa mga batang nagtatakbuhan sa paligid. Ngumiti siya bago sumagot. "Walang anuman."

"Gusto mo si Sarah, right?" biglang tanong ni Vic na hindi na hinintay pang makasagot ang kausap. "I like her too. Alam kong alam mo 'yon." Nakangiti ang mga labi ni Vic pero kababakasan ng kaseryosohan ang mukha. "College pa lang kami, gusto ko na siya. Sinabi niya noon na priority niya ang pag-aaral kaya naghintay ako. Nang maka-graduate kami, nag-attempt ako na ligawan siya ulit. But this time ang sabi niya, priority niya si Bernice. Halata naman 'di ba? Kaya eto, naghihintay ulit ako."

"Kaya ko ring maghintay kahit gaano katagal," tugon ni Samuel. Hindi niya pa alam ang buong kwento nina Vic at Sarah pero ramdam niya na malalim na ang pagkakaibigan ng dalawa na labis niyang kinaiinggitan. "At kung ano pa man ang mangayri. Kung sino pa ang piliin ni Sarah hanggang sa huli. Kaya kong maging sport."

Sinalubong na n i Vic ang tingin ni Samuel. "Likewise. Kahit pakiramdam ko parang lumalamang ka na sa akin, gagawin ko pa rin ang lahat para ako ang piliin ni Sarah sa huli. Kahit ang mag-stay pa kami dito sa lugar na ito forever."

Natawa ng bahagya si Samuel. Parehong-pareho kasi ang tumatakbo sa isipan nila ni Vic. Kaya nilang manatili sa Sitio Tatlong Buwan ng pang-habambuhay basta't kasama si Sarah. "May the best man win?" aniya na inilahad ang kamay.

Ngumiti naman si Vic at inabot ang kamay ng kausap. "Yes, good luck sa atin."

Muling nabaling ang tingin nila sa paligid habang nagpatuloy naman si Samuel sa pag-inom sa pinakuluang dahon ng guyabano. Malapit na niyang maubos ang iniinom nang may mapansing kakaiba sa hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan ni Vic. 

"Ano 'yon?" napakuno't noong tanong ni Vic. Mula sa gubat ay may tila lumulutang na kakaibang bagay. Mga nag-aapoy na hugis bilog. 

"Santelmo! Dumarating ang mga santelmo! Magsilabas na kayo sa inyong mga bahay!"

Mula kung saan ay narinig nilang sigaw ng isang taga—sitio. 

"Sunog! Sunog!"

Hindi na alam ni Samuel kung saan niya nailapag ang hawak na tasa nang makitang nagsisimulang nang masunog ang ilang bahay na malapit sa kinatatayuan nila. Ngunit ang mas lalong nagpakaba sa kanya ay nang makita ang mga lumulutang na bolang apoy na kaagad na sumusunog sa bawat bahay kubong nadidikitan nito. 

"Sina Sarah!" nanlalaki ang mga matang halos sigaw ni Vic nang makitang pati ang bahay na pinapapahingahan nina Sarah ay nagsisimula na ring mag-apoy.

Halos magkasabay silang tumakbo ni Vic patungo sa bahay na kinaroroonan nina Sarah.

"Ate! Ang ate ko! N-nasa loob pa ang ate ko!" hirap at nauubong iyak ni Bernice na halos buhatin ni Polo palabas ng kubong nagsisimula ng tupikin ng apoy.

"H'wag masyado nang malakas ang apoy! Baka pati ikaw ay mapahamak!" pigil ni Kardo kay Vic na papasok sana sa nag-aapoy na kubo.

Hindi naman nag-atubiling makinig pa ni Samuel, kinuha niya ang makapal na telang basa ng tubig mula sa mga kamay ni Polo at kaagad na sumugod sa nag-aapoy na bahay kubo. Kung totoong buhay pa ang katawang lupa niya at malaki ang posibilidad na makabalik siya ng buhay sa mundo nilay ay mas malaki ang tsansa niyang mailigtas si Sarah. Mas malaki ang tsansa na iwasan siya ni Kamatayan sa sitio na iyon.

"Sarah! Sarah nasaan ka!" masyado nang malakas ang apoy nang makapasok siya sa loob at hirap nang makakita dahil sa makapal na usok. 

"Samuel!"

Nakita niya si Sarah na umiiyak sa sulok ng katreng kinauupuan nito. At sa kabila ng malaking apoy sa paligid ay nagawa niyang kaagad na lapitan si Sarah. Ramdam niyang basing-basa na ang kasuotan niya dahil sa isinaklob na makapal at basang tela kaya ipinulupot niya kay Sarah ang basang tela at inalalayan itong makatayo. "Let's go!"

Umiiyak at nahihintatakutang tumayo si Sarah at tumalima kay Samuel.

Mahigpit ang pagkakayakap ni Samuel sa may likuran ni Sarah habang naglalakad sila sa makapal na usok at apoy. Ngunit bago pa man sila tuluyang makalabas ay may nag-aapoy na malaking kahoy ang bumagsak sa kanyang likuran dahilan upang magdilim bigla ang kanyang paningin.

Nag-aapoy na paligid.

Mahigpit na seatbelt.

Basag na salamin ng kotse.

Duguang manibela.

"Samuel! Samuel!"

Mabigat ang pakiramdamn ni Samuel sa ipinilig na ulo bago inilibot ang paningin sa paligid at ibinaling ang tingin sa nag-aalalang mukha ni Sarah. Wala ng apoy sa paligid, wala ring mahigpit na seatbelt sa katawan niya, walang basag na salamin ng kotse at wala siyang kaharap na duguang manibela. 

"Oh my God! Akala ko hindi ka na magigising Samuel!" muling iyak ni Sarah. 

Wala na sila ni Sarah sa nag-aapoy na kubo at muli niyang naramdaman ang kirot sa may ulo niya. May mali sa nangyayari. May mali sa sinabi ni Sarah. Alam na niya nga ngayon. Naalala na niya ang lahat. "I-I'm not Samuel... I'm Chris."


  • (10 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019