Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

Lumikha ng munting ingay ang mga tuyong dahon na naapakan ni Sarah sa pagpasok nila sa huling gubat na sinasabi ni Kakang Lucio, bago marating ang tuktok ng bundok kung nasaan ang putting buwan at liwanag nitong magdadala sa kanila pabalik sa kanilang mundo. Kasunod noon ay ang pagkahinto ng mga iyak at hagikhik ng mga tyanak sa kanilang paligid. Mukhang nakikiramdam ang mga maliliit na halimaw sa kanilang pagpasok ng gubat. Kagaya ng kanilang plano ay naunang naglakad sina Kakang Lucio at Chris, samantalanag magkahawak kamay sina Sarah at Vic, ganoon din sina Polo at Bernice. 

Tahimik ang paligid ngunit maingay ang mga mga talahibang mabilis na gumagalaw. 

"Hangga't maaari ay h'wag tayong maghihiwa-hiwalay, dahil mas magiging mapa- ahhhh!!" hindi na naituloy ni Kakang Lucio ang sinasabi nang may maliit na halimaw ang biglang tumalon sa kanyang balikat at kaagad na sinakmal ang kanyang balat.

"Kakang Lucio!" lalapit kaagad sana si Vic ngunit mula kung saan ay may limang sanggol ang mabilis na gumagapang at humarang sa kanilang harapan. Nakayuko ang mga ito at umiiyak.

Napahigpit naman ang hawak ni Sarah sa kamay ni Vic habang halos sabay silang napapaatras. Saglit siyang nagpalinga-linga at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong wala na sa paligid ang kanilang mga kasama. "Bernice! Bernice, nasaan ka?!"

At sa pagsigaw na ginawa ni Sarah ay ang pagtunghay ng limang maliliit na nilalang sa kanilang harapan. Kulubot na mukha, malaking mga mata, makapal na mga mga labi at maliliit ngunit matatalim na pangil ang nakita nila sa mukha ng maliliit na halimaw na nanlilisik ang mga tingin sa kanila. Makikitang nagsisimula nang maglaway ang mga bibig ng mga ito. Muling gumapang ang limang tyanak ngunit hindi palapit sa kanilang kinatatayuan. Gumapang ang mga ito palibot sa kanilang dalawa ni Vic.

Nagsimulang mangatal ang mga tuhod ni Sarah nang makitang mula sa likuran ng mga tyanak ay may iba pang maliliit na mga halimaw ang dumarating. Mas maraming tyanak ang ngayon ay pumapalibot sa kanilang dalawa. 

"Sarah, dito ka lang salikod ko..." sabi ni Vic na mahigpit ang hawak sa itak. 

"S-sina Bernice... H-hindi ko na sila makita."

"Hahanapin natin sila, basta mag-stay ka lang sa - ahh!" naramdaman ni Vic na may kumagat sa braso niya na kaagad na dumugo. Binitawan niya ang kamay ni Sarah bago hinablot ang tyanak na malalim ang pagkakabaon ng mga pangil sa kanyang braso at inihagis kung saan. Sa paghagis niya ay kaagad na may isa pang tyanank ang tumalon papunta dapat sa may dibdib niya na nagawa niyang hawakan bago pa man magawang kumagat ng mga pangil nito. Nanggigigil niyang pinutulan ng ulo ang hawak na tyanak gamit ang hawak na itak at inihagis sa harapan ng mga kapwa nito halimaw na naglalaway. 

"Vic, ang braso mo!" naiiyak na sabi ni Sarah nang makitang halos lumabas na ang laman mula sa braso nitong may malalim na kagat.

"It's okay, I'm fine!" sagot ni Vic at biglang nanlaki ang mga mata nang makita ang apat na tyanak na patalon sa may likuran ni Sarah. Naging maagap siya at kaagad na niyakap ang dalaga bago sunod-sunod na naramdaman ang pagbaon ng mga pangil ng maliliit na halimaw sa kanyang balikat, braso at magkabilang tagiliran. "Sabi ko naman sa iyo, I'll take care of you hanggang sa kaya ko." Nakadapa na siya halos sa ibabaw ni Sarah kung saan magkatapan ang kanilang mukha habang pilit na iginuguhit ang mga ngiti sa labi. Tumayo na siya kaagad at walang pagdadalawang isip na tinanggal ang mga tyanak kahit malalim pa ang pagkakabaon ng mga pngil sa kanyang katawan bago pinutulan ang mga ito ng ulo. Nasa bibig pa ng mga pugot na ulo ng tyanak ang napunit niyang balat at laman. Ngumisi siya bago muling hinarap ang halos isang dosenang tyanak na naglalaway. "Hindi ninyo ako kaya..."

'Mamamatay ka sa lugar na ito.' boses ni Kakang Mido na tila naririnig ni Vic sa kanyang isipan. Ito na ba ang sinasabi ng matanda na muli niyang magiging kamatayan?

"V-Vic..." Lalong naiyak si Sarah nang makita ang mas malalim na mga kagat sa katawan ni Vic na tila hindi man lang iniinda ng binata. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang huling bilin ni Kakang Mido kay Vic. Ito na nga ba ang oras na mamamatay ang kaibigan niya? Hindi. Hindi pwede.

"Sarah..."

Pakiramdam ni Sarah ay alam na niya ang susunod na sasabihin ni Vic na ayaw na sana niyang marinig pa. Namumuo na ang pawis sa noo nito, bakas na sa mga mata ang sakit na nararamdaman pero nakangiti pa rin ang mga labi. 

"Tumakbo ka na, ako nang bahala dito..."

Umiling si Sarah. "N-no. Hindi kita iiwan Vic. H-hindi kita –"

"Ahhh!" Muling iniharang ni Vic ang katawan sa tatlong tyanak na tumalon palapit sana kay Sarah. Sumakto ang kagat ng isa mga tyanak malapit sa leeg niya, at ang dalawa ay sa may isang braso niya. Nanggigigil na muli niyang marahas na tinanggal ng mga tyanak bago pinugutan ng ulo. Ang isa naman mula sa kanyang leeg ay inapakan niya hanggang sa madurog ang maliit nitong ulo. "Sarah, you have to go. You have to run – Ahhh!" muling sigaw niya nang may dalawang tyanak ang sabay na kumagat sa dalawang binti niya. Nakatakda na rin naman siyang mamatay, kahit man lang sana ang taong minahal niya ay magawa niyang iligtas sa huling sandali ng buhay niya. "Ayaw ninyo kaming tantanan ah!" muli ay marahas niyang tinannggal ang mga tyanak mula sa pagkakakagat at sabay na pinugutan ng ulo. Inilibot niya ang paningin sa paligid, habang dumarami ang kagat sa kanyang katawan ay tila dumarami rin ang mga tyanak sa kanilang paligid. Wala na siyang ibang pagpipilian pa. "Sarah, takbo na... Kailangan mo nang tumakbo hangga't kaya ko pang iharapang ang katawan ko sa kanila."

"Hindi kita iiwan V-Vic." Muling tumayo si Sarah sa may likuran ni Vic na duguan na. Hindi niya iiwan ang kaibigan niya. Hindi niya ito hahayaang mamatay.

"Sarah!"

Napalingon si Sarah sa dalawang kamay na biglang humila sa kanya. "Miracle?!"

"S-sorry, naging duwag ako... Pero sumunod ako... Sumunod ako para tulungan kayo na makalabas ng lugar na ito," sabi ni Miracle na umiiyak.

"Ahhh!" muling iniharang ni Vic ang sariling katawang sa dalawang tyanak na tumalon palapit kay Miracle. "Guys, takbo na! Sarah, sumama ka na kay Miracle!"

"Sarah, let's go," sinimulan nang hilahin ni Miracle si Sarah.

"Hindi! Hindi ko siya iiwan! Lalabas kami ng sabay ni Vic sa lugar na ito!" pagmamatigas ni Sarah.

"Sarah makinig ka! Wala nang babalikan si Vic sa mundo natin, nakatakda siyang mamatay dahil patay na ang katawang lupa niya!" halos pasigaw na sagot ni Miracle. Sinabi na ni Manang Abeng ang lahat sa kanya. Kung sino sa mga kasama niya ang nakatakdang mabuhay at mamatay sa Sitio Tatlong Buwan. "Pero ikaw... Ikaw Sarah, may pag-asa ka pang makabalik! May pag-asa ka pang mabuhay sa mundo natin."

Nangangatal ang mga labing napatingin si Sarah kay Vic na nakalingon din sa kanya. Lalo siyang naiyak nang ngumiti ang namumutla nitong mga labi. Bakas na bakas na sa mukha nito ang sakit at hirap na nararamdaman pero nananatili pa rin itong nakangiti sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nais ipakita sa kanya ang kahit na anong sakit na nararamdaman. "V-Vic..."

"I told you, tumakbo na kayo. Kaya ko na ito, ako nang bahala – Ah!!!" hindi na nagatubili pang muling pugutan ng ulo ni Vic ang apat na tyanak na sabay-sabay na tumalon sa kanya bago lumingon kay Sarah. "Umalis na kayo please... takbo na."

"N-No... I will stay here! I will –" Isang matipunong mga bisig ang biglang bumuhat sa kanya. "C- Chris?! Chris, ibaba mo ako!"

"Pare, umalis na kayo!" muling sigaw ni Vic nang makita ang biglang pagsulpot ni Chris at pagbuhat kay Sarah. Nakakaramdam na siya ng panghihina sa dami ng sugat at kagat ng mga tyanak sa kanyang katawan. At bago pa man siya tuluyang manghina, kailangan nang makaalis nina Sarah. "Iligtas mo na sila!"

Saglit na nagdalawang isip si Chris nang makitang may tatlong tyanak ang muling sumakmal sa mga braso at binti ni Vic na kaagad nitong kinuha at pinugutan ng mga ulo. "Pare..."

"Takbo, please... Ilayo mo na sila dito, Chris! Lumayo na kayo dito."

"V-Vic..." 

"Chris please." Hindi na napigilan ni Vic ang sarili na maiyak. Mukhang hanggang dito na nga lang ang buhay niya. Hanggang dito na lang ang kwento nilang dalawa ni Sarah. "Nakikiusap ako sa iyo... Lumayo na kayo. Iligtas ninyo na ang- ahhh!!! Iligtas ninyo na ang mga sarili ninyo! Iligtas mo na si Sarah!!!" 

"Salamat, Vic," naging tugon na lang ni Chris. Kahit mabigaat sa loob niya ay sinimulan na niyang ihakbang palayo ang mga paa sa kabila ng pagwawala ng babaeng buhat-buhat niya.

"No!!! Hindi ako aalis dito. H-hindi!!!" wala nang nagawa si Sarah dahil mas malakas sa kanya ang mga braso ni Chris na nakayakap sa katawan niya. "Vic!!!" 

Saglit na ngumiti si Vic sa sumsigaw at nagwawalang si Sarah na inilalayo na sa kanya ni Chris. Ngumiti siya sa kahuli-hulihang sandali. "At least matutupad ko ang pangako ko na makasama ka hanggang sa huling oras ng sandali ng buhay ko..." Sa muling pagharap niya sa mga tyanak ay ang sabay-sabay na pagtalon ng mga ito at pumalibot sa kanyang leeg. Nagawa pa niyang alisin ang dalawa ngunit ang tatlo ay kaagad na bumaon ang mga pangil at bumutas ng malaki sa kanyang leeg, dahilan upang mapaluhod siya at magsimulang lalo na manghina. Nagawa pa niyang tanggaling ang tatlong tyanak mula sa kanyang leeg at pugutan ang mga ito ng ulo ngunit nagsimula nang manlabo ang mga mata niya kasunod ang matinding panghihina ng kanyang katawan. Sa pagkakataon ito, nahihirapan na siyang hawakan ang matalim niyang itak na iwinawasiwas na lamang niya sa kung saan. 

Ilang saglit na panlalaban pa bago tuluyang bumigay ang katawan niya at padapang bumagasak sa lupa. Nakita niya pa sa nanlalabong paningin ang papalapit na mga tyanak, naramdaman niya pa ang mga pangil ng mga itong bumaon sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan. Pero wala na siyang naramdamang sakit. Isa na lang ang nararamdaman niya ngayon, munting kasiyahan dahil kahit paano ay nailigtas niya ang nag-iisang babaeng minahal niya sa tanang buhay niya. Nailigtas niya si Sarah. 

"Paalam, Sarah... Mahal na mahal... K-kita."


  • (10 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE