Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

“Kumain ka na…”

Nabaling ang tingin ni Sarah sa hawak ni Samuel na dahon ng saging na may lamang inihaw na isda bago umiling. “Wala akong gana.”

“Sarah, paano mo hahanapin ang kapatid mo kung pinapabayaan mo ang sarili mo?”

“Paano ako makakakain nang maayos kung hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung nasaan siya? Kung okay lang ba siya? Kung… Kung…” Hindi na niya naituloy pa bago isinubsob ang mukha sa mga palad at nagsimulang umiyak. 

“Sarah…”

Naramdaman niya ang bahagyang paghagod ni Samuel sa may likuran niya.

“Ikaw na rin ang nagsabi na naniniwala kang buhay pa si Bernice. Nararamdaman mo na buhay pa rin siya. Bakit pinanghihinaan ka ng loob? Ang kailangan mo ngayon ay totoong lakas. Lakas para mahanap natin siya. Para makasama mo na ulit siya.”

Muli niyang iniangat ang mukha at sinalubong ang tingin ni Samuel. Tama ang binata, hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Hindi ngayon. Pinunasan niya ang mukha na basa ng luha gamit ang likod ng mga palad bago inabot ang hawak ni Samuel na pagkain. “Salamat.”

Ngumiti naman si Samuel bilang tugon.

Napakalambing magsalita ng binata. Na sa sobrang lambing ay napapagaan kaagad ang loob niya. Naisip niya marahil ay isa itong public speaker o kaya ay pastor sa mundo nila.

“Ito ang tandaan ninyo, sa oras na makita natin ang taong hinahanap ninyo. Hindi ibig sabihin noon ay maaari na kayong makabalik sa inyong mundo. Hindi ibig sabihin ay mabubuhay kayong lahat sa kabilang mundo.”

Sabay silang napatingin kay Kakang Lucio na hindi nila napansing nakaupo malapit ssa kanila.

“Ano pong ibig ninyong sabihin?” tanong ni Sarah. Halos parehas lang ang sinabi nito sa sinabi sa kanila noon ni Manang Abeng na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan.

“Kung kayo ay nakatadhanang mamatay, mamamatay kayo kahit mabuhay pa kayo sa kabila ng talim ng mga kuko at pangil ng mga halimaw dito sa sitio namin. Hindi ninyo kailan man maaaring baguhin kung ano ang nakatadhanang mangyari. Kung ano ang itinadhana ni Kamatayan para sa ating lahat.”

“Kakang Temyong, pwede po bang liwanagin ninyo na lang ang lahat sa amin? Nahihilo na po ako sa mga sinasabi ninyo ni Manang Abeng. Hindi ko na po kayo maintindihan pareho.” Naiinis na sabi niya.

Itinaas ng matanda ang mga tingin sa kanila at bago pa muling nakapagsalita ay isang sigaw mula sa pinakaloob ng kweba ang narinig nila. 

“Si Emil!” mablis nakumilos ang matanda at kumuha ng tulos na may apoy sa dulo bago halos patakbong tinungo ang pinaggagalingan ng sigaw.

Kaagad ring sumunod sina Samuel at Sarah.

“Emil, anong nangyari sa iyo? Napaano ka?” tanong ng matanda sa nilapitang si Emil na nakaupo sa batuhan at namimilog ang mga mata.

“M-May bangkay,” nanginginig na turo nito sa isang katawan na pinagtututuka ng malalaking uwak. 

Sa kurba ng katawan at haba ng buhok ay mapapansing isang babae ang abngkay na hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. Natatakpan ang ulo nito hanggang sa may katawan ng isang makapal na kulay pulang jacket.

“J-jacket ni Bernice ‘yan.”Muling hindi niya napigilan na maiyak na mapagtantong jacket nga ng kapatid ang nakatakip sa may ulongbahagi ng bangkay. Iyon ang jacket na isinuot niya kay Bernice bago sila umalis ng resort.

“Gusto mo bang makita ang mukha ng bangkay?” tanong ng matanda sa kanya.

Saglit niyang sinalubong ang tingin ng mga mata ni Samuel na tila nais palakasin ang loob niya bago ibinalik ang mga tingin sa bangkay. “S-sige po.”

Pakiramdam ni Sarah ay nag-slow motion ang lahat sa kanya ng dahan-dahang maglakad si Kakang Lucio palapit sa bangkay ng babaeng ipinagdadasal niya na sana ay hindi si Bernice. Binugaw ng matanda ang limang malalaking uwak gamit ang hawak na tulos na may apoy bago hinawakan ang jacket.

Naramdaman niya ang kamay ni Samuel sa may balikat niya bago tuluyang inalis ng matanda ang jacket sa may ulo ng bangkay. “Oh my God!” kaagad niyang naisubosob ang mukha sa may dibdib ng binata nang lumantad sa paningin nila ang mukha ng babae na inuuod na ang bibig at mga mata nitong wala ng ibang laman kung hindi mga uod na lang din. Halos mahiwalay na rin ang ulo nito dahil sa pagkakaputol ng leeg na tila ginamitan ng matalim na bagay.At kahit ganoon ang hitsura ng babae ay isang bagay ang sigurado si Sarah. “H-hindi po siya si Bernice.”


*****


Ramdam ni Kevin na malalim na ang tulog ng kanyang mga kasama samantalang siya ay dilat na dilat pa rin ang mga mata. 

“Babe… Babe, hindi ako makatulog. Gising ka pa? Babe?” Ilang tawag pa ang ginawa niya sa katabing si Joyce bago napagtantong hindi nga pala siya nito maririnig dahil sa maliit na bagay na nakatakip sa butas ng mga tainga nito. Napabuntong hininga na lamang siya bago muling ipinikit ang mga mata. May ilang munito pa ang lumipas ngunit sadyang hindi pa rin siya makatulog kaya nagdesisyon siyang bumangon na lang muna.

Saglit niyang inilibot ang mga paningin sa mga kasamang ramdam niyang kababakasan ng pagod dahil sa malalim na pagtulog. “Babe… Babe…” Saglit niya pang kinulbit si Joyce pero ni hindi man lang ito kumilos sa kinahihigaan kaya naiinis na tuluyan na siyang tumayo kasabay ang pagkalaglag ng isang bilog na tumutakip sa butas ng isa niyang tainga. “Sh*t!” Hindi siya masyadong naniniwala sa mga ikinwento nina Kakang Temyong kanina ngunit may kung anong kaba siyang nararamdaman kaya kaagad niyang hinananap ang mallit na bilog na nalglag. Ngunit tila huli na ang lahat.

“Lalalala…. Lalalala… Lalalala…”

Noong una ay isang tinig ng babae ang nariirnig niyang umaawit na saglit na nagpatulala sa kanya. Sadyang napakaganda ng boses na tila nais niyang makita ang mukha ng babaeng umaawit. 

“N-no… N-nahi-hypnotize lang ako…” Malakas niyang ipinilig ang kanyang ulo bago muling nagpatauloy sa paghahanap ng maliit na bilog. 

“Lalalala… Lalalala… Lalalala…”

Ang kanina na isang tinig lang na babae na nariirnig niya,ngayon ay nadagdagan na ng isa o dalawang pang tinig. 

“Sh*t…” Napalunok siya ng halos may sampung tinig na ng mga babae ang naririnig niyang umaawit ngayon. Sadyang napakaganda ng mga tinig na iyon at ang sarap pakinggan. Tuluyan na niyang hindi napigilan ang sarili na magpatuloy sa paglalakad upang hanapin kung saan nagmumula ang mga tinig. Sa bawat paghakbang ng mga paa niya, pakiramdam niya ay lumulutang siya sa ere, dahil sa sobrang gaan sa pakiramdam ng pag-awit ng mga nilalang na hindi niya nakikita.

“Lalala… Lalalala… Lalalala….”

Malapit na… Nararamdaman niyang malapit na siya sa kinaroroonan ng mga babaeng umaawit. Malapit na niyang makita at makilala ang mga ito. 

“Oh my God…” Napalunok siya nang marating muli ang ilog kung nasaan sila kanina ng mga kasama at makita ang may halos labing limang babae na na nakaupo sa may batuhan atnapahinto sa pag-awit bago nakangiting napatingin sa kanya. Napakaganda ng mukha ng bawat isa na tila napakaperpekto nang pakakalikha lalo ng singkitin mga mata at mapupulang mga labi, wala itong mga suot na pang-itaas kaya nakikita niya ang makikinis at malulusog na dibdib ng bawat isa samantalang ang pang-ibaba naman ng mga ito ay itila isangmalaking buntot ng isda.

“Magindara…” namamanghang sambit niya. Tuluyan ng nawala ang takot na nararamdaman niya at napalitan ng pagkamangha. 

Sabay-sabay namang naghagikhikan ang mga magindarang kaharap niya bago ang ilan ay tumalon sa ilog at nagpatuloy sa pag-awit.

“Halika… Lumapit ka… Sumama ka sa amin… Maglaro tayo… Paliligayahin ka namin.”

Muli siyang napalunok nang marinig ang ilan sa mga ito na nagsalita. Pati ang pasasalita ng mga magindara na kaharap niya ay tila musika sa kanyang pandinig. Hindi na siya nagdalawang isip pang lumapit sa mga ito. Nais niyang mahawak ang magagandang magindara… Nais niya itong amuyin. Nais niya itong halikan.

“Halika na… Lumapit ka na…”

Lalo siyang napangiti nang sa wakas ay makalapit na siya sa mga ito at dahan-dahang lumuhod. May limang magindara sa harapan niya ngayon at hindi niya alam kung saan unang idadampi ang kanyang mga kamay. Pakiramdam niya ay nagsisimula nang mag-init ang kanyang katawan ng abutin ng isang magindara ang kamay niya at idampi sa makinis nitong mukha. Samantalang ang isang magindara naman ay inabot rin ang isa niya pang kamay bago inilapit sa makinis nitong mukha. Nagsimula na ring lumapit ang mga magindarang nasa tubigan sa kanya, hanggang sa halos napapagitnaan na siya ng mga ito habang patuloy sa pag-awit…Hindi na siya tumanggi pa nang simulang ng mga itong alisin ang kanyang kasuotan. 

“Holy sh*t… This is heaven…” saglit niyang ipinikit ang kanyangmga mata habang nararamdaman na ang ilan sa mga ito ay sinisimulan siyang halikan at amuy-amuyin. Mukhang nagkamali ang mga taga-sitio sa pagkakakilala sa mga magindara… Hindi ito mga halimaw bagkus ay isang mga diwatang magpaparamdamsa kanyang ng totoong paraiso. 

Ngunit sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay tila hindi paraiso ang madadatnan niya sa piling ng mga ito, kung hindi isang impyerno dahil bigla na lang nagbago ang hitsura ng kanina lang ay magagandang magindarang kaharap niya. Ang kanina lang na hinahawakan niyang maknis na balat ay napalitan ng magagaspang at maiitim na kaliskis, ang maliliit at singkiting mga mata ng mga ito ay bigla na lamang kumaki at nagkulay pula, ang malalambot na kamay ay bigla na lamang nagkaoron ng mahahaba at matutulis na mga kuko at ang mga mapupulang labi nito na kanina lang ay gusto niyang halikan ngayon ay biglang lumaki at puno na ng matatalim na pangil.

“Ahhhhh!!!” At bago pa siya tuluyang makatakbo palayo ay kaagad ng bumaon ang mga pangil at kuko ng mga magindara sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. Nag-agawan pa ang mga ito sa laman loob ng butas niyang t’yan at dibdib. “T-tulungan n-nyo a-ako….” Batid niyang kahit gaano pa kalakas ang sigaw na magagawa niya ay walang sinoman ang darating upang tulungan siya dahil walang sinoman ang makakarinig sa kanya. Wakwak na ang tyan at dibdib niya at wala na rin siyang sakit na nararamdaman ngunit nanatiling dilat ang kanyang mga mata. Nasaksihan niya kung paano pinaghati-hatian ng mga magindara ang laman loob niya hanggang sa huling hininga niya.


***

Malakas na yugyog sa katawan ang gumising kay Joyce mula sa malalim pa na pagtulog. Namulatan niya si Vic na tila nagsasalita ngunit wala siyang naririnig na kahit ano, nigla niyang naalala na may nakabara nga pala sa butas ng sarili niyang mga tainga. Kaagad niyang tinanggal ang mga bilog na iyon bago muling hinarap si Vic. “Ano bang nangyayari?”

“We have to leave now,” tugon ni Vic na halos buhatin na si Joyce upang bumangon.

Saka lang niya napansing nakaayos na ang mga kasama na tila nagmamadali.

‘Lalala…’

“A-ano’yun?” napapalunok na tanong niya nang marinig na tila may kumakantang mga boses ng babae hindi kalayuan sa kanila.

“Anuman ang inyong maririnigna awitin ay h’wag na h’wag ninyong papansinin. Kailangan ay makalayo na tayo sa lugar na ito nggayon din!” utos ni Kakang Temyong.

“W-wait. Nasaan si Kevin?” nag-aalalang tanong niya.

Saglit na natahimik ang lahat bago nagkatinginan na tila nagpapakiramdaman kung sino ang sasagot sa tanong niya.

‘Lalalala…’

“Kailangan na nating umalis!” ani Kardo.

“H-hindi… Hindi ako aalis hangga’thindi ninyo sinasabi kung nasaan si Kevin!” naiiyak na pagmamatigas ni joyce. Pakiramdam kasi niya ay may hindi magandang nangyari sa nobyo.

“Wala na si Kevin, pinatay na siya ng mga magindara. Nakita ni Kakang Temyong ang pirapasong katawan niya malapit sa may ilog na pinapi-pyestahan ng mga magindara,” sa wakas ay sagot ni Armand.

“N-no! Hindi totoo ‘yan! Hindi pwedeng mangyari ‘yan! Hindi pwedeng mamatay si Kevin!” nagsimula nang mag-hysterical si Joyce. Kanina lang ay katabi niya Kevin, kanina lang ay kayakap niya ang nobyo. Paanong bigla na lang itong nawala at sasabhin ng mga kasama na pinatay na ito ng magindara. “Gusto ko siyang makita! Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko siya nakikita..”

“Sigurado ka bangnais mo pa siyang makita?” tanong ni Kakang Temyong.

“Kakang, h’wag na po –“

“Oo! Gusto ko siyang makita at hindi ako aalis sa lugar na ito nang hindi siya nakikita!” putol ni Joyce sa sinasabi ni Vic at matigas na sagot sa matanda habang patuoly ang paglandas ng kuha sa magkabilang pisngi. 

“Kung ganoon ay ihanda mo ang iyong sarili at tibayan ang iyong sikmura,” anang matanda bago inabot ang isang sako na nakatali sa puno nahindi kalayuan.

Nagsimula namang mangatal ang mga labi ni Joyce at naramdamang hindi na niya magugustuhan ang susunod na makikita, lalo na nang mapansing duguan ang sakong hawak ng matanda. “No!!!” tuluyan na nitong naipikit ang mga mata kahit buhok pa lamang ang nakikitang hawak ng matnanda na inilalabas mula sa sako. Sigurado na kasi siya na ulo iyon ni Kevin.

“Joyce…” Mabilis naman niyakap ni Vic ang kabigan upang takpan na rin ang mga mata nito.

“Mamamatay tayo… Mamamatay tayong lahat dito…”

“Shhhh…” pag-aalo ni Vic kay Joyce. Kahit ilan na sa mga kabigan nito ang namatay ay nananalig pa rin itong makakalabas sila ng buhay sa misteryosong sitio na ito. “Hindi tayo mamamatay Joyce, mabubuhay tayo at makakarating sa bundok na tinutukoy nila. Makakalabas tayo ng buhay sa sitio na ito.”

“Hindi lahat ng dayo na nakarating sa bundok ay nakalabas ng buhay sa Sitio Tatlong Buwan. Hindi lahat ng nabubuhay dito sa sitio ay maaari pang makabalik ng buhay sa inyong mundo.At kung buhay man kayong makaakyat sa bundok ng Kalubay ay hindi ibig sabihing maaari na kayong makalabas sa sitio na ito.”

Sabay-sabay sila halos na nabaling ang mga tingin sa matandang seryoso sa pagsasalita.

“W-what do you mean?”tanong ni Armand.

“May mga bagay na kailangan ninyong tanggapin sa sarili ninyo upang tuluyan kayong makalaya mula sa lugar na ito…”

‘Lalalala… Halina kayo. Maglaro na tayo. Paliligayahin namin kayo…’

“Kakang Temyong, kailangan na po nating umalis,” sabi ni Kardo. 

Hindi na muling nagsalita ang matanda bago nagpatuloy sa paglalakad na sinundan ng lahat habang patuloy na tumatakbo sa mga isipian ang makahulugang sinabi ni Kakang Temyong. 


  • (10 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE