Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

"Thank you sa paglalagay ng sunblock sa akin ate," ani Bernice.

"You're always welcome. Hindi rin naman kasi maganda sa balat ang sobra-sobrang sunblock," tugon ni Sarah bago ibinalik sa may katabing maliit na lamesa ang hawak na bote ng sunblock.

"Okay na ba itong swimsuit ko, ate?"

"Oo Bernice, you look sexy with that swimsuit," hindi niya binobola ang kapatid sa sinabing iyon. Naka-two piece lang kasi ito ng kulay navy blue at bumagay iyon sa maputing kulay ng kutis nito. Palibhasa ay parehong may lahing espanyol ang mga magulang nila kaya pareho rin silang mestisahin ng kapatid. Hindi hamak na isang dangkal na tangkad lang ang inilamang niya talaga kay Bernice.

"Thank you ate. Lalabas na ako ha. Excited na ako sa beach!"

"Alright, sunod na lang ako pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit natin dito."

"I love you ate," yumakap pa ng mahigpit si Bernice sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Napangiti na lang siyang pinagmasdan ang kapatid na excited na lumabas ng kwarto nila. Mabuti na lang talaga at hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa dahil kaagad niyang nasasakyan ang mga trip nito. Idagdag pa na ang barkada niya ay barkada rin nito kaya madalas sa mga lakad ay magkasama pa rin sila. Hindi kasi siya kampante na nawawala sa paningin niya si Bernice.

Napalingon siya sa may pinto nang may marinig na tatlong mararahang katok. Tumayo na siya at binuksan ang pinto. "Don't tell me may nakalimutan –" Napahinto siya sa sinasabi nang hindi ang inaasahang si Bernice ang napagbuksan ng pinto kung hindi si Vic na ang tanging suot lang ay swimming trunks. Bumalandra tuloy sa paningin niya ang magandang abs nitong tila pinaghandaan para sa outing nila ngayon.

"Hi Sarah!"

"Hello Vic, bakit napadaan ka dito sa room namin? Wala naman dito ang dagat," natatawang tanong niya.

Napakamot naman sa ulo ang binata. "I-invite na sana kitang mag-swimming habang hindi pa masyadong mataas ang sikat ng araw."

Hindi niya alam kung bakit sa tatlong taong panliligaw nito ay hindi niya pa rin sinasagot ang binata. Gwapo naman ito, may sarili ng restaurant at bahay. Idagdag pa na talagang pinagkalooban ito ng gwapong mukha at magandang katawan. 'Yung tipong ng lalaking hindi lang pagpapantasyahan ng mga babae kundi pati na rin ng mga bakla at matrona. At kahit gaano pa ito ka-perfect man sa paningin ng iba ay wala pa rin siyang maramdaman na espesyal sa tuwing magkasama sila. Walang sparks. Kumbaga sa mga pocketbook ay walang magic. "Sorry, Vic but ate's duty. Hindi pa kasi naaayos ni Bernice ang mga gamit niya."

"Gusto mo tulungan na kita?"

"No, it's alright. Ilan lang naman ang mga gamit na dala niya. Medyo nagkalat lang talaga," bahagya niyang binuksan ang pinto upang ipakita ang kama kung saan nakakalat ang mga gamit ni Bernice dahil sa ilang beses nitong pagpapalit ng swimsuit kanina.

Natatawang napailing na lang si Vic. "Si Bernice talaga kahit kailan, napaka-kalat. Paano na lang kung wala ka sa tabi niya?"

"At ang bagay na 'yan ang kahit kailan ay hinding-hindi mangyayari," nakangiti pero seryoso niyang sagot. Hindi niya pa kasi kayang ma-imagine ang buhay niya ng wala siya sa tabi ng kapatid niya. Kung pwede nga lang ay hindi na sila magkaroon ng sari-sariling pamilya upang hindi na sila magkahiwalay pa pero alam niya namang hindi iyon pwedeng mangyari. "Sige na Vic, aayusin ko na ang mga ito. Susunod na ako sa inyo once matapos ako dito."

"Okay, hintayin na lang kita sa labas. Alam mo namang handa akong maghintay sa iyo kahit gaano pa katagal."

Nakangiting isinarado na niya ang pinto bago bumalik sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit. Ramdam naman niyang seryoso si Vic sa ginagawang panliligaw sa kanya. Hindi pa lang talaga niya makita ang sariling lumalagay na sa tahimik na buhay at malalayo kay Bernice.

***

"Luto na kaya itong barbeque?" tanong ni Vic sa hawak na iniihaw.

"Oo, okay na 'yan. Hindi rin naman masarap kung masyado toasted," tugon ni Sarah habang inaayos ang sariling iniihaw na mga paa ng manok.

"Okay na rin itong mga inihaw ko oh," ani Donna.

"Dalhin mo na 'yan sa kabilang cottage, nag-aayos na do'n sina Miracle at Liezl," utso ni Sarah.

"Babe, dalhin mo na 'yang mga inihaw ni Vic," utos naman ni Donna kay Armand bago lumabas ng cottage upang lumipat sa kabila kung nasaan ang mga ibang pagkain na luto na.

"Hi guys, anong food ang pwede ng kainin?" bati ni Bernice na basang-basa ang buhok at buong katawan.

Inabot naman ni Sarah ang towel na isinampay hindi kalayuan sa kanya dahil alam niyang pagkatapos mag-swimming sa dagat ay dito tutuloy si Bernice. Lumapit siya sa nakababatang kapatid at sinimulan punasan ng tuwalya ang basang-basa nitong buhhok. "May luto ng barbeque dito at adidas. Anong gusto mo? 'Yong ibang foods kasi nasa kabilang cottage na."

"Masrhmallows na lang ate."

Kinuha niya ang plato ng marshmallow at inabot kay Bernice bago muling pinunasan ang buhok nito.

"Alam mo Bernice, kung hindi ka lang talaga kapatid ni Sarah matagal na kitang pinagselosan," biro ni Vic habang patuloy sa pag-iihaw.

"Mas mukha pa yata kayong mag-dyowa kaysa sa amin ni Kevin," singit naman ni Joyce habang inaayos ang mga bagong lutong pagkain sa isang lalagyan na ililipat sa kabilang cottage.

"Kaya hindi masagot-sagot ni Sarah si pareng Vic dahil sa iyo pa lang Bernice, daig pa ni Sarah ang may syota," kantyaw pa ni Kevin.

"Vic, bago mo mapasagot ang ate ko kailangan ako muna ang mapasagot mo. Dahil hinding-hindi ka papasa kay ate hangga't hindi ka pumapasa sa akin!" natatawang sagot ni Bernice.

"Oh alam mo na Vic, hindi talaga ako ang dapat na nililigawan mo kung hindi itong si Bernice," aniya bago inilagay sa may balikat ni Bernice ang malaking tuwalaya. High school pa lang ay madalas na silang mapagkamalang hindi magkapatid ni Bernice kung hindi ay makasintahan. Hindi naman kasi sila magkamukha talaga dahil ang Papa niya ang kamukha niya samantalanag ang nakababatang kapatid ay sa Mama niya nagmana. Kaya kapag nagma-mall silang dalawa at magkahawak ang mga kamay ay madalas silang pinagtitinginan ng mga tao.

"Ate, dadalhin ko na ito sa kabilang cottage ha?" ani Bernice na hawak na ang isang platong may lamang mga inihaw na isaw at mga paa ng manok.

"Ako nang magdadala ng plato na 'yan, eto na lang mga marshmallows ang dalhin mo para mas magaan. Baka mapagod ka kaagad eh," agaw ni Vic sa platong hawak ni Bernice at pinalitan ng platong mas magaan ang laman.

"Wow, Vic ha. Ang bilis mo namang dumiskarte tlaga," natatawang sabi ni Bernice. "Ipagpatuloy mo 'yan para sagutin kaagad kita este ni ate pala."


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE