Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.


"Miracle, halika! Sali ka sa amin!" tawag ni Liezl.

May pag-aalinlangan na lumapit si Miracle sa barkadang nakabilog sa bonfire. Hindi kasi nakaligtas sa paningin niya ang nakalolokong mga ngiti sa mukha nina Joyce at Donna. Wala naman talaga siyang balak na sumama sa outing ng mga ito, kung hindi lang talaga siya pinilit nina Liezl at Sarah. Isa pa, wala rin kasi siyang gagawin ngayong Holy Week.

"Dito ka na lang sa tabi ko," ani Bernice na nagbigay ng espasyo para makaupo si Miracle.

"Oh game na ulit," ani Mark.

Muling kumanta ang lahat habang pinagpapasa-pasahan ang kahon na may lamang dalawang bola kung saan nakasaulat ang tig-isang salita na Truth or Dare. At nang matapos ang kanta ay nasa mga kamay ni Donna ang kahon.

"Whooo!!! Si babe na naman!" sigaw si Armand.

"Truth or dare? Magde-dare na 'yan! Magde-dare na 'yan!" halos sabay-sabay na tanong ng barkada.

"Okay fine, dare!" ani Donna na umikot pa ang mga mata.

"Uhmm, okay. I dare you to kiss a girl!" malanding sabi ni Mark.

"'Yon lang ba?! So easy!" Ibinaling ni Donna ang tingin sa katabing si Joyce at hinawakan ang magkabilang pisngi nito bago dahan-dahang inilapit ang mukha at mga labi sa mga labi nito.

"Oh my God!" halos lahat ay namilog ang mga mata sa panunuod nang paghahalikan ng dalawang babaeng naglaro pa ang mga dila.

"Okay, that's enough babe," sabi ni Armand bago hinawakan ang magkabilang balikat ng nobya upang ilayo kay Joyce.

"Wala na bang dare na mas mahirap!?" natatawang sabi pa ni Donna bago pinunasan ang mga labing bahagyang nabasa ng laway ni Joyce.

"Okay, game na ulit," sabi naman ni Kevin upang maputol na ang mainit na eksena sa dalawang babae bago binulungan si Joyce. "Mamaya ka sa akin, hon."

Muling kumanta ang lahat habang pinapasa-pasahan ang kahon na huminto sa mga kamay ni Sarah.

"Truth! Mahirap na baka kung anong dare ang ipagawa ninyo sa akin!" natatawang pili kaagad ni Sarah.

"Kailan mo sasagutin si Vic?" tanong ni Joyce.

"Kapag pumuti na ang uwak. Char, ibang question naman, kasi lagi na lang nating tinatanong 'yan kay Sarah," ani Mark.

"Ibigay natin ang chance kay Vic," sabi naman ni Liezl.

"Go, Vic!" pagsang-ayon nina Joyce at Donna.

"Thank you guys. So, here is my question... Ehem," saglit pang tumikhim si Vic bago tumingin kay Sarah na nagpipigil ng mga ngiti. "Kahit konti ba, may nararamdaman ka rin para sa akin na... Na higit pa sa isang kaibigan?"

"Uhm... Honestly, sa ngayon hindi ko pero masabi kung anong level na ba 'yong feelings ko para sa iyo. Pero kagaya nga ng sinasabi ko sa kanila, you're the type of guy na papangarapin ng maraming babae na makasama sa habambuhay. Kaya lang, ayokong pumasok sa isang relasyon na alam ko sa sarili ko na hindi pa ako. Kaya ayoko sanang madiliin lahat ng mga bagay."

"Kailan ka magiging handa?" hindi na napigilang muling tanong ni Vic. Hindi naman sa naiinip na ito sa panliligaw kay Sarah, pero dumarating din kasi ang mga oras na natatakot itong baka bigla na lang maagaw ng iba ang babaeng matagal nang nililigawan.

"Siguro kapag... Kapag marunong nang mag-plantsa, maglaba at magluto si Bernice," natatawang sagot ni Sarah.

"So alam mo na, na sa akin pa rin ang huling susi para sa matamis na 'oo' ni ate, Vic," nang-aasar na sabi ni Bernice.

Malakas na nagtawianan ang barkada sa naging sagot ni Sarah bago kinantyawan si Vic at muling nagpatuloy sa pagkanta at pagpasa ng kahon.

Ngunit tila biglang nawala ang energy ng iba nang matapos ang kanta at huminto sa mga kamay ni Miracle ang kahon na pinagpapasa-pasahan nila. Tila ang iba ay nagpapakiramdaman at nagtuturuan sa kung sino ang magtatanong sa weirdong kasama.

"Game! Truth or dare, Miracle?" nakangiting tanong ni Sarah upang basagin ang katahimikan ng lahat.

"T-truth na lang," sagot ni Miracle. Sa bawat tawanan ng mga kasama kanina ay ngiti lang ang nagiging kontribusyon niya. Hindi naman kasi siya natatawa at isa pa, habang tumatagal na magkakasama sila ay mas lalong hindi nagiging maganda ang pakiramdam niya.

"Sinong magtatanong?" si Liezl naman ang nagtanong sa mga kasama na nagpapakiramdaman pa rins a isa't-isa.

"Sige, ako na lang!" sa wakas ay prisinta ni Armand.

Hindi kaagad nito ibinato ang tanong na tila pinapa-excite ang mga kasama.

"Uhmmm," panimula ni Armand bago sinalubong ang mga tingin ni Miracle. "Totoo bang nakakakita ka ng multo?"

Natawa naman sina Kevin, Mark, Donna at Joyce sa tanong ni Armand.

"Ano bang tanong 'yan, Armand?"

Nabaling ang tingin ni Miracle kay Mark na biglang nagsalita.

"Iba na lang, totoo bang bestfriend kayo ni Kamatayan??" tanong ni Mark.

"Ang korni ng question mo, Mark. Ito na lang, nakikita mo ba kung paano mamamatay ang isang tao?" tanong ni Joyce.

"Nonsense!"

Mula kay Joyce ay nabaling ang tingin ni Miracle kay Kevin.

"What about this question, nakita mo na ba kung paaano kami mamamatay?"

Ang tanong ni Kevin ang tila biglang nagpalamig ng hanging yumayakap sa katawan ni Miracle. Nakita niya na nga ba? Oo... Gusto niyang sabihing, oo. Pero walang lumabas na kahit na anong salita mula sa bibig niya. At sa isang kisapmatang ginawa ng mga mata niya ay biglang nawala ang mga ulo ng mga kasama niya at binalot ng dugo ang katawan ng mga ito. Nagsimulang manginig ang buong katawan niya sa takot. Muli niyang naramdaman ang pamliyar na takot na kahit kailan ay hindi niya ninais na maramdaman. Ganitong-ganito kasi ang takot na naramdaman niya noong namatay ang teacher nila sa highschool, noong dalawin siya ni Tina sa panaginip at noong makita niya sa picture ang mga kaibigan na wala ng ulo.

"Miracle, okay ka lang ba?"

Saglit siyang napatingin sa kamay na humawak sa braso niya bago itinaas iyon sa mukha ng nagmamay-ari ng kamay. Si Bernice. May ulo na ito ngunit hiniling niya na sana ay wala na lang dahil mas nakakatakot ang hitsura nito ngayon, yupi ang bungo, pisak ang isang mata at naliligo sa sariling dugo. "Bitawan mo ako!"

At sa pagtayong ginawa niya ay bumalik sa normal ang hitsura ng mga kasama niya. Lahat ay may ulo na at walang bahid ng dugo ang mukha o katawan. "E-excuse me, guys," aniya bago nagsimulang maglakad pabalik sa kwarto niya. Hindi na talaga siya dapat sumama. Hindi sana siya nahihirapan ng ganito sa mga nakikita niya. Hindi niya sana nakikita ang kamatayan na sasapitin ng mga kaibigan niya.

"Miracle, wait..."

Napahinto siya sa paglalakad nang hawakan siya ni Sarah sa kamay. Naiiyak siyang humarap dito.

"Sorry sa inasal ng barkada natin, they don't mean it. Alam mo namang –"

"Sarah... Si Bernice..." putol niya sa sinasabi nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Sarah ang nag-iisang kapatid. Dapat niya bang sabihin dito ang nakita niya? "Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin o hindi. Pero si Bernice.... Nakita ko... Nakita ko kung paano siya –"

"Miracle, are you okay?"

Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi dahil sa biglang paglapit ni Bernice at Vic. Mukhang wala rin talagang patutunguhan ang lahat kahit sabihin niya pa kung ano ang mga nakita niya. Walang maniniwala sa kanya. "I'm sorry guys. Gusto ko nang matulog. Good night."


  • (11 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE