Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

Umuusok na paligid dahil sa mga nasunog na bahay. Umiiyak na mga tao. Nagkalat na mga bangkay.

Nanlalambot ang mga tuhod ni Sarah sa nakikita sa paligid na parang dinaanan ng malaking delubyo.

"Sarah..."

Nabaling ang tingin niya sa katabing si Samuel na ngayon ay kilala na nila bilang si Christoper. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. Walang may kasalanan sinoman sa atin."

Napapabuntong hininga namang tumango si Sarah.

"Polo, eto ang tubig. Uminom ka muna," sabi ni Bernice nang makalapit sa lalaking sumagip sa buhay niya sa pangalawang pagkakataon. Ito rin ang nagligtas kayna Sarah at Samuel mula sa nag-aapoy na bahay.

Hindi naman nakaligtas sa pansin ni Sarah ang pag-aasikaso ni Bernice kay Polo. Iba rin ang mga tinginan ng dalawa sa isa't-isa. Wala pa mang sinasabi si Bernice sa kanya ay ramdam niya na may pagtingin ang nag-iisa niyang kapatid sa lalaking taga-sitio.

"Bukod sa... Bukod sa pangalan mo, may iba ka pa bang natatandaan tungkol sa sarili mo," tanong ni Sarah sa katabing lalaki. Hindi niya alam kung bakit mula nang makaalala si Chris ay bahagyang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Para bang umiiwas na ito sa kanya.

"Ang naaalala ko lang, nagmamaneho ako paluwas ng Maynila nang madaling araw. Tapos may biglang makapal na usok ang sumalubong sa akin sa daan. Hanggang sa lumitaw ang isang malaking puno," kwento ni Topher na nasa malayo ang tingin. "Isang malaking puno na pinalilibutan ng malalaking ugat at baging."

"Ang puno na nadaanan at nabangga ng van na sinasakyan namin," sabi niya nang maalala ang puno na tinutkoy ni Topher. "Bago ang... Bago ang aksidente na iyon, may naalala ka na bang iba tungkol sa nakaraan mo?"

Tumahimik naman si Chris sa naging tanong ni Sarah na tila nag-iisip kung paano iyon sasagutin.

"Guys, kailangan daw tayong makausap ni Kakang Mido."

Sabay na napalingon sina Chris at Sarah sa tumawag na si Vic.

"Let's go, baka may importante siyang sasabihin," ani Chris.

Hindi pa man nakakasagot si Sarah ay kaagad nang naglakad palayo mula sa kinatatayuan niya si Chris. May nagbago talaga sa ikinikilos ng lalake. O sadyang si Chris mismo ang nagbago?

****

Magkakatabing nakaupo sa mahabang bangko sina Chris, Sarah, Bernice at Vic na nakaharap sa matandang si Kakang Mido.

"May ilang oras na lang bago ang tuluyang paglaho ng huling nagdurugong buwan," anang matandang nakatingin sa nag-iisang pulang buwan sa madilim na kalangitan bago ibinaling sa mga kausap ang tingin. "May ilang oras na lang at tuluyan nang lalamunin ng kadiliman ang lugar na ito kaya kakailanganin ninyo nang lumisan at kaagad na makarating sa tuktok ng bundok ng Kalubay kung nais ninyo pa talagang makalabas sa lugar na ito."

"Kakang Mido, paano kung hindi nila marating ang tuktok ng bundok sa tamang oras o hindi nila makita ang liwanag ng puting buwan. Maaari ba silang manatili at mamuhay dito sa sitio kasama natin?" si Polo ang nagtanong bago tumingin kay Bernice.

Muling napansin ni Sarah ang makahulugang mga tinginan ng kapatid niya at ng lalaking taga-sitio. Alam niya ang nais tukuyin ni Polo. Kung may pagkakataon ay nais nitong makasama si Bernice. Pero paano nga kung hindi nila makita ang liwanag?

"Kung makakarating sila ng buhay sa tuktok ng bundok at hindi makita ang liwanag ng puting buwan," saglit na tumikhim si Kakang Mido bago tumingin isa-isa sa kausap. "Maari silang manirahan dito bilang normal na taong parte ng sitio na ito."

Saglit na tumingin si Sarah sa katabing si Chris ngunit bigo siya na sagutin nito ang mga tingin niya. Noong una ay sapat na kahit si Bernice lang ang makasama niya kung sakaling hindi na sila makalabas ng Sitio Tatlong Buwan. Ngunit ngayon ay tahimik siyang nananalangin na sana pati si Chris ay makasama niya rin.

"Sa ngayon ay magsipag-ayos na muna kayo ng inyong mga kagamitan upang makaakayat na kayo ng bundok bago pa mahuli ang lahat."

"Sige po, salamat po Kakang Mido," halos sabay-sabay na tugon nila bago tumayo upang mag-ayos ng mga sarili.

"Ikaw..." sambit ni Kakang Mido.

Napalingon naman si Vic sa matanda dahil ramdam niyang siya ang tinutukoy nito. Naantala rin tuloy ang paglabas ng mga kasama niya. "Ako po?"

"Kung nais mo pang manatiling buhay ay mabuti pang h'wag ka nang sumama sa kanilang pag-akyat sa bundok," sagot ng matanda.

Napalunok si Vic sa narinig. Kahit kailan ay hindi siya naniwala sa kahit na anong kababalaghan. Tanging ang lugar na ito lamang ang nakapagpamulat sa kanya na maaari pala talagang mangyari ang mga bagay na tanging sa telebisyon niya lamang nakikita o sa mga libro naiimahe. Ilang araw na rin siyang tumatakbo at nakikipaglaban para sa sariling buhay at sa buhay ng pinakamamhal niyang si Sarah, ngayon pa ba siya susuko? Ngayon pa ba siya mamamatay? "Nakita ninyo na ba ang magiging kamatayan ko Kakang Mido?"

Saglit na tinitigan ni Kakang Mido si Vic. Hindi niya naman nakita ang kamatayan ng binatang kaharap. Pero naramdaman niyang wala na itong katawang lupa na babalikan sa totoong mundo. At kung mananatili ito sa Sitio Tatlong Buwan ay maaari pa itong mabuhay, ngunit kung magpapatuloy pa ito sa paglalakbay upang harapin ang iba pang halimaw na likha ng diablo isa lang ang maaaring mangyari, ang tuluyan na itong bawian ng buhay sa kanilang sitio. "Nasa mga kamay mo ang desisyon kung nais mo pa talagang magpatuloy ang iyong buhay."

Napaismik si Vic, mukhang nakatakda na nga siyang mamatay sa mundo nila. Naramdaman niya ang init ng palad ni Sarah na humawak sa kamay niya. Sinalubong niya ang mga tingin nito.

"Vic, pwede kang manatali ditto. Hindi kita pipilitin pang samahan kami paakayat ng bundok. Baka tama si Kakang Mido, baka ang buhay mo ang pinaka-manganganib sa lahat sa gagawin nating paglalakbay para hanapin ang puting buwan," sabi ni Sarah. Nais niyang lahat sila ay makabalik sa kanilang mundo, pero kung ang gagawin nilang paglalakabay ang mas maglalagay sa panganib sa buhay ni Vic ay mas nanaisin na niyang manatili ito sa lugar na ito.

Umiling anman si Vic bago ngumiti. "Sarah, kung nakatakda talaga akong mamatay, mas gusto kong mamatay na kasama kita sa huling sandali ng buhay ko."

"Pero Vic –"

"Shhh, nakapag-decide na ako. Sasama ako sa inyo sa pag-akyat ng bundok kahit ano pa man ang mangyari."

Napabuntong hininga si Sarah, mukhang wala na siyang magagawa upang mabago pa ang desisyon ng kaibigan.

"Sasamahan ko na rin po sila Kakang Mido, lubos pong masukal at mapanganib ang kanilang dadaanan," prisinta ni Polo.

"Sigurado ka ba?" tanong naman ni Kakang Mido kay Polo.

"Opo Kakang, nais ko po sanang..." tumingin si Polo kay Bernice bago sumagot. "Muling protektahan ang babaeng aking pinakamamahal hanggang sa mga huling oras ng pananatili niya sa ating sitio."

"Ikaw ang bahala, Polo. Basta't pag-iingatan mo lamang ang iyong sarili dahil ikaw ang higit sa lahat ang nakababatid kung anong dadaanan nila bago marating ang tuktok ng bundok."

Hindi na napigilan ni Bernice ang sarili at niyakap si Polo.

Nagpatuloy namang lumabas si Chris kasunod si Vic.

Napabuntong hininga naman si Sarah. Mukhang hindi nga siya nagkamali, sadyang may namumuo na ngang pagtitinginan sa kanyang kapatid at sa lalaking taga-sitio. "Bernice, hintayin na lang kita sa labas."

Ngumiti naman si Bernice bilang tugon kay Sarah.

Naabutan ni Sarah na nag-aayos ng mga itak na dadalhin sina Topher at Vic. "Para saan 'yan?"

"Ang sabi nina Kakang Lucio, kakailanganin raw natin ang mga ito," si Vic ang sumagot.

"Sasamahan pa rin nila tayo?" namamanghang muling tanong ni Sarah. Kung tutuusin ay tila wala ng responsibilidad sa kanila sina Kakang Lucio at Kardo kaya hindi siya makapaniwalang muli silang sasamahan ng dalawa.

"Oo, gusto raw nilang makasigurado na makakarating tayo sa tuktok ng bundok," si Vic muli ang sumagot.

Bigla namang naging malikot ang mga tingin ni Chris na inililibot sa paligid.

"Bakit pare?" tanong ni Vic.

"Wala ba kayong naaamoy?"

Napalibot na rin ng mga tingin si Sarah sa paligid na tila may hinahanap na kung ano. Pero bukod sa mga taong patuloy na nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit at kabahayan na nasunog ay wala na siyang ibang nakita. Walang nagkalat na mga karne o kung ano pa mang laman loob. Napakunot na ang noo niya nang habang tumatagal na ay mas tumatapng ang amoy. "Meron, parang... Parang nabubulok na karne o laman loob."



  • (13 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE