Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.


 Pawis ang noo at sapo ang dibdib na malakas ang kabog nang bumangon si Sarah mula sa higaan. Lalo siyang kinabahan nang hindi matagpuan si Bernice sa tabi niya.

"Good morning ate!"

Napapitlag siya sa biglang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Bernice. Medyo nakahinga na siya ng maluwag nang makita ang kapatid na walang bakas ng dugo sa mukha at katawan. "G-good morning Bernice..."

"Ate dinalhan kita ng fresh buko juice," lumapit si Bernice at inabot sa kanya ang hawak na buko na may straw.

"Thank you..." nakangiting sabi niya. Tuluyan nang napawi ang kaba sa dibdib niya. Siguro ay dala lamang ng mga sinabi ni Miracle kagabi ang naging bangungot niya.

"Ate, pakisuot naman sa akin itong kwintas ko."

Inabot niya ang krus na kwintas na nirelgalo niya dito bago pumuwesto si Bernice sa may harapan niya upang maisuot niya dito ng maayos ang kwintas.

"Thank you ate," anito Bernice bago siya niyakap ng mahigpit.

***

"Narinig ko ang kwento tungkol sa nightmare mo."

Napabuntong hininga si Sarah sa sinabi ni Miracle na nakaupo sa tabi niya sa may tabi ng dagat.

"Lahat ng panaginip may kahulugan... At madalas ang panaginip ay nagiging signos ng kamatayan."

Napalunok na napatingin siya kay Miracle na bakas ang kaseryosohan sa mukha.

"Hindi kita tinatakot Sarah. Hindi ko tinatakot ang sinoman sa barkada natin. Pero siguro nga tama sila, dapat hindi na lang ako sumama sa outing na ito. Pero hindi kakayanin ng konsensya ko na mamatay kayo ng hindi ako kasama. Lalo na kung... Kung nakita ko na ang signos ng kamatayan ninyong lahat."

"Miracle hindi ko maintindihan, ano bang sinasabi mo? Binangungot lang ako. Walang ibang ibig sabihin ang bangungot na 'yon..."

"Meron Sarah... Meron. At ang ibig sabihin noon ay dapat hindi na tayo pumunta sa lugar na ito. Dapat ay hindi na tayo tumuloy. Dapat hindi natin sinalubong si Kamatayan."

"Hey?"

Napalingon siya kay Vic na umupo sa kabilang tabi niya.

"Parang ang seryoso ng girls talk ninyo. Baka pwede akong maki-join?"

"H-hindi naman. Si Miracle kasi..." nalingunan niya si Mriacle na bigla nang tumayo at naglakad palayo sa kanila. "Sabi ko nga, si Mriacle kasi nag-walk out.""

"Wine?"

Umiling siya. "You know that I'm allergic."

"How about juice?"

Hindi na niya napigilan ang mapapngiti nang abutin ang isa pang basong nasa kabilang kamay ni Vic. "Thanks," sabi niya bago ibinalik ang tingin kay Bernice na naliligo sa dagat kasama ang ilang barkada.

"Last night na natin dito pero parang hindi ko nakita na nag-enjoy ka kahit konti. 'Yong nightmare mo pa rin ba?"

Hindi kaagad siya tumugon bago humigop ng juice. Si Vic at Liezl lang ang pinagkwentuhan niya tungkol sa bangungot niya, ayaw na kasi sana niyang makarating pa sa barkada lalo na kay Bernice. Gusto niya lang may mapagkwentuhan upang kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya pero hanggang ngayon ay matamlay pa rin siya. Idagdag pa ang akung anu-anong sinasabi ni Miracle sa kanya at sa barkada.

"H'wag mo na kasing masyadong isipin 'yon. Tingnan mo na lang si Bernice. She's totally fine. Actually, lahat kami ay okay. Kaya h'wag ka nang masyadong paranoid."

"Pero ang sabi kasi sa akin ni Miracle lahat ng panaginip ay may meaning."

"Ano ka ba? H'wag mo ngang pinapakingan ang sinasabi ng weird na 'yon? Kung bakit kasi napasama-sama pa 'yon sa atin. Ayan tuloy nagkakaroon ng bad vibes ang barkada lalo ka na."

"Don't be mean with Miracle. Mabait naman siya saka alam mo naman na wala siyang mas'yadong friends..."

"Kasi nga weird siya. Minsan nga napapaisip kami nina Armand kung best friend niya ba si Kamatayan."

"Bakit ninyo naman naisip 'yan?" kunot noong tanong niya.

"Kasi 'di ba remember, na-predict niya noon na patay na 'yung nawawalang pusa ni Liezl, saka 'yung pagkamatay noong isang teacher natin noong highschool dahil sa heart attack. Ang pinaka-creepy ay 'yung nahulaan niya kung anong nangyari sa isang classmate nating noong high school. Si... Si Tina ba 'yun? Akala pa nating lahat noon ay aksidente lang na nahulog siya sa tulay pero sinasabi ni Miracle na napapaginipan niya si Tina at humihingi ng tulong. Kesyo may tumulak raw sa kanya kaya nahulog at namatay sa ilalim ng tulay. And after two weeks nga, nalaman nating lahat na may bumully kay Tina at sinadya siyang i-hulog sa tulay. Ang creepy 'di ba? Kaya madalas, kapag tahimik 'yang si Miracle iniisip namin baka kausap niya si Kamatayan at nakikipagkwentuhan kung sino ang susunod na mamamatay," natatawang kwento ni Vic pero napahinto rin nang mapansin na lalong tumahimik ang kausap. "Uy Sarah, joke lang 'yun. Ano ka ba, h'wag mo masyadong seryosohin ang mga sinasabi ko. Gusto ko lang alisin ang paranoia na pinasok ni Miracle sa isip mo."

"Alam ko naman 'yun, don't worry."

"Vic, gawa na tayo ng bon fire."

Napalingon sila kay Kevin na may hawak na mga kahoy.

"Sige Sarah, gawa lang kami ng bonfire. Basta h'wag mo nang masyadong isipin ang mga kapraningan ni Miracle para hindi ka na madamay. Sunod ka sa amin ah."

Nakangiti naman siyang tumango bago ibinalik ang tingin sa may parte ng dagat kung nasaan masayang naglalangoy sine Bernice. Sa lahat ng mga sinabi ni Vic, hindi na niya ngayon maiwasan lalo ang ma-paranoid. Paano nga kung nakakausap ni Miracle si Kamatayan? Paano kung nakita at na-predict na nito ang magiging makatayan nilang lahat? Paano nga kung totoo ang sinasabi nitong mamamatay na silang lahat?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE