Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

"Prepare the defibrillator and i-intubate na siya."

"Monitor her pulser!"

"We can't let her go!"

"We can't let her go!"

"Start the chest compression!"

"One... Two... Three!"

"One... Two... Three!"

Magulo. Maingay. At napakabigat ng pakiramdam ko na halos hindi ko na maimulat ang aking mga mata. Naririnig ko ang mga sigawan sa paligid pero wala ako halos maintidihan. Gusto kong bumangon. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero nagsisimula na akong mahirapang huminga. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib na dahilan upang mas lalo akong kapusin ng hangin. Bumibigat hindi lang ang pakiramdam sa dibdib ko kung hindi pati na rin ang ulo at buong katawan ko. Nasaan ba ako? Ano bang nangyayari? Bakit parang ang hirap huminga? Ganito ba talaga kabigat ang pakiramdam kapag mamamatay na?

"Doc, we're losing her!"

"Don't give up!"

"Perform another heart compression!"

"One... Two... Three!"

"One... Two... Three!"

"One... Two... Three!"

Pakiramdam ko anumang oras ay sasabog na ang dibdib ko. Mali. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo at buong katawan ko sa kung ano man ang ginagawa sa akin ng mga tao sa paligid ko. Mukhang tama nga ako. Mamamatay na nga yata ako ako.

'Ate, kailangan mong mabuhay para sa mga pangarap natin. Para sa akin.'

Bernice? Si Bernice ba 'yon? Oo, boses ni Bernice 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali, boses iyon ng kapatid ko! Pero nasaan siya? Bakit hindi ko siya kasama? Bakit puro dilim lang ang nakikita ko? Nasaan ang kapatid ko?

'Maghihintay ako sa iyo, Sarah.'

Kaninong boses 'yon? Si Vic ba 'yon? Si Armand? Si Kevin? Isa ba sa barkada namin? Hindi! Hindi 'yon boses ng sinoman sa barkada namin. Naalala ko na... Naaalala ko na ang lahat. Naaalala ko na kung sino siya. Naaalala ko na kung anong nangyari. Naalala ko na ang lahat!

"Bernice!"

Humihingal na napabangon ako mula sa kinahihigaan ko na kung ano. Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa mga mata ko habang pinapalibutan ako ng napakaraming tao na puro nakaputi. Lahat sila ay nakatulala sa akin na tila gulat na gulat.

"D-Doc, a-all vitals are getting stable," nauutal na sabi ng isang babaeng nakaputi rin na nakahawak sa pulsuhan ko. Namimilog ang kanyang mga mata habang titig na titig sa akin. 

"Transfer her to recovery room."


  • (21 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE