Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

"Nand'yan po ba si Manang Abeng?" tanong ni Miracle sa dalawang lalaking nakabantay sa may pintuan ng kubong kinaroroonan ng matanda. Kanina lang ay pinalabas sila ng mga tauhan nito dahil sa susubukan raw ng matanda na gamutin ang mga sugatang ipinasok sa loob ng kubo. At nang makita niyang inilabas na ang mga katawang wala ng buhay mula sa loob ay saka lang siya naglakas loob nq bumalik. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang makausap ang matanda. Gusto niya itong makausap ng silang dalawa lamang.

"Nagpapahinga na ang matanda. Mabuti pang bumalik ka na lamang –"

"Papasukin ninyo siya!" malakas na sigaw ng matanda mula sa loob.

Binuksan naman kaagad ng isang lalaki ang pintuan kung saan ay nagsimula nang maglakad papasok si Miracle. 

"Maupo ka..." anang matanda habang patuloy sa paghuhugas ng kamay sa palangganang halos kulay dugo na ang laman na tubig. 

"Hindi ka isang ordinaryong bata," mahinang sabi ni Manang Abeng bago pinunasan ang kamay sa may makapal na tuwalaya na mapula na rin ang kulay. 

"A-ano pong ibig ninyong sabihin?"

"Alam kong alam mo na naiiba ka sa kanila. Hindi ka maaaring ihalintulad sa mga kasama mo... Isa kang espesyal na bata, Miracle."

Hindi niya alam kung naiiyak ba siya sa tuwa dahil sa sinabi ng matanda. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya natawag na isang espesyal. Lahat kasi ng mga nakikilala niya, ultimo ang sariling mga magulang at kapatid niya ay weirdo ang tingin sa kanya. At sa buong barkada, sina Liezl at Sarah lamang ang itinuturing niyang mga totoong kaibigan. Alam niyang ang ilan sa mga kasama ay kagaya lamang ng pamilya niyang weirdo ang tingin sa kanya. Kasalanan ba niya kung madalas ay napapanaginipan niya ang mangyayari sa hinaharap? Kasalanan ba niya kung nakakarinig siya ng mga bulong kahit walang taong nakapaligid sa kanya? Kasalanan ba niyang makita ang maaaring maging kamatayan ng isang tao? Kasalanan ba niyang maging isang espesyal

"Alam ko ang kakayahang mong makakausap ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay na... Ang kakayahan mong marinig ang mga bulong nila... At ang kakayahang mong makita pati na ang kamatayan na maaaring sapitin ninoman sa hinaharap."

Nababasa ba ng matanda ang nasa isipan niya ngayon? "Noong... Noong namalikmata ako at nakita kong walang ulo ang mga kabigan ko... Ang ibig sabihin po ba ay nakita ko na ring mamamatay silang lahat?"

"Maaaring oo... Maaaring hindi. Sa lugar na ito ang lahat ay posibleng mangyari. Kung makaligtas man sila sa mga halimaw sa labas ng baryo na ito, hindi ibig sabihin noon ay makababalik na sila sa mundo ninyo. Maaaring ang kaluluwa nila ay kabilang na sa mudong ito kagaya ng ibang taong dito tuluyang nanirahan at kailanman ay hindi na nakabalik sa mundo ng mga tao."

Saglit siyang natahimik. Ang buong akala kasi niya sa oras na marating nila ang tuktok ng bundok na sinasabi nito ay makakatawid na sila upang makabalik sa sarili nilang mundo. Ngunit hindi pala... Hindi pala ganoon kadali ang lahat.

"Kagaya nang sinabi ko Miracle ay naiiba ka sa mga kasama mo... Isa kang espesyal na bata... At ang isang espesyal na kagaya mo ay hindi nilikha upang patayin lamang sa labas ng mga halimaw na hayok sa laman-loob ng tao."

"Ngunit mga kaibigan ko silang Manang Abeng. Ayoko pong mapahamak silang lahat."

"Sigurado ka bang kaibigan mo silang lahat?"

Muli siyang natahimik... May punto kasi ang matanda sa sinabing iyon. Mukhang muli nitong nabasa ang nasa isipan niya.

Lumapit si Manang Abeng sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "H'wag mong hayaang masayang ang buhay mo para lang sa mga taong hindi marunong magpahalaga sa iyo..."

****

"Handa na ba ang inyong mga kagamitan?" 

Napalingon si Sarah sa nagtanong na matandang si Kakang Lucio habang inaayos ang maliit na bag na dadalhin sa munting paglalakbay. Wala naman siyang kakailanganin na maraming gamit kaya isang maliit na bag lang ang plano niyang bitbitin. "Handa na po Kakang Lucio."

"Sige, akin na ring sasabihan ang ating mga makakasama sa paghahanap sa kapatid mo," sagot pa ng matandang lalaki. Isa ito sa pinakamatanda sa sitio at halos alam na ang pasikot-sikot na daan patungo sa may paanan ng bundok.

Tango na lamang ang isinagot niya sa matanda. At sa paglabas nito ay ang pagpasok naman ni Miracle na ikinagulat niya dahil wala itong kahit na anong dalang gamit. "Miracle, b-bakit wala kang dalang gamit?"

"H-hindi ako sasama sa pag-akyat ninyo ng bundok, Sarah."

Namilog ang mga mata niya. "Pero bakit!?"

"Hindi kasi ako sigurado kung... Kung buhay pa ang katawang lupa ko sa mundo natin."

Pakiramdam niya sa tuwing magsasalita si Miracle ay lalo siyang naguguluhan. Napabaling na lamang ang mga tingin niya sa kamay nito na humawak sa mga kamay niya.

"Kapag nakita ninyo na si Bernice, umakyat kaagad kayo sa may tuktok ng bundok. Tandaaan mo, sa bawat beinte quatro oras na lilipas ay may isang buwan na mawawala. At kailangan ninyong makaakyat sa tuktok ng budok bago sumapit ang tinatawag nilang Diablong Takip Silim."

Napalunok siya sa narinig kahit hindi niya alam kung ano iyon. Saan ba kasi nakukuha ni Miracle ang mga pinagsasasabi nito ngayon!? 

"Sa gabi ng Diablong Takip Silim, lalamunin ng kadiliminan ang buong lugar na ito.. Wala nang kahit na isang dumudugong buwan ang maaaring magbigay liwanag. Tatagal iyon ng isang buong gabi. At sinomang tao ay walang kahit na anong makikita. Tanging ang mga halimaw lamang sa paligid natin ang maaaring makakita. Ang mga halimaw na hayok sa laman loob ng tao. Uulitin ko, bago mangyari ang gabi na iyon ay kailangan ninyong makarating na kayo sa tuktok ng bundok. Kailangan ninyong makita ang liwanag. Ang liwanag na maghahatid sa inyo sa pabalik sa mundo natin."

Naramdaman niya ang bahagyang pagpisil ni Miracle sa kamay niya. Hindi na tuloy niya napigilan ang sarili na maiyak. "Miracle..."

"Don't worry Sarah, I'll be fine here. Mababait silang tao. Lalo na si Manang Abeng. Tanggap nila ako sa kahit na anong ka-weirduhan ko na... Na hindi matanggap ng mga kaibigan natin."

"Hindi ka weird!"

Gumuhit ang pilit na ngiti sa mga labi ni Miracle. "Thank you Sarah for accepting me for what I am. Sobrang na-appreciate ko lahat ng mga nagawa mo para sa akin."

Isang mahigpit na yakap ang itinugon niya sa kabigan bago pinunasan ang mga luha.

"Anong drama 'to?" nakakunot noong tanong ni Donna na pumasok sa loob kasunod sina Joyce at Armand.

Mabilis na naghiwalay ang mga katawan nila sa pagpasok nina Armand at Donna.

"I heard na hindi ka na raw sasama sa paghahanap kay Bernice? Well, that's actually a good news for us. At least wala ng freak na kasama sa barakda. Baka nga ikaw pa ang magpahamak sa amin."

"Armand stop it..."

"Wala naman akong sinabi na maniwala kayo sa lahat ng sinabi ko..." ani Miracle na nakakuyom na ang mga palad upang mapigilan ang inis na nararamdaman. 

"Well, I don't believe those any superstitious things so I don't believe you, Miracle. Actually may point ang babe ko, ikaw ang salot sa barkada kaya thank you ha? Thank you at sa wakas ay naisipan mo nang lumayo sa amin!" singhal ni Donna.

"Guys tama na... Hindi ninyo pa ba titigilan si Miracle!? Instead na mag-away-away tayo, hindi ba pwedeng iwanan natin si Miracle ng tahimik sa lugar na ito!?"

"Whatever Sarah! Basta thankful ako kasi sa wakas ay mawawala na sa barkada ang nag-iisang taong sumira ng bakasyon natin. Ang taong naging dahlia kung bakit nandito tayong lahat sa impyernong lugar nito. Ang dahilan kung bakit namatay sina Mark at Liezl. Kasalanan mo lahat ito Miracle!"

"Guys! Guys!" sigaw nang humahangos na si Kevin ang nagpahintoo kay Joyce sa gagawin sanang pagsugod kay Miracle. "Lumabas kayo! Dali!!!"

Kaagad silang tumalima dito at magkakasunod na lumabas.

"Thi is... Imposible..." halos pabulong na bulalas ni Armand.

Namilog naman ang mga mata ni Sarah na hindi makapaniwala sa nakikita. Dahil sa hindi pa lumlubog ang araw ay malinaw nilang nakikita sa kalangitan ang....

Tatlong buwan na halos kasing pula ng dugo ang mga kulay.   


  • (10 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE