Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Sitio Tatlong Buwan

Image Description TheLadyInBlack09   |   28 August 2018


Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.


Nanginginig ang kamay ko habang nangangapa sa pinagkukublihan kong munting kubo. Napalunok pa ako nang sa wakas ay makadampot ako ng matalim na bagay. Isang kutsilyo. Bahagya akong tumayo upang sumilip sa labas ng bintana kung saan ay nag-iisang dumudugong buwan na lamang ang tanging nagbibigay liwanag. Pangatlong gabi na buhat nang makarating kaming magbabarkada sa sitio na ito at ilang oras na lang ay batid kong tuluyang na ring maglalaho ang huling pulang buwan na iyon. Tuluyan nang lalamunin ng dilim ang paligid. At tuluyan na rin akong lalamunin ng mga halimaw na nakapaligid sa kubong kinalalagyan ko ngayon.

Binuksan ko ang dala kong video camera at iniharap sa mukha ko. Alam kong ito na ang huling pagkakataon upang makapagpaalam ako sa kanila. "M-Mama... P-Papa... " suminghot muna ako ng sipong tumutuloy nang tumulo sa bibig ko. Hindi ko alam kung makakalabas pa ko ng buhay. Ang alam ko lang ay gusto ko pang mabuhay.

Sampu kaming magkakaibigan ang napadpad dito sa Sitio Tatlong Buwan. Ang sitio na may tatlong pulang buwan na nagbibigay liwanag sa bawat gabi. At sa aming sampung ay tanging ako na lamang ang nabubuhay. Lahat sila kasama ng nobyo ko ay napatay ng mga kalikoy, umwak, koriri at kung anu-ano pang halimaw na nasa paligid ng sitio na ito. Nakita ko kung paano kainin ng mga halimaw ang laman loob nila. Nakita ko kung paanong mawasak ang mga katawan nila. Nakita ko kung paano bumulwak ang mga dugo sa bibig at mga mata nila. Ang mga dugo at laman loob na tumilamsik na rin sa mukha at katawan ko. Mga dugo at laman na halos malasahan ko na.

At ako... Ako na lang ang natitira sa aming sampu. Ako na lang ang nabubuhay.

"S-sorry p-po kung nagsinungaling ako... P-pero gusto ko pong malaman ninyo na... N-na mahal na mahal ko po kayo. S-soryy –" Bigla kong nabitawan ang hawak kong camera bago napahawak nang mahigpit sa bibig ko. Pinunasan ko ang mukha kong naghahalo na ang sipon, luha, pawis at dugo. Nagsimula nang mangatal ang mga labi ko nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto kaya nagsumiksik ako sa pinakasulok ng kubo habang hawak ang matalim na kutsilyo. Naririnig ko na ang ingay na ginagawa ng mga halimaw na nagsisimulang magsaliksik sa palligid. Hinahanap na nila ako. Hinahanap na nila ang amoy ko. Ang amoy ng karne ng tao. "H-hindi ninyo ako mapapatay... H-hindi..."

Tuluyan na akong hindi nakaalis sa kinatatayuan ko nang biglang mag-alarm ang suot kong relo. Tanda na sampung segundo na lang ay tuluyang nang mawawala ang ikatlong pulang buwan. Tuluyan nang lalamunin ng dilim ang sitio na ito.

Sinubukan kong tumakbo pero narinig kong nag-uunanahan nang makalapit sa akin ang mga halimaw na hayok sa dugo at laman ng tao. Nanginginig man ang katawan ko ay pinilit ko pa ring muling magpakatatag sa kinatatayuan ko upang harapin sila. Harapin ang dilaw nilang mga mata at matatalim na pangil. Itinaas ako ang hawak kong kutsilyo at iwinasiwas sa naglalaway nilang mga bibig na anumang oras ay hanJoyce sakmalin ako. Ngunit bago pa tuluyang lamunin ng dilim ang buong sitio at pagpiyestahn ng mga pangil nila ang katawan ko ay wawakasan ko na lahat. Wawakasan ko na ang dapat na wakasan.

"I'm sorry Papa... Mama..." bulong ko bago tuluyan at nanggigil na nilaslas ang sarili ko lalamunan. Kaagad na bumagsak ang katawan ko sa sementadong sahig at nagsimulang mangisay. Ganito ba ang pakiramdam nang mamamatay na? Nahihirapan akong huminga pero wala akong nararamdamang sakit. Nagsisimula na ring bumigat ang pakiramdam ko sa talukap ng mga mata kong pilit kong nilalabanan. Markit-ulit at pilit ko pang nilabanan. Pero bago tuluyang magdilim ang paningin ko ay nakita at naramdamamn ko ang kanya-kanyang pagsakmal ng mga matatalim na pangil sa ulo, braso, tyan at mga hita ko. Nagkanya-kanya na sila nang lamon sa mga laman loob ko habang ang leeg ko ay wala pa ring tigil sa pagsambulat ng mga dugo. Nagsimula nang matakpan nang makapal na ulap ang huling pulang buwan habang umaalulong ang mga halimaw na nakapaligid sa wakwak ko nang katawan. At kasunod nang tuluyang paghinto nang hininga ko ay ang paglaho ng ikatlong pulang buwan sa labas ng kubo. Nilamon ng kadiliman ang buong Sitio Tatlong Buwan.


  • (7 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018