Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

“Pansamantala ay ligtas na tayosa lugar na ito,” ani Emil.

“Nasaan na tayo?!” hinihingalna tanong naman ni Samuel. May isang oras din silang walang tigil na tumakbo hanggang sa pumaoks sa isang kwebang puro itim ang paligid.

“Sa may kwebang itim,”sagot ni Kakang Lucio. Nagsimula na itong maghanapng mga kahoy sa paligid bago inilagay sa gitna.

“A-anong ginagawa ninyo?” tanong niSarah nang makitang gumagawa ng apoy sa gitna ang matanda. Sa kamay ni Samuel siya napakapit kanina at apat na lang silang magkakasama ngayon nina Emil ay Kakang Lucio. 

“’Kailangan ng ating mga katawan ng kaunting pahinga upang muli ay magkroon tayo ng lakas na magpatuloy sa paghahanap sa iyong kapatid,” sagot ng matanda habang patuloy sa ginagawa. “Emil, maghanap ka ng iba pang kahoy na maaari nating gamitin.”

“Pero hindi pwede. Hindi tayo pwedeng huminto ngayon,” naiiyak na sabi niya. Ngayong hindi niya alam kung may buhay pa sa mga kasama niyang napahiwalay sa kanila ay mas lalong niyang nais na mahanap kaagad si Bernice.

“Sarah…” 

Napalingon siya kay Samuel na humawak sa kamay niya.

“Hindi tayo hihinto sa paghahanap kay Bernice. Magpapahinga lang tayo.”

“Pero Samuel –“ Hindi na niya nagawang magsalita nang ilapat ni Samuel ang hintuturo sa mga labi niya kasunod ang pagpunas ng mga hinlalakinito sa mga luhang muling lumalandas sa pisngi niya.

“I told you, tutulungan at sasamahan kitang hanapin ang kapatid mo pero hindi ko hahayaang ikaw naman ang mapahamak bago pa natin siya makita. Kaya please, makinig ka sa amin. Kailangan nating magpahinga. Kailangan mong magpahinga…”

Tuluyan nang nakulong ang mga pisngi niyaa sa magkabilang palad ni Samuel. Napakabigat ng pakiramdam niya kanina lalo na at nakita niya kung paano malagutan ng hininga ang isa sa mga kaibiga niya kanina ngunit ngayon ay unti-unti na iyong gumagaan. At kung paanong napapagaan ni Samuel ang loob niya ng ganoon kabilisay hindi niya alam. “T-thank you…”


***


“Bitawan ninyo ako!” marahasna binawi niArmand ang mga kamay mula sa mga kasama nang sa wakas ay huminto sila sa pagtakbo. 

“Ibinilin ni Manang Abeng na hangga’t maaari ay protektahan namin ang bawat isa sa inyo,” matigas na sagot ni Kardo habang inililibot ang paningin sa paligid at sa ilog na malapit sa kinatatayuan nila. 

“Eh bakit hindi ninyo nagawang iligtas ang girlfriend ko!?” pagalit na tanong ni Armand na na na nababalot pa rin ng dugo ang buong mukha at katawan. “Mga wala kayong kwenta!”

“Armand, tama na… Ginawa naman nila ang lahat para iligtas tayo. N-nagkataon lang na… Na hindi naka-survive si Donna,” ani Joyce na namumugto na ang mga mata. Nanginginig pa rin ito sa tuwing maalala kung paanong pinag-agawan ng dalawang malaking taong ibon ang katawan ng kaibigan.

“Hindi lang kayo ang namatayan ng kasama,” ani Kakang Temyong habang ibinababa ang malaking bag na gawa sa banig at inilalabas ang ilang gamit mula doon. “Namatay ang nag-iisa kong anak na si Domeng dahil sa paglalakbay na ito.”

Lahat sila ay natahimik sa sinabi ng matanda. Ang bawat isa ay nakaramdamng awa para dito.Kung tutuusin kasi ay hindi naman sila kaano-ano ng mga ito pero sinamahan pa rin sila kahit napakapanganib ng dadaanan nila patungo sa bundok na sinasabi ni Manang Abeng. 

Naglakad ang matanda sa may gilid ng ilog at binasa ang hawak na tela bago iniabot kay Armand.“Linisin mo na ang sarili mo.”

Tila kumalma naman si Armand sa wakas at tumalima kay Kakang Temyong.

Nagkanya-kanya ng kilos ang bawat isa na lumapit sa ilog upang linisin ang mga sarili. 

“Pare, ayos ka lang?” tanong ni Kevin kay Vic na napansing kanina pa tahimik. 

Napabuntong hininga naman si Vic bago tumango bilang tugon sa tanong ni Kevin. Hindi pa rin kasi maalis sa isip niya si Sarah kahit malakas ang pakiramdam niya na ligtas ito. Nakita niya kasi itong tumatakbo kanina habang nakahawak sa kamay ni Samuel.

“Si Sarah ba? Don’t worry pare, I am confident na ligtas siya. Nakita kong nakatakbo sila palayo nina Samuel.”

Muliniyang hinilamusan ang sariling mukha bago lumingon kay Kevin. “’Yon na nga eh, lalo akong hindi napapanatag. Kasi magkasama silang dalawa.”

“Pare, kung ako sa iyo, h’wag mo munang isipin ang nararamdaman mong selos. Ang mahalaga, alam nating ligtas si Sarah at lahat tayo ay ligtas sa ngayon.”

Pinilit niyang ngumiti dahil sa sinabi ni Kevin. Tama naman ito, sa ngayon ay kaligtasan nilang lahat ang pianakamahalaga. 

Samantalang biglang napahinto si Kardo sa ginagawang paglilinis sa sarili dahil sa kakaibang mga huni na naririnig hindi kalayuan sa kinatatayuan. Nakaramdam ito ng kaba dahil sa pamilyar na mga huni bago mabilis na kumilos at lumayo sa tubig. “Tapos na ba kayong maglinisng inyong mga sarili?”

“Matatapos na po Mang Kardo,” si Joyce ang sumagot.

“Mangyari lamang na pakibilisan ninyo dahil hindi na maganda ang agos ng tubig sa ilog,” muling sabi nito.

Kaagad silang tumalima at mas binlisan ang paglilinis sa mga sarili.

“Sumunod na kayo sa akin…” 

Napansin na ni Vic ang tila kakaibang ikinikilos ng sinusundang lalaki. Para kasing hindi ito mapakali habang naglalakad. Palinga-linga at saglit na hihinto na tila may pinakikiramdaman o pinakikingan sa paligid. 

“Siguro ay maaari na tayong magpahinga kahit dalawang oras lang dito,”ani Kadyo na nagsimulang gumawa ng apoy sa gitna gamit ang mga pinulot na kahoy na nadaanan kanina.

“Maaari ninyo itong gamiting panlatag sa hihigaan ninyo upang kahit paano ay makapagpahinga kayo ng maayos,” si Kakang Temyong ang nagsalita habang iniaabot ang mga malalaking dahon ng saging.

“Salamat po,” ani Vic.

Nagkanya-kanya na sila ng ayos ng mahihigaan nang muling lumapit si Kadyo.

“Ilagay ninyo ang mga ito sa inyong mga tainga upang matkakpan ang inyong mga pandinig,” ani Kadyo habang iniaabot ang tila ibinilog na maliliit na dahon. “Mapanganib ang lugar na ito. Narinig kong umaawit ang mga magindara kanina kaya anumang oras ay maaari nila tayong tuksuhin na lumapit sa kanila gamit ang kanilang magagandang boses.”

“Ano po ‘yong magindara?” tanong ni Vic.

“Sila ang mga nilalang sa ilog na madalas na ginagamit ang kanilang magandang boses upang makapangbiktima ng kanilang magiging pagkain.”

“Ano po ba ang mga pagkain nila?” muli ay curious na tanong pa ni Vic.

“Tao…” sagot ni Kardo habang naglalatag ng sariling hihigaan. “Maganda ang mukha nila at makinis ang mga balat, ngunit matalim ang mga kuko at kaliskis ng kanilang mga buntot.”

“Wait! Magindara is a mermaind, right? I mean, ‘yong mga tao na kalahati ng katawan ay buntot ng isda?” namamanghang tanong ni Joyce. Unti-unti na itong kumakalma mula sa pagkamatay ni Donna. “Shet! Bata pa lang ako ay gusto ko nang makakita ng mga mermaids!” 

“Walang sinomang tao ang nanaisin silang makita o kahit marinig man lang ang kanilang mga tinig,” si Kakang Temyong ang sumagot. “Wala sinomang taga-sitio ang nanaising marinig ang kanilang mga awitin kahit gaano pa iyon kaganda.”

“B-bakit po?” pakiramdam ni Vic ay may ideya na siya sa isasagot ng matanda ngunit nais niya pa rin iyong marinig mula dito.

“Ang mga magindara ay may kapangyarihang makabighani ngsinomang makaririnig ng kanilang awitin.”

“Ano pong mangyayari kapag narinig namin silang kumakanta at nabighani na kami?” si Kevin ang nagtanong.

“Mapapasailalim kayo sa kanilang kapangyarihan at ikaw mismo ang maghahanap kung nasaan sila…”

“Pagkatapos ay ano pong mangyayari kapag nakita namin sila.” Pakiramdam ni Joyce ay binabalot nang lamig ang katawan niya dahil sa sinasabi ng matandang kausap kaya tuluyan nang nawala ang excitement na kanina lang ay nararamdaman niya.

“Hudyat na iyon na katapusan ng iyong buhay dahil sinomang tao ang kanilang makita ay handa nilang paslangin upang maging laman ng kanilang mga sikmura…”

Saglit na namayani ang katahimikan sa kanilang lahat na tila nagpapakiramdaman. At sa sobrang tahimik ng paligid ay sabay-sabay nilang narinig ang kakaiba ngunit napakagandang tinig ng mga babaeng umaawit.

“Madali kayo, takpan ninyo na ang inyong mga tainga. Batid kong nararmdaman nilang may mga tao na malapit sa kanila kaya sila umaawit. Basta’t magpapahinga muna tayo dito ng dalawang oras at h’wag na h’wag ninyong aalisin ang mga dahon na ‘yan sa butas ng inyong mga tainga kung nais ninyo pang mabuhay,” ang mahabang bilin na iyon ni Kakang temyong ang huling narinig ngbawat isa bago tuluyan tinakpan ng hawak na mga bilog ang butas ng kani-kanilang mga tainga. 



  • (8 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE