Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.


Masakit ang pakiramdam ni Sarah sa ulo at sa buong katawan nang imulat ang mga mata. Naramdaman niyang may kung anong malapot ang tumutulo sa may noo niya. Lalong sumakit ang pakiramdam niya sa ulo nang masapo ang likidong nasa may noo niya.

Dugo.

Pakiramdam niya ay nanginig ang buong katawan niya nang makita si Mark na duguan ang mukhang nakasubsob sa manibela at si Vic na may ilang bubog sa duguan ring mukha at nakalungayngay ang ulo. Inilibot niya ang paningin sa harapan. Bumangga sila sa isang malaking puno kung saan ang mga baging ay halos pumasok na sa loob ng kotse dahil sa mga basag na bintana. Ito ang napakalaking punong nadaanan nila bago sila pumunta ng resort.

"B-Bernice!" At sa kabila nang panginginig ng katawan at kalamnan ay pinilit niyang bumaba ng kotse. Maulap pa rin sa paligid at halos hindi niya na makita ang inaapakang lupa. Ngunit pakiramdam niya ay lalo siyang nanlambot nang makitang wasak na wasak ang pinto ng van at duguan ang lahat ng tao sa loob. Ngunit ang mas lalong nakapanlumo sa kanya ay nang hindi makita si Bernice doon. "B-Bernice?!" sinilip pa niya ang pinakaloob ngunit wala siyang Bernice na nakita. Paika-ika siyang naglakad at halos ikutin na ang van habang sumisigaw. "Bernice nasaan ka?! Bernice! Bernice!!!"

Napahinto siya sa pagsigaw nang may biglang lumitaw na matatalim at pulang mga mata sa maulap na paligid. Maraming mga mata na tila ba ay pinapalibutan siya. Kasunod ang mga pag-alulong ng tila mga malalaking asong nakapalibot sa kanya. Nagsimulang mangatal ang mga labi niya kasunod ang muling panlalambot ng mga tuhod niya na anumang oras ay bibigay na. Dahan-dahan siyang napaatras pabalik sa van. "T-Tulong... Tulungan ninyo ako!" Nanlaki ang mga mata niya nang unti-unting mahawi ang mga ulap at tuluyang nagpakita na ang mga nilalang na nagmamay-ari ng matatalim at mapupulang mga mata. Ang nilalang ay may katawan ng tao na binabalot ng sobrang kapal na balahibo at ang lalong nagpahindik sa kanya ay nang makitang may ulo ito ng isang naglalaway na asong may matatalim na pangil na handang manakmal anumang oras. Hindi na niya napigilan ang maiyak nang makita hawak ng duguan nitong kamay na may mahahaba at matutulis na kuko. Ang pugot na ulo ng kapatid niya. 

"Bernice!!!"


  • (17 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE