Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

Malapit nang lumubog ang araw at nagsisimula nang kainin ng dilim ang buong paligid. 

"Mag-iingat kayo," ani Miracle.

"Sigurado ka bang hindi ka na sasama sa amin. Miracle?" tanong ni Sarah. Nako-konsesya kasi siyang iwanan ito kasama ang mga tao sa lugar na iyon. Ngunit sa pagkakakilala niya kay Miracle, sa oras na makapag-desisyon ito ay hindi na iyon basta-basta magbabago. 

Nakangiti namang tumango si Miracle. "I'll be fine here. Basta, mag-iingat kayo. Ipagdarasal ko na makita ninyo na si Bernice para makaakyat kaagad kayo sa bundok."

Isang mahigpit na yakap pa ang ibinigay niya kay Miracle bago hinarap si Manang Abeng. 

"Ito ang tatandaan ninyong lahat, makikinig kayong mabuti kay na Lucio at Temyo. H'wag na h'wag kayong hihiwalay sa kanila o sa inyong mga kasama. Kung nais ninyo talagang mabuhay at makabalik sa inyong mundo, matuto kayong gumalang at sumunod." Napakaseryoso ng mukha ni Manang Abeng habang isa-isang tintingnan ang mga estrangherong paalis ng barrio. 

"Whatever!" Donna rolled her eyes. "Hindi pa ba tayo aalis?"

"Oo nga, padilim na oh!" gatong pa ni Joyce. 

"Pwede ba guys, saglit na lang. Tumahimik muna kayo!" saway ni Vic. Kanina pa ito nagpipigil sa nakakainis na inaasal ng mga kasama.

"Sarah..." Muling humarap Sarah sa matandang babae na sa kanya na rin ang tingin. "Maaaring makita mo ang kapatid mo... Pero tandaan mo, may mga bagay na kailangan mong tanggapin kahit alam mong hindi mo kakayanin. Ano pa man ang matukalsan mo sa tuktok ng bundok ng Kalubay... Kailangang magpakatatag ka."

Kaagad na namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata kasunod ang paglandas ng mga iyon sa magkabila niyang pisngi. Para kasing hindi niya nagugustuhan ang ibig sabihin ng matanda sa mga salitang binibitawan nito ngayon. 

"Sarah..."

Tila nagising siya sa saglit na pagkatulala nang maramdaman ang kamay ni Samuel sa kamay niya.

"I think we have to go."

Muling niyakap ni Miracle si Sarah bago bumaling sa mga kasama ng kaibigan. "Mag-iingat kayong lahat..."

"Let's go Sarah." Inagaw naman ni Vic ang kamay ni Sarah mula kay Samuel.

Isang ngiti ang iniwanan ni Sarah kay Miracle bago tumalima kay Vic. Labing dalawa silang lahat na patungo sa may paanan ng bundok upang hanapin si Bernice. Kasama nila ang dalawa sa pinakamatanda sa sitio na sina Kakang Lucio at Kakang Temyong at tatlong lalaking may kaedaran na rin na sina Kardo, Emil at Domeng. At bago siya nagpatuloy muli s apaglalakad ay saglit siyang tumigil bago tumingala sa tatlong mapupulang buwan na nasa madilim ng kalangitan. "Hahanapin kita Bernice... Kahit anong mangyari, hahanapin kita."

*****

"Hey, can we take a little break kahit saglit lang? Ang sakit na ng mga paa ko oh!" maarteng reklamo ni Donna. Huminto ito sa paglalakad na dahilan upang ikahinto rin ng lahat.

Saglit na nagkatinginan ang limang lalaking kasama ng barkada at mahinang nag-usap-usap.

"Hindi pa tayo maaaring magpahinga," si Kakang Tenyong ang sumagot habang lumilinga sa taas na tila may hinahanap na kung ano. 

"Bakit hindi pa?! Eh dalawang oras na tayong naglalakad manong?" si Arman naman ang nagreklamo.

"Guys, h'wag na muna tayong magreklamo. Konting tiis na lang," pangungumbinsi ni Sarah kahit na siya mismo ay nakakaramdam na ng pagod. Napapalibutan sila ng matataas na puno kaya malamig ang simoy ng hangin sa paligid.

"Kung nais ninyong magpahinga ay h'wag sa lugar naito. Kailangan nating makaalis kaagad dito," ani Domeng.

"Eh bakit ba kasi hindi pwedeng dito na lang muna magpahinga. Saktong-sakto oh, mapuno at malamig," ani Kevin. 

"Dahil hindi ligtas ang lugar na ito para sa kaninoman. Malapit dito ang pugad ng mga garuda," si Emil ang sumagot habang nakatingala rin sa matataas na puno at kalangitan. "Karamihan sa kanila ay nagtatago sa taas ng mga puno."

"Garuda? Ano nanamng insekto 'yan!?" inis na tanong ni Armand. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumbisido sa mga kwento ng mga tagasito. Hindi naman kasi ito naniniwala sa mga multo mas lalo na sa mga halimaw o laman-lupa. At sigurado itong may sciencetific explanation ang lahat ng nangyayari sa sitio pati na ang pagkakaroon ng tatlong mapupulang buwan. 

"Garuda ay ang mga taong ibon. Dito sila sa lugar na ito naglulungga kaya hindi tayo dapat nagtatagal dito," ani Domeng.

"Nine o'clock," ani Vic habang nakatingin sa suot na relo ng biglang tila may malaking aninong dumaan sa may kinatatayuan nito kaya kaagad na napatingala. "Ano 'yon?"

"Nandito na sila, kailangan na nating umalis di – Ahhhhh!!!"

"Oh my God!!!"

Halos lahat sila ay natumba dahil sa malakas na hanging biglang dumaan, ngunit ang nagpanginig sa mga tuhod nila ay ang biglang pagdagit kay Domeng ng isang tila malaking ibon. Isang malaking ibon na halos sampung talampakan ang laki, may pakpak na parang sa agila, ang kamay at katawan ay parang sa tao ngunit ang mga paa at ulo ay parang sa ibon. May mahahaba itong mga kuko at pangil, matatalim na mga mata at dalawang sungay sa ulo.

"Tulungan ninyo ako!!!" malakas na sigaw ni Domeng habang nasa ere at bitbit ng malaking garuda.

Nagsimula nang dumating ang ilan pang mga garuda at sinubukang dagitin ang ilan sa kanila. 

"Takbo!!! Nandito na ang mga garuda!!!" sigaw ni Kakang Lucio.

Hindi naman kaagad nakakilos si Sarah dahil sa pagkagimpal lalo na nang makita na may garuda na lumilpad papalapit sa kanya. Nakabuka ang mahahabang kuko nito na tila handang-handa na siyang dagitin. 

"Sarah!" Kaagad na iniharang ni Samuel ang sariling katawan sa papalapit na garuda. Halos isang dipa na lamang ang layo ng taong ibon mula sa binata ng bigla itong huminto sa paglapit at saglit pang nakipagtitigan kay Samuel bago ito umalis habang malakas na humuni.

"Oh my God, si Donna!" nanlalaki ang mga mata ni Joyce nang makita si Donna na biglang nadagit ng isa sa mga lumilipad na garuda.

Naging mabilis naman si Armand at kaagad na nakahawak sa may mga binti ni Donna, kaya hindi kaagad nakalipad ng mataas ang garuda na nagsimulang makipag-agawan sa katawan ni Donna.

"Armand! Armand h'wag mo akong bibitawan. Parang awa mo na!" iyak ni Donna. Bumaon na sa mga balikat nito ang mahahabal at matatalim na kuko ng garuda at nagsisimula nang dumugo.

"Hinding-hindi kita bibitawan, Donna!" sigaw ni Armang habang nakapikit na dahil sa sobrang higpit ng yakap sa mga binti ng nobya. Hanggang sa may kung anong likido itong naramdaman na tumutulo sa ulunan patungo sa katawan na hindi nito alam kung ano.

"Ahhhhhh!!!" malakas na sigaw ni Donna dahil sa matinding sakit na naramdaman. Pakiramdam nito ay matatanggal na ang mga balikat dahil sa pagkakabaon ng mga mahahabang kuko ng taong ibon.

"Armand, bitawan mo na Donna! Dumarami na sila!" sigaw ni Joyce habang nakayuko at pilit na umiiwas sa mga lumilipad na malalaking nilalang. 

"Armand, may papalapit na sa 'yo!" nanlalaki ang mga matang sigaw naman ni Kevin.

Isang garuda na hayok sa laman ang matalim ang tingin ng mapupulang mga mata kay Armand. Palapit na ito sa kinatatayuan ng binata at hindi man ito madagit ng taong ibon ay sisisguraduhin nitong may madadagait ang matutulis nitong mga kuko.

"Armand!!!" sigaw ni Vic.

Hindi nagpatinag si Armand. Hindi na nito naririnig pa ang mga sigaw ni Donna at basang-basa na ng kung anong malagkit at malansang likido ang ulo at katawan pero hindi ito bibitawan. Hindi nito hahayaang mamatay ang kasintahan. 

"Armand nand'yan na sila!!!" sigaw ni Sarah.

Tuluyan nang nabitawan ni Armand ang mga binti ni Donna nnang bigla itong itulak ni Emil na ikinatumba ng dalawa sa lupa. "N-no!" Kitang-kita ng mga mata nito ang duguan ng katawan ng nobya at nakaulngayngay na ulo. At ang likidong kanina pa bumabalot sa ulo at sariling katawan ay ang mga dugong nagmumula sa butas ng mga balikat ni Donna. 

"Donna!" sigaw pa ni Sarah nang biglang may dumating pa na garuda at kinapitan ang mga paa ng wala ng buhay na si Donna. Kitang-kita niya kung paanong tila mag-away at nag-aagawan ang dalawang malaking taong ibon sa katawan ng kaibigan niya hanggang sa tuluyan ng maputol ang katawan nito.

"Sarah! Let's go!"

Hindi na niya alam kung kaninong kamay ang kinapitan niya bago pikit matang tumakbo ng tumakbo. Ilang beses siyang nadapa ngunit kaagad na tumatayo. Kailangan niyang tumakbo. Kailangan niyang magtago. At kailangan niyang mabuhay para sa kapatid niya.


  • (8 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE