Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

Naramdaman ni Sarah ang mahigpit na yakap ng kanyang Tita Mely habang ang mga tingin niya ay hindi inaalis sa kabaong na ibinababa sa hukay. Ang kabaong kung nasaan ang katawan ng kanyang kapatid na si Bernice. 

Nangangatal ang kanyang mga kamay na binitawan ang hawak na puting rosas sa hukay habang walang tigil ang paglandas ng mga luha sa magkabilang pisngi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Bernice at wala ni isa sa barkada niya maliban sa kanya ang nakaligtas mula sa aksidente habang pabalik sila ng Maynila. Ni wala siyang maalala na kahit anong tungkol sa aksidente. Ang huling natatandaan niya ay nang makipagpalit si Miracle ng upuan sa kanya na alam niyang si Bernice ang may pakana. “Bernice…” Lalo siyang naiyak. Kahit sinoman ang makakakita sa hitsura ng sasakyan nila ay masasabing isa talagang himala na nakaligtas siya. Pero kung hindi lang siya pumayag na makipagpalit ng upuan kay Miracle marahil ay hindi rin siya nakaligtas sa pagsundo ni Kamatayan sa kanila. Siguro ay magkasama na sila ngayon ni Bernice.Hindi niya tuloy maiwasan na sisihin ang kanyang sarili sa lahat ng nangyari. 

“Sarah, halika na sa sasakyan.”

Saglit niyang pinunasan ang mga luha bago nilingon si Tita Mely. “Sige po tita, susunod na po ako.”

Isa-isa nang nag-alisan ang mga tao sa paligid niya. Unti-unti naman niyang naramdamanna nag-iisa na siya.Unti-unti niyang naramdaman ang sakit.

“Bakit kasi hindi ninyo na lang ako sinama. Bakit iniwan ninyo ako lahat? Bakit kailangan ako pa ang mabuhay.”

Nanlalambot ang mga tuhod na napaluhod na si Sarah sa damuhan.

“Bernice… Bernice bakit pati ikaw nawala sa akin. Paano na ako ngayon? Paano na ako mabubuhay nang wala ka sa tabi ko. Bernice… Bernice kapatid ko.”

At kasunod ng pagyakap niya sa picture frame ni Bernice ay ang biglang pagbuhos ng ulan na kahit paano ay ipinagpapasalamat niya. Dahil sa mga butil ng ulan ay hindi niya na masyadong nararamdaman ang mga luha sa magkabilang pisngi. Pero kahit gaano pa kalakas ang ulan, hindi pa rin noon mawawaglit ang sakit na nararamdaman niya ngayon. At alam niiya sa sarili niyang walang kahit na ano man ang makakapagwalit noon. Wala kahit sino pa man.


****


“Naaksidente tayo Sarah.”

“ Bumangga ang sinasakyan nating van sa malaking puno.”

“Mamaya na ang simula ng unang gabi ng tatlong buwan.”

“Three moons in one night?!”

“Ang tatlong gabi ng Diablo.”

“Armand! Armand h’wag mo akong bibitawan. Parang awa mo na!”

“Kung kayo ay nakatadhanang mamatay, mamamatay kayo kahit mabuhay pa kayo sa kabila ng talim ng mga kuko at pangil ng mga halimaw dito sa sitio namin.”

“May mga bagay na kailangan mong tanggapin kahit alam mong hindi mo kakayanin.”

“Ate, nasaan ang puting buwan? Nasaan ang liwanag?”

“Ate, you have to leave. Tutuparin mo pa ang mgapangarap natin nina Papa at Mama. Tutuparin mo pa ang mga panagarap natin.”

“H’wag mong kakalimutan na mahal kita Sarah…”


****


Bumangon si Sarah mula sa pagkakahiga sa kama habang walang tigil ang pagtagaktak ng pawis sa kanyang noo. Halos apat na buwan na ang nakakalipas buhat nang mailibing si Bernice at ang kanyang mga kaibigan. May tatlong buwan na rin siyang dinadalaw ng mga panaginip niyang hindi niya maipaliwanag at maintindihan. 

Mga sigaw ng kaibiga niyan. 

Mga yakap ng kapatid niya. 

Mga bulong ng isang estranghero sa kanyang panaginip.

“Sarah, gising ka na ba?”

Napalingon siya sa may pinto kung saan kumakatok ang si Tita Mely. “O-opo tita.”

Bumukas ang pinto at kaagad na naglakad si Tita Mely palapit sa kanya na may dalang maliit na kahon. “Dumating ito kagabi mula sa ospital kung saan ka na-confine. Mga gamit mo raw ito na hindi kaagad nila naisaoli.”

Wala sa loob na kinuha niya ang kahon mula kay Tita Mely at binuksan iyon. Mga pamilyar na braclet, relo at singsing ang kaagad niyang kinuha mula doon. Ngunit bigla siyang napalunok nang makita ang isang hindi pamilyar na gamit na laman ng kahon. Isang kwintas na may pendant na krus. Kaagad na bumilis ang tibok ng kanyang puso nang ilagay niya sa mga palad ang kwintas kasunod ang paglandas ng luha sa kanyang magkabilang pisngi.

“Hindi panaginip ang lahat. Totoo… Totoo ang lahat ng nangyari. Totoo ang Sitio Tatlong Buwan. Totoo si Chris.”


  • (3 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE