Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

"Mangyari ay magpahinga muna tayo saglit dito," sabi ni Kakang Lucio.

Inilibot ni Vic ang mga tingin sa paligid. Hindi na masyadong mapuno sa paligid pero kapansin pansin ang mga tumbok ng lupa na halos magkakadikit. Mataas rin ang mga talahib ng damong nakapalgid doon.

"Malapit na naman po tayo 'di ba? Bakit kailangan pang magpahinga?"

Napalingon si Vic kay Sarah na bakas sa mukha na hindi pa nito nais magpahinga. Ngunit may ilang oras na rin silang naglalakad kaya alam niyang lahat ay nakakaramdam na ng pagod.

"Saglit na pahinga lamang ito, Sarah. H'wag kang mag-alala dahil malapit na tayo sa ating pupuntahan," sagot naman ni Polo. 

"They're right Sarah, malapit na tayo. Malapit na nating makita si Bernice," sabi ni Samuel.

May munting kirot sa dibdib na naramdaman si Vic nang makita ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Sarah dahil sa sinabi ni Samuel. Napansin niya kasing tila napakabilis mapangiti ng lalaki si Sarah kahit maikling panahon pa lang nagkakakilala ang mga ito. Samantalang siya, ilang taon na siyang naghihintay sa dalaga. Ilang taon na siyang kasama ni Sarah pero kahit kailan, hindi niya napangiti ng ganoon kabilis si Sarah. "Jingle lang ako," paalam niya na hindi na hinintay pang lumingon sa kanya ang mga kasama.

"Mag-iingat ka. Iwasan mong maakaabala ng mga nuno sa punso sa tabi-tabi upang tayo'y hindi rin nila gamabalain sa ating pananatili dito!" pahabol na bilin ni Kardo. 

Hindi naman na masyadong naintindihan ni Vic ang sinabi ni Kardo basta mag-iingat siya. 'Yon naman palagi ang bilin ng mga tao ditto sa sitio. 

Hindi gaanong malayo ang nilakad ni Vic at nang malingunan niyang hindi na niya nakikita pa ang mga kasama ay saka lamang siya huminto at humanap ng maiihian na puno. At habang umiihi ay hindi niya maiwasang ilibot ang mga tingin sa paligid lalo na't napakatahimik at mga kuliglig lamang ang nagbibigay ingay. Kung pagmamasdang mabuti ay wala namang masyadong pinagkaiba ang lugar na ito sa mundo nila. Kung mayroon man ay mas buhay ang mga puno at halaman sa lugar na ito. At mas sariwa ang hangin kumpara sa mga probinsyang napuntahan na niya noon upang pagbakasyunan. Naisip niya tuloy ang posibilidad na baka hindi na sila makalabas pa mula sa mundong ito. Kakayanin kaya nila ang manatili at mabuhay sa ganitong klaseng mundo? Kung kasama niya si Sarah siguro oo... Actually kahit naman saan eh, basta kasama niya si Sarah. 

"Ouch! Ouch!" saktong tapos na siya sa pag-ihing ginagawa nang makaramdam siya ng mga munting kagat sa binti. Kaagad niyang inayos ang sarili at ang zipper ng pantalon bago itinupi ang ibabang bahagi noon upang pagpagan ang mga binting bigla na lang nangati. "Shit!" inis na sambit niya nang makita ang mga langgam na pula at kaagad iyong tinanggal mula sa mga binti. 

Sinundan niya ng tingin ang mga ibang langgam na naglalakad. 

"Fuck!" nanggigil na bigla niyang pinagsisipa ang tumbok ng lupa kung saan nanggagaling ang mga langgam hanggang sa masira iyon. "Mga bwiset kayo!" ani pa niya bago nagsimula nang maglakad pabalik sa mga kasama.

"Ouch!" Muli ay saglit siyang napahinto nang may naramdaman sa likod niya. Saglit niya iyong kinamot hanggang sa makuha ang isa pang malaking langgam at naggigigil na tiniris. "May pahabol ka pa ah!" aniya bago muling nagpatuloy sa paglalakad. May kati pa siyang naramdaman sa likuran niya na hindi na niya pinansin pa o kinamot. Hindi niya rin tuloy napansing may maliliit na pulang bukol ang nagsisimulang tumubo doon. 

***

"They're right Sarah, malapit na tayo. Malapit na nating makita si Bernice," sabi ni Samuel.

Ngumiti si Sarah sa sinabi ni Samuel kahit nais pa talaga niyang magpatauloy sa paglalakabay upang makarating kaagad sila sa lugar kung nasaan ang kapatid niya ay wala siyang magagawa. 

"Konting oras na lang Sarah, makakalabas na tayo ng magkakasama mula sa lugar na ito."

Muling gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi pa ni Samuel. Heto na naman siya sa kakaibang nararamdaman para sa lalaki. Para bang sa maikling panahon ay napakabilis na nahulog ng loob niya sa lalaking ito bagay na pilit niyang pinipigilan. Una dahil hindi niya pa alam ang buong pagkatao ni Samuel, paano kung hindi na pala ito binata? Kung may asawa at anak na ito? Pangalawa, hindi pa siya handang magmahal lalo na sa ganitong klaseng pagkakataon na hindi niya kasama si Bernice. "Si Vic nga pala?"

"Dyi-jingle lang daw," si Samuel ang sumagot.

Napabuntong hininga si Sarah nang mapagtantong ni hindi niya man lang napansin na umalis pala si Vic sa grupo nila. Iba kasi ang pakiramdam niya sa tabi ni Vic kumpara sa tabi ni Samuel. Matagal na niyang kaibigan si Vic at batid niyang matagal na rin itong naghihintay na matugunan niyang ang nararamdaman nito para sa kanya pero kahit anong gawin nito, ay wala pa rin siyang kahit na anong maramdamang espesyal para sa kaibigan niya. Pero kay Samuel, mula noong araw na nakita niya ito sa tabi ng matigas na kamang hinihigaan niya, may kung anong espesyal kaagad siyang naramdaman. Kung paano at bakit niya iyon naramdaman ay hindi niya alam. 

"Sarah..."

Nabaling ang tingin niya sa kamay ni Samuel na nakahawak sa kamay niya. 

Ikinulong ni Samuel ang kamay ni Sarah sa pagitan ng dalawang palad niya habang ang mga tingin ay nasa isa't kalahating pulang buwan. "I know this is not the right kaya lang hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ng right time for this thing."

Napalunok siya nang maramdaman ang bahagyang pagpisil ni Samuel sa kamay niya. 

"Hindi ko alam kung sino ako sa labas ng mundong ito. Kung ano ba akong klase ng tao. Kung kriminal ba ako o mabuting tao. Isa lang alam ko at sigurado ako sa sarili ko ngayon," ani Samuel na sinalubong na ang mga tingin niya. "I like you Sarah... I like you so much. Kung bumalik man ang alaala ko o hindi. Makalabas man tayo sa lugar na ito o hindi, alam ko sa sarili na na kahit kailan ay hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa iyo."

Napalunok ng laway si Sarah. Ano bang dapat niyang isagot sa mga sinabi ni Samuel ngayon. Dapat na ba siyang sumagot kaagad?

"Hindi mo naman kailangan sagutin kung ano man ang nararamdaman ko para sa iyo. Alam ko rin namang nahihirapan ka kasi una sa lahat, hindi mo pa talaga ako kilala," napangiti pa ng mapait si Samuel. "Ni hindi ko nga kilala ang sarili ko. Paano pala kung psychopath killer ako ' di ba? Pero pwede rin namang model pala ako o kaya artista. Who knows."

Napangiti na si Sarah nang bumakas na rin ang ngiti sa mga labi ni Samuel. Saglit pa siyang natawa sa sarili dahil sa mga huling sinabi ng kausap. Ganoon ba talaga siya kabilis basahin? Bakit parang naririnig ni Samuel ang mga sinasabi niya sa sarili niya. 

"May ibibigay nga pala ako."

"Ano 'yon?" 

Hinubad ni Samuel ang suot na kwintas na nakatago sa t-shirt nito. Isang kwintas na krus. "Ang sabi ni Manang Abeng, isa raw ito sa mga naging dahilan kung bakit hindi kaagad ako nalapitan ng mga aswang o ekek noong nasa may ilog ako at walang malay." Isinuot na niya kay Sarah ang kwintas. "Alam ko ilang beses na nilang sinabi na sa tatlong araw at gabi ng diablo ay wala tayong D'yos na maaaring dasalan o hingan ng awa at tulong. Pero wala man akong alaala sa kahit na anong nakaraan ko, may isang bagay namang natira sa alaala ko kahit paano. Hindi Siya nawala sa aalala ko. Hindi nawala ang mga salita Niya sa aking isipan. At hindi rin nawala sa D'yos ang anumang pananalig ko. Kaya naniniwala ako sa sinabi Niya na, Ililigtas Ko ang mga tapat sa Akin, at iingatan Ko ang sinomang taong Ako'y kikilanlanin." Ikinulong ni Samuel ang mga pisngi ng kausap sa magkabilang palad kung saan may isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't-isa. "Basta tandaan mo Sarah, kasama ko ang D'yos at ang kwintas na ito na po-protekta sa iyo at kay Bernice. Makakalabas tayo ng buhay sa mundong ito. At sa oras na mangyari 'yon..." muli itong ngumiti. "Liligawan na kita ng totohanan."

"Sira!" ani Sarah na bahagyang hinampas si Samuel. "Pero thank you ah. Thank you kasi sobrang napapagaan mo ang loob ko kahit ang totoo, hanggang ngayon stranger pa rin tayo sa isa't-isa. Sana... Sana walang magbago kahit makalabas tayo sa lugar na ito."

"Wala, promise," sagot ni Samuel. Wala siyang kasiguraduhan sa kahit na anong parte ng nkaraan niya, pero sisiguraduhin niyang walang kahit na anong magbabago sa pagitan nila ni Sarah sa oras na bumalik ang kanyang alaala.

"Ouch!!!"

Sabay silang napapitlag sa malakas na pagsigaw ni Vic hindi kalayuan sa pwesto nila. Kaagad nila iyong pinuntahan at naabutan nilang nakapallibot sina Kakang Lucio, Kardo at Polo kay Vic na halos dumapa na sa lupa dahil sa pamimilipit sa sakit. 

"V-Vic, anong nangyari?" nag-aalalang tanong kaagad ni Sarah nang makalapit sa kaibigan.

"A-ang likod ko... Ahhhh... Ang s-sakit!!!"

Umupo naman si Kardo sa may tabi ni Vic at dahan-dahang itinaas ang t-shirt na suot ng binatang namimilipit sa sakit.

"Oh my God!" natutop ni Sarah ang bibig nang makita ang likod ni Vic na may maliliit na malalaking nana at bukol kung saan may lumalabas na mga kulay berdeng malagkit na likido. 

"Nuno sa punso ang may kagagawan nito...." Bulong ni Poldo.

"Kardo, may dala ka bang maaaring gawing alay?" mabilis na tanong ni Kakang Lucio.

"Meron po," kaagad na sagot ni Kardo at kinuha ang bayong na dala-dala nito kung saan may buhay na manok na nakatali ang mga paa. 

"Mayroon kang nagambala na nuno sa punso," anang matanda.

"Ahhhh!!!" muling sigaw ni Vic nang maramdamang tila may pumutok sa mga bukol niya sa may likuran. Pabalik na siya kanina nang maramdaman ang kakaibang kati at kirot sa may likod niya. At nahindik nang makapa ang ilang maliliit na bukol o nana.

Hindi naman napaigilan ni Sarah ang mapayakap sa katabing si Samuel nang makitang may uod na nagsisimulang lumalabas mula sa pumutok na bukol ni Vic sa likuran.

"Kakayanin mo bang maglakad?" tanong ni Kardo.

Umiling si Vic.

"Kayanin mo, kailangan maihatid mo kami sa lugar kung saan ka nanggaling. Kardo, Polo, alalayan ninyo siya," utos ni Kakang Lucio. "Matindi ang galit sa iyo ng nilalang na iyong nagambala. Kailangan nating kaagad na makahingi ng tawad at makapagbigay ng alay. Sinabi ko naman sa inyo, h'wag ninyo silang gagambali upang hindi rin nila tayo saktan."

Hindi na nakapagsalita pa si Vic bago nagsimulang maglakad habang nakaakbay sa dalawang lalaking nasa magkabilang gilid niya. 

Nakasunod naman sina Samuel at Sarah.

"Nakita ko na," sambit ni Kakang Lucio nang huminto sa paglalakad si Vic sa lugar kung saan nagkalat ang mga tumpok ng lupa. Lumapit ang matanda sa isang tila nasirang tumpok ng lupa. Lumuhod ito doon at bumulong-bulong bago kinuha ang itak mula sa tagiliran at ginilitan ang leeg ng manok na hawak. Sininmulan nitong ipaikot sa nasirang tumpok ng lupa ang dugong tumutulo mula sa leeg ng nangingisay-ngisay na manok. "Kaibigan. Ako'y nakikiusaip na sana ay magawa mong patawarin ang aming kasama. Hindi niya nababatid ang kamalian na kanyang nagawa. Tanggapin mo sana itong aming munting alay kapalit ng kasalanang kanyang nagawa."

Nanlaki ang mga mata ninaSarah at Samuel nang makita ang isang maliit na nilalang na may isang dangkal lamang ang laki na bilga na lamng lumitaw sa may tabi ng sirang tumpok ng lupa. Maputi ang balat nito at pulang-pula ang kasuotan. Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin muna kay Vic na halos mawalan na ng malay dahil sa sakit na nararamdaman bago hinarap ang matanda.

"Sinira niya ang aming tahanan. Bagay lamang na kunin ko ang kanyang buhay bilang kapalit ng kanyang kasalanan!" Kung anong liit ng nilalang na iyon ay siya namang laki ng boses nito na tila nanggagaling sa ilalim ng lupa.

"H'wag kaibigan. Sila ay mga dayo lamang at wala silang nalalaman sa kanilang ginagawa," sagot ni Kardo. "Ako'y nakikiusap na sana'y inyong tanggapin ang aming alay kapalit ng kasalanan ng aming kasama." 

"Ahhh!!!" muling sigaw ni Vic nang maramdamang may lumalabas na kung ano mula sa pumutok na bukol sa kanyang likuran. Isang udo na may kasamang malagkit at berdeng likido.

"Kaibigan, muli akong nakikiusap na patawarin ang aming kasanma. Masisigurado ko sa iyong kayo ay hindi na muling magagambala pa ninoman sa aming mga kasama. At sa oras man na kayo'y muli naming magambala," ibinaba ng matanda ang hawak na manok na wala ng buhay. "Maaari mo na ring kunin pati ang aking buhay kagaya ng buhay ng manok na aking inaalay ngayon."

Napalunok si Sarah sa narinig niyyang sinabi ng matanda. Hindi siya makapaniwalang handang ialay ng matanda ang sariling buhay para sa kanila na hindi naman kaano-ano ng mga ito. 

"Hindi maaari. Ang mga taong taga-Sitio Tatlong Buwan ay kilala naming mabubuti, hindi ako papayag na isakripisyo at sayangin ninyo ang inyong buhay para lamang sa isang makasalanang dayo. Makasalanang dayo na paulit-ulit lamang kami na pipinsalain."

Bigla namang lumuhod si Samuel sa may tabi ni Kakang Lucio at nakaharap sa duwende. "Ang pagpapatawad ay hindi kailanman binibilang. Ito ay walang takda o walang hanggan. Kung inyo pong hindi nais na kunin ang buhay ng matandang aking nasa tabi, maaari ko pong ipalit ang aking buhay sa oras na kami po ay muling magkamali. Maaari ko pong ialay ang aking buhay kapalit ng inyong kapatawaran sa aming mga dayo."

Napalunok si Sarah sa narinig na sinabi ni Samuel. Pakiramdamn niya kasi ay ibang Samuel ang nagsasalita ngayon. 

Matalim namang tumitig ang duwende sa sumisigaw pa ring si Vic bago muling hinarap ang dalawang lalaking nakaluhod sa kanyang harapan. "Maswerte ang inyong kasama. Kung hindi lamang dahil sa iyo ay hindi ko siya magagawang patawarin. Mapalad silang kasama nila ang isang kagaya mo, binata. Utang ng hambog na yan ang kanyang buhay sa iyo."

"Maraming salamat kaibigan," sabi ni Samuel.

At sa isang iglap lang ay kaagad na nawala ang maliit na nilalang na kausap ng maatanda.

Kaagad namang kumilos si Kardo at may nilagay na mga dahon sa likuran ni Vic.

"Ahhh!!! Tang ina!!! Tama na!!!" Ramdam ni Vic ang pagdampi ng mga dahon pati na ang pagpisa ng mga mga uod na naglalabasan sa likod niya. Sa sobrang kirot na nararamdaman niya kanina ay halos wala na siyang naintindihan sa pag-uusap ng mga kasama sa maliit na nilalang. 

Hindi naman nagpatinag si Kardo sa nagpupumiglas na si Vic habang bumubulong ng kakaibang lenggwahe. 

Ilang sandali pa ay dahan-dahan nang tinanggal ni Kardo ang mga dahong nakadikit sa likuran ng binata. 

Nanlaki ang mga mata nina Sarah at Samuel nang makitang biglang naglaho ang mga sugat sa likuran ni Vic at tanging bahid na lamang ng mga dugo at berdeng likido na mula sa mga napisang uod ang makikita.

Gumaan na rin ang pakiramdam ni Vic. Wala na siyang kahit na anong sakit na nararamdaman.

"Sinabi ko na sa inyo, hangga't maaari ay h'wag kayong manggagambala ng kahit na anong nilalang sa lugar na ito. Hindi lang mga buhay ninyo ang maaaring mapahamak kung hindi pati ang buhay ng mga tao sa lugar na ito," seryosong sabi ni Kakang Lucio bago lumingon kay Samuel. "Mahusay ang ginawa at sinabi mo sa nuno sa punso kanina."

Napatango na lang si Samuel. Nagulat din kasi siya sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig kanina. Ang nais lang sana niya ay mailigtas si Vic, hindi niya alam kung bakit at paano siya nakabuo ng mga malalalim na salita na kagaya ng kanina. Pero hindi na mahalaga 'yon. Mas mahalaga ngayon na wala na sa kapahamakan ang buhay ni Vic. 

****

"Narito na tayo."

Naramdaman ni Sarah ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa sinabi ni Polo. May dalawang oras pa silang naglakbay bago huminto sa may bukana ng isang lugar kung saan may mangilan-ngilan na bahay kubo ang nakatayo. Napapalunok siyang inilibot ang paningin sa paligid. Narito na raw sila. Narito na sila sa lugar na kinaroronan ng kapatid niya.

Muling naglakad si Polo na sinundan ng mga kasama.

Halos sabay-sabay namang nabaling ang tingin ng mga tao sa paligid sa kanilang mga naglalakad.

Huminto sila sa isang kubo na may isang matandang lalaki sa may pinto.

"Kakang Mido, kasama ko nap o ang mga dayo," sabi ni Paolo sa nilapitang matanda na may itim na bandana sa ulo.

Isa-isa silang tiningnan ng matanda hanggang sa tumigil ang mga mata nito kay Sarah.

"Siya ba ang kapatid ng babaeng iyong natagpuan?" tanong ng matanda kay Polo.

"A-ako nga po. Ako po ang kapatid ni Bernice," kaagad na sagot ni Sarah.

Lumapit si Kakang Mido kay Sarah. "Handa ka na bang makita ang iyong kapatid?"

Hindi na kaagad napigilan ni Sarah ang mga luha na lumandas sa magkabilang pisngi na kaagad niyang pinunasan. "O-opo."

"Sarah..."

Saglit na napatingin si Sarah sa kamay na nasa may balikat niya bago ibinaling sa mukha ng nagmamay-ari noon. Si Vic.

"Makakabalik na tayo sa mundo natin kasama si Bernice..." sabi ni Vic.

Ngumiti naman si Sarah bilang tugon. Sa pagkakataong ito, magkakasama na silang makakabalik sa kanilang mundo.

"Tuloy po kayo...."

Tumango naman Sarah sa babaeng nasa may gilid ng pinto. Kabado, nanlalamig at nalalambot ang kanyang mg tuhod habang naglalakad papasok sa munting bahay. Pakiramdam niya ay ang bagal ng oras habang naglalakad siya.

'Aalagaan ko po si Bernice habang kasama niya ako, Papa, Mama.'

'Hangga't nandito ako hindin-hindi kita papabayaan...'

'Hinding-hindi ko hayaang may mangyaring masama sa iyo Bernice... Aalagaan kita, po-protektahan at mamahalin habambuhay.'

Ilang beses pang napalunok ng laway si Sarah habang naglalakad bago tuluyang makapasok sa loob habang patuloy ang panglandas ng mga luha sa magkabila niyang pisngi. Ngayon pa lang ay hindi na niya ma-imagine ang maaaring mangyari kung sakaling hindi si Bernice ang makikita niya. Kung sakaling totoong may masama nang nayari sa nag-iisa niyang kapatid. Baka hindi niya na kayanin at kaagad siyang sumunod kung nasaan man ito. Pero hindi. Makakauwi sila ni Bernice. Makakabalik silang magkasama ng kapatid niya sa kanilang mundo. Makakasama niya muli ang kanyang kapatid.

Isang babaeng nakatalikod ang nakita niya na lalong nagpaiyak sa kanya.

"B-Bernice..."


  • (10 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE