Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

"Bungong Gubat at tawag sa gubat na ito dahil, nagkalat ang mga bungo sa paligid ng gubat na iyon," sabi ni Kakang Temyong habang naglalakad silang lahat kasabay si Polo patungo sa may paanan ng bundok pagkatapos nilang matulog saglit, magpahinga at kumain.

"Bungo po ng mga ano ang nakakalat sa gubat?" tanong ni Armand. Tuluyan na siyang naniwala sa kung anomang kababalaghan sa sitio na iyon. Naisip niya kasing wala rin naman silang pagpipilian ng mga kasama kung hindi ang maniwala, lumaban at magpatuloy sa paglalakbay upang mabuhay at makalabas sa lugar na ito. 

"Bungo ng mga hayop at tao,"tugon ni Kakang Lucio.

"Ano po 'yong bungisngis na sinasabi ni Polo kanina?" tanong ni Sarah. Wala ng ulan at maputik ang nilalakaran nilang lupa. Magkahalong kaba, takot at excitement na ang nararamdaman niya ngayon. Pero mas nangingibabaw ang excitement lalo na kapag naiisip niya na magkikita na ulit sila ng kapatid niya sa wakas. Buhay ang kapatid niya at magkasamang silang lalabas sa misteryosong sitio na ito.

"Ang bungisngis ay isang malaking nilalang na may isang mata at mahahabang mga pangil," tugon ni Emil.

"Siya po ba... Siya po ba ang may kagagawan ng mga nakakalat na bungo sa paligid," nauutal na tanong ni Joyce dahil sa nakikitang nakakalat na bungo sa dinaraanan nila. Halos karamihan kasi ng bungong nakikita niya ay hugis bungo ng tao.

"Oo, isa siyang halimaw na tanging sariwang laman loob lang ang nais kainin. At ang paborito niyang kinakain," saglit na huminto sa paglalakad si Kakang Lucio na ikinahinto rin ng lahat bago isa-isa silang tiningnan. "Sariwang dugo at laman ng tao."

Halos sabay-sabay namang nagkatinginan sina Samuel, Sarah, Vic, Joyce at Armand. 

"I... I told you guys... Mamamatay tayong lahat dito... Hindi tayo makakasurvive... Wala... Wala sa atin ang makaka-survive sa lugar na ito. Wala sa atin ang mabubuhay," muli ay nagsimulang mag-hysterical si Joyce.

"Joyce... Joyce," hinarap ni Sarah ang umiiyak na kaibigan at hinawakan sa magkabilang balikat nito. "Joyce, listen to me. Wala nang mamamatay sa atin. Makakalabas tayo ng buhay sa lugar na ito. Makakabalik tayo sa –"

"Shhhh!!"

Hindi na naituloy nin Sarah ang sinasabi sa biglang pagsaway ni Kakang Lucio habang inililibot ang paningin sa paligid.

Napakatihimik sa loob ng gubat. Halos walang maririnig na kahit na huni ng mga kuliglig maliban sa isang kakaibang tunog. 

Dahan-dahang naglakad ang matanda patungo sa pinanggagalingan ng kakaibang ingay hanggang sa huminto ito sa paglalakad. 

Napalunok ang lahat nang makita ang nailawan ng nag-aapoy na dulo ng tulos na hawak ng matanda. Isang pares ng malalaking mga paa. Dahan-dahan pang tumaas ang ilaw patungo sa katawan ng nilalang na nagmamay-ari ng malahiganteng mga paa. Isang malalaking nilalang na halos humigit kumulang ay labing limang talampakan ang taas, may nag-iisang matang nasa gitna ng mukha at dalawang malalaking pangil na nakalabas sa bibig na halos hindi na maisara kaya tumutulo na ang laway. At kung pagmamasdang mabuti, mapapansin na halos sa bibig na ito humihinga. 

Napatakip naman sa ilong si Polo dahil sa nakasusulasok na amoy ng tumutulong laway ng bungisngis. Parang nabubulok na karne ang amoy.

"A-ang b-bungisngis... A-atras... D-dahan-dahan kayong umatras at... At walang gagawa ng kahit na anong ingay."

Halos hindi na nila maintidihan ang sinabing iyon ni Kakang Temyong pero nakuha naman ng lahat ang nais nitong ipabatid ng dahan-dahan itong umatras.

"N-no... K-katapusan na natin ito... Mama-"

"Shhhh..." saway muli ng matanda.

Biglang napahinto ang lahat nang bahagyang gumalaw ang mga daliri ng malalaking kamay ng bungisngis. Pakiramdam ni Sarah ay pati paghinga niya ay pinigilan niya nang makita na pati ang talukap ng malaking mata ng halimaw ay unti-unti nang gumagalaw.

"Atras... Atras..." patuloy na sabi ng ni Kakang Temyong.

Hindi alam ni Sarah kung kaninong kamay ang nakapitan niya habang malakas ang kabog sa dibdib na nagsimulang maglakad paatras. 

Naramdaman ni Samuel ang malambot na kamay ni Sarah sa kamay niya kaya mas hinigpitan niya ang hawak dito.

Napatingin naman si Vic sa mga kamay nina Sarah at Samuel na magkahawak bago napatiim-bagang.

"Fuck!" 

Halos sabay-sabay sila ay napahinto sa biglang pagsigaw ni Armand na natisod at napaupo sa putikan. 

"G-gising na siya..." nangangatal ang boses na sabi ni Emil. "Gising na ang bungisngis."

Naramdaman ni Samuel ang paghigpit ng hawak ni Sarah sa kamay habang napapalunok na nakatingin sa bungisngis na dahan-dahang dumilat ang malaki at nag-iisang mata.

"Pagbilang ko ng tatlo... T-tumakbo na kayo," nangangatal ang boses na sabi ni Kakang Lucio habang ang mata ng bungisngis ay umiikot sa kanila. "Isa... Dalawa..."

"Mamamatay na tayo!!!" biglang sigaw ni Joyce.

Kaagad na tumayo si Armand at tinakpan ang bibig ni Joyce. "Shut up!"

Sabay-sabay na nabaling ang tingin nila sa bungisngis na ngayon ay lalong naglalaway at matalim ang mga matang nakatingin sa kanila na tila natatakam.

"Takbo!!!" sigaw ni Kakang Temyong.

Mabilis na tumalima ang lahat sa malakas na sigaw ng matanda. 

Nauna nang tumakbo si Polo at Emil kasunod sina Kardo at Kakang Lucio.

Magkahawak kamay na sumunod sina Samuel at Sarah.

Mabilis ring tumakbo si Vic.

Halos kaladkarin naman ni Armand si Joyce. 

At naiwan si Kakang Temyong na may hawak ng itak.

"Temyong!" sigaw ni Kakang Lucio nang malingunan ang nakababatang kapatid na naiwan at tila handa nang sugurin ang bungisngis. 

Napahinto silang lahat at napalingon sa matanda.

"Temyong, h'wag!!!!" tatakbo sana pabalik si Kakang Lucio pero kaagad siyang pinigilan ni Emil.

Lahat ay nanginig nang makita ang mabilis na pagtayo ng bungisngis at pagsugod kay Kakang Temyong na bago pa nakagawa ng taga ay nasakmal na ng malalaking mga pangil ang leeg nito. Dilat na dilat ang mga mata ng matanda habang ang malapot na dugo nito ay sumambulat sa buong mukha ng halimaw. "T-tumakbo n-na..."

"Guys let's go!" sigaw ni Samuel na muling hinila si Sarah.

Lahat ay tumalima maliban kay Joyce na natulala na sa halimaw na patuloy sa pagsakmal sa leeg at balikat ng matandang halos mahiwalay na ang ulo at katawan. 

"Joyce!!!"

"W-we cannot make it... W-we're gonna die h-here... W-we're gonna die..." naiiyak na sabi ni Joyce na nangangatog ang mga tuhod. Naririnig niya ang mga sigaw ng mga kasama pero wala na siyang lakas pang tumakbo. Handa na siyang mamatay.

"Joyce!" hindi makabitaw si Sarah sa mahigpit na pagkakahawak ni Samuel sa kamay niya. Gusto niyang balikan ang kaibigan lalo na nang makitang nabaling na kay Joyce ang tingin ng malaki at nag-iisang mata ng bungisngis. "B-bitawan mo ako! Babalikan ko si Joyce... B-balikan ko – Armand!" Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pagtakbo ni Armand pabalik kay Joyce.

"Mamamatay tayo dito... Mamatay tayong lahat!" patuloy na iyak ni Joyce na lalong nanginig ang katawan. Palapit na ang bungisngis na dahan-dahan pang naglakad na tila ba nakatitiyak na wala nang kawala ang susunod nitong lalapain. "I'm gonna die here," tuluyan nang napaiyak si Joyce nang makita ang pagbuwelo na takbo ng halimaw. Ipinikit niya ang mga mata upang kahit paano ay hindi maramdaman ang sakit ng gagawing paglapa ng bungisngis sa kanyang katawan.

"Joyce..."

Ngunit hindi ang mga pangil ng bungisngins ang naramdaman ni Joyce sa katawan niya. Kung hindi ang malalamig na palad na kumulong sa magkabilang pisngi niya dahilan upang imulat niyang muli ang mga mata. "A-Armand..." Hindi siya makapaniwala nang makita si Armand sa pagitan nila ng bungisngis. Nakangiti ang mga labi nito habang naliligo na ang mukha sa sariling dugo dahil ang malaking pangil ng halimaw ay nakabaon na sa ulo nito. 

"T-takbo..."

Kasunod ng paghila ng bungisngis sa katawan ni Armand habang ang mga pangil ay nakasakmal sa ulo nito ay ang mga bisig na naramdaman ni Joyce na bumuhat sa katawan niya palayo sa mga ito. "N-no..." Kitang-kita niya ang pagsakmal ng bungisngis sa tyan ni Armand na tila baboy damong gutom na gutom. Nakita pa niya kung paano nito hilahin, kamayin at isubo ang mga laman loob ng kaibigan. Nakita niya kung paano mamatay ang binata... Nakita niya kung paano kainin ng bungisngis ang laman loob ni Armand.


  • (5 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE