Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

Nagising si Sarah sa malakas na kulog at kidlat mula sa may bintana ng kwarto niya. Malakas ang ulan na tila kaya nang basagin ang salamin ng bintana nila.

“Papa… Mama…”

Inilibot niya ang paningin sa apat na sulok ng kwarto nang marinig ang pamilyar na boses. “Bernice!” Mabilis niyang inalis ang makapal na kumot mula sa katawan sa kabila ng lamig na nararamdaman. Hindi na siya nag-atubili pang magsuot ng tsinelas at kaagad na tinungo ang kwarto ng nakababatang kapatid. Dalawang buwan pa lang ang nakalilipas buhat nang mailibing ang kanilang mga magulang at batid niyang sa kanilang magkapatid, si Bernice ay mas nahihirapang maka-move on.

“Papa… Mama…”

Hindi nga siya nagkamali nang maabutang umiiyak ang kapatid niya sa sarili nitong kwarto.

“A-ate, nasaan sina Papa at Mama? Nakauwi na ba sila?” hagulhol ni Bernice.

“Berns,” kaagad niyang niyakap si Bernice. Sigurado siyang nanaginip na naman ito. Napaginipan nitong umuwi na ang mga magulang nila. Napaginipan nitong buhay ang Papa at Mama nila.

“Ate, nasaan na sina Papa at Mama? Nasaan na sila? Nasaan na sina Papa at Mama, tumawag na ba sila? Pauwi na raw ba sila? Ate, natatakot ako sa kulog at kidlat.”

Niyakap niya nang mahigpit si Bernice habang lihim na pinupunasan ang sariling mga luha. “Bernice, I’m here. H’wag ka nang matakot. Nandito na si ate, hinding-hindi kita iiwan.”

Naramdaman niya na unti-unti nang kumakalma si Bernice habang nakayakap sa kanya. Tuluyan na niyang hindi napigilan ang mga luha na muling lumandas sa magkabila niyang pisngi.

“Ate… Ate, h’wag mo akong iiwan please… Natatakot ako… Natatakot akong mag-isa.”

Niyakap niya nang mahigpit si Bernice habang marahang hinahagod ang likuran nito. Mula nang mailibing ang kanilang mga magulang ay nangako siya na hindi niya ito pababayaan. Hindi niya ito iiwanan at gagawin niya ang lahat upang ma-protektahan ito. Tatayo siya hindi lang bilang ate ni Bernice, kung hindi bilang magulang na rin ng nag-iisa niyang kapatid. At kahit anong mangyari ay hinding-hindi siya papayag na magkahiwalay ang mga landas nilang magkapatid.“Promise Bernice… Hindi kita iiwan. Kahit kailan, hinding-hindi kita iiwanan.”

Muling gumuhit ang kislap ng kidlat sa labas ng bintana kasunod ang malakas na kulog bago niya naramdaman ang mahigpit na yakap ni Bernice. “Ate, h’wag mo akong iiwanan. Natatakot ako. Natatakot akong mag-isa.”


****


“Bernice!” Habol ang hiningang napabangon si Sarah sa pagkakahiga mula sa batuhan na sinapinan ng mga telang dala nila. Inilibot niya ang mga tingin sa paligid, ilang saglit pa bago niya napagtanto kung nasaan siya ngayon. Nasa loob pa rin sila kwebang itim at patuloy pa rin ang malakas na ulan sa labas na sinasabayan ng malakas na kulog at kidlat. Saka lang niya namalayan na basa na pala ng luha ang mga pisngi niya nang muling kumulog at kumidlat.

“Sarah…”

Namilog ang mga mata niya nang mabaling ang tingin sa may likuran niya. “Vic!” Kaagad niyang niyakap ang binata bago tuluyang naiyak. Naramdaman niya ang kamay nitong humahagod sa may likuran niya. Hinayaan siya ng binata na umiyak sa may dibdib nito hanggang sa tuluyan na siyang mahimasmasan. Isang napakalalim na buntong hininga ang binitawan niya bago pinunasan ang mga luha at inilayo ang katawan mula sa binata. “S-sorry… Napaginipan ko kasi si Bernice. Paano kayo nakapunta dito? Paano ninyo kami nahanap? Nasaan ang mga kasama mo?”

“Nagkataon lang na nakita namin ang kwebang ito habang papalayo kami sa ilog kung nasaan ang mga magindara.”

M-magindara?” Alam niyang maraming kababalaghan ang nangyayari sa lugar na kinaroroonan nila na napakahirap paniwalaan. Mahirap pero wala silang ibang pagpipilian kung hindi ang maniwala dahil unti-unti ay aktwal na nilang nakikita ang lahat.

“Mermaids.” 

“Mermaids? Mga mermaids ang magindara? Nasaan pala sina Joyce?”

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Vic. Hindi kasi nito alam kung paano sisimulan ang kwento tungkol sa mga magindara. Paano nito sisimulan ang kwento na kahit ang sarili nito ay hirap na mapaniwala. “Wala na si Kevin. Pinatay siya ng mga magindara sa may ilog na malapit kung saan kami nag-stay.” 

Natutop niya ang bibig dahil sa narinig. “K-kamusta si Joyce? Saka si Armand?”

“Si Armand, medyo okay na… Pero si Joyce, ayun tulala. Halos buhatin na namin siya habang palayo kami sa ilog dahil sa pagwawala niya. Kesyo gusto niya na ring mamatay at kesyo mamamatay rin naman tayong lahat dito,” ibinaling ni Vic sa may bonfire ang mga tingin kung nakapalibot ang ibang mga kasama.

Natahimik na siya dahil sa sinabi ni Vic. Nakaramdam kasi siya ng takot. Nakaramdam siya ng takotdahil ayaw pa niyang mamatay. Hindi pa siya handang mamatay. Hindi pa pwede.

“Sarah…”

Nagpatuloy siya sa paglalaro sa may hawak na batong napulot. 

“Lumubog na ang unang buwan.”

Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang kaseryosohan na kababakasan ngayon sa boses ni Vic habang nakatingin sa labas ng kweba kung saan nagsisimula nang humupa ang ulan. May kakaiba ngayon sa pagsasalita ng binata. Parang nagdadalawang isip pa ito kung itutuloy ba ang nais sabihin.

“Ang sabi ni Kakang Temyong, kapag naabutan tayo ng paglubog ng huling buwan sa lugar naito o bago makaakyat sa tuktok ng bundok… Maaaring tuluyan na tayong hindi makalabas sa sitio na ito.”

Hindi iyon ang unaang beses na narinig niya ang bagay na iyon. Sinabi na rin iyon ni Manang Abeng bago sila umalis upang hanapin si Bernice.

“Paano kung… Paano kung dumiretso na lang tayo ng akyat sa bundok?”

Napakunot noo na siyang tumingin sa mukha ni Vic na sinalubong naman ang mga tingin niya. “What do you mean?”

“How if Bernice really did not make it? Paano kung wala na pala talaga tayong Bernice na hinahanap? What if we’re just wasting our time finding her?”

Saglit siyang napatiimbagang. “Buhay si Bernice! Alam ko at nararamdaman kong buhay siya! At hinding-hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya. At kung gusto mo nang maunang umakyat ng bundok, go ahead Vic. I won’t stop you. Just don’t expect na susundan kita.” Atbago pa siya napigilan ni Vic ay nakaalis na siya sa tabi nito at pumunta sa mga kasamang nakapalibot sa bonfire. Dahilsa tabi ni Samuel ang may pinakamalaking espasyo ay doon siya umupo. 

“Hey, are you okay?”

Tipid na ngiti lang ang tinugon niya sa nagtanong na si Samuel. “Si Joyce?” tanong niya kay Armand.

“Nakatulog na ulit sa wakas. Sinasaktan na niya sarili niya eh. Gusto niya na raw maunang mamatay since mamamatay din naman daw tayong lahat dito,” tugon ni Armand.

“Hindi tayo mamamatay basta kailangan lang natin magpakakatatag.”

Muli siyang napatingin sa nagsalitang si Samuel. 

“Walang mamatay dahil hahanapin pa natin si Bernice,” nakangiting sabi pa ni Samuel bago timingin kay Sarah.

Kahit paano ay nabubuhayan siya ng loob dahil kay Samuel.

“Kakang Lucio! Kakang Lucio!”

Halos lahat sila ay napatayo sa pasigaw na tawag ni Kardo sa matanda. Humihingal ito at basang-basa ng ulan kasunod ang isang lalaki na halos kaedaran lang ni Bernice.

“Bakit ka humihiyawKardo?” tanong ni Kakang Lucio na sinalubong ang dalawang lalaki.

“Isang taga-sidlan po ang aking nakita sa labas,si Polo. Ang sabi niya ay may nailigtas daw po silang babae mula sa mga wakwak.”

Kaagad siyang napatayo at lumapit sa mga nag-uusap dahil sa narinig. Naramdaman niyang nakasunod sa kanya siSamuel. 

“Anong hitsura ng babaeng iinyong niligtas?”tanong ni Kakang Temyong.

“Maliit na babae lang po, medyo singkitin ang mga mata at bilugan ang kanyang mukha.”

“Si Bernice ‘yon!” hindi na niya napigilang bulalas.

“Bernice. Bernice nga po ang sinabi niyang pangalan.”

“Oh my God!” Hindi na niya napigilang maiyak bago humarap sa katabing si Samuel. “Buhay si Bernice. Buhay ang kapatid ko.”

Hinawakan ni Samuel ang mukha ni Sarah bago ngumiti. “Sabi ko naman sa iyo. Buhay siya. Buhay ang kapatid mo. At buhay tayong makakalabas sa lugar na ito.”

“Ngunit hindi po ganoon kadali ang lahat.”

Muling nabaling ang tingin nila sa lalaking nagsabi na buhay si Bernice. Ngayon niya lang nakita ang sugar sa may balikat nito.

“Dalawa kaming pinakiusapan ni Bernice na magtungo kay Manang Abeng dahil sa mensaheng nakuha namin na may mga dayo rin siyang natagpuan. At nagbabakasakali siya na buhay ang kanyang kapatid.”

Muling naiyak si Sarah sa narinig.

“Kung ganoon ay nasaan ang iyong kasama?” tanong ni Emil. 

“Sa kasamaang palad ay nasawi siya nang kami ay dumaan sa Bungong Gubat.”

“Bungong Gubat?” ulit ni Armand.

“Bakit nasawi ang iyong kasama?” tanong ni Kakang Lucio.

“Dahil nagising po namin ang halimaw sa gubat. Nagising po namin ang bungisngis.”


  • (11 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE