Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.


Ang lugar po ba na ito ay ang mundo sa loob ng malaking puno na nabangga ng aming sasakyan?" Alam ni Sarah na imposibleng mangyari ang tanong niya na iyon pero kung totoo nga ang sinasabi ni Manang Abeng at Miracle na nag-eexist talaga ang pangyayaring may tatlong gabi at araw na walang araw na magbibigay liwanag at magkakaroon ng tatlong buwan, posible ring mangyari ang bagay na naglalaro sa isip niya ngayon. 

"Oo..."

Halos sabay-sabay namilog ang mga mata nila sa isang salitang naging sagot ng matandang babaeng kausap. 

"Isang beses sa loob ng isang dekada ay sumasapit ang gabi ng Diablo. At bago sumapit ang unang gabi ay may mga tagalabas ng sitio na napapadpad sa lugar na ito. Mga tagalabas na galing mula sa mundo ng mga tao. Sa mundo ninyo."

"Pero paano nga nangyari 'yon? Paano kami napunta sa lugar na ito kung hindi talaga 'to nag-eexist sa mundo namin?" lalong naguguluhan na tanong ni Joyce. 

"Dahil sa puno ng balete," mahina ngunit malinaw na sagot ni Miracle. 

"Tama siya. Sa bawat puno ng baleteng umeedad ng isang dekada ay mayroon isang mundong kagaya ng Sitio Tatlong Buwan. At kagaya ng sinabi ng kasama ninyo, sa mundo namin lahat ng kasamaan ay posible. Lahat ng halimaw na hayok sa dugo at laman ng tao ay maaaring magising na anumang oras mula ngayon. Malaki rin ang posibilidad na ang ilan sa kanila ay gising na. Sa tatlong araw at gabi na walang araw na magbibigay ng liwanag ay wala rin Diys na maaari ninyo tawagin o dasalan. Walang ibang tutulong sa inyo kung hindi ang mga sarili ninyo."

"Pero mga tao po kayo? I mean paano kayo nagkasama-sama? Paano nabuo ang Sitio na ito?" tanong muli ni Sarah.

"Matagal na ang mundo namin... Matagal nang nabuo ang Sitio na ito. Pero ang kalahati halos ng mga taong nabubuhay ngayon sa lugar na ito ay mga tao mula sa mundo ninyo. Mga taong hindi na nakabalik sa mundo ninyo."

"Paano naming malalaman kung makakabalik pa kami sa mundi namin?" si Samuel ang nagtanong.

"Kapag naakyat ninyo ang tuktok ng bundok ng Kalubay at nakita ninyo ang liwanag. Dahil ang liwanag na 'yon ang siyang maghahatid sa inyo pabalik sa inyong mundo."

Wala sa loob na napahawak si Sarah sa kamay ni Vic. Naguguluhan na siya. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa matandang kausap o lalabanan ang mga bagay na muling naglalaro sa isipan niya ngayon. Paaano kung baliw lang pala ito? Paano kung pati si Miracle ay nasisiraan na rin ng ulo? Paano kung lahat ng tao sa lugar na iyon ay wala sa tamang pag-iisip? Paano na sila? Paano na si Bernice?

"Hahahaha..."

Lahat sila ay napalingon kay Armand na bigla na lang tumawa ng malakas.

"Armand, walang nakakatawa sa mga nangyayari ngayon!" saway ni Donna.

Saglit pang tumawa ng tumawa si Armand na parang hindi mapigilan ang sarili. "Sorry, I just can't help it!" ani Armand na naluluha na sa kakatawa. "I just thought... I just thought what if... What if we're just stranded sa isang lugar ng mga taong takas sa mental hospital?"

Bingo! Nakuha ni Armand ang tumatakbo ngayon sa isipan niya. Kuhang-kuha nito.

"What if lahat ng story na ito ay binuo lang nila? Na wala talagang tatlong buwan. Na wala talagang mga halimaw. Guys pwede ba, wake up! Binibilog lang ng mga sira ulong taong mga 'to ang ulo natin!" 

Nagtinginan silang lahat. Alam niyang halos lahat sila ay iisa ang nasa isipan. Lahat sila ay iniisip na napapalibutan lamang sila ng mga baliw na tao.

"Manang Abeng!!!"

Lahat sila ay napatayo dahil sa mga taong sumisigaw sa may labas ng bahay. At bago pa sila makalabas upang silipin ang nangyayari ay nakapasok na ang humahangos na lalaki. Ngunti hindi ito nag-iisa. May mga kasama pa itong ibang lalaki. 

"Oh my God!" bulalas ni Donna.

Lahat sila ay binigyan ng espasyo ang mga taong patuloy na pumapasok sa loob ng munting bahay. Ang ilan kasi sa mga ito ay may buhat-buhat na duguan at wakwak na katawan ng mga tao na tila nag-aagaw buhay pa. 

Hindi na napigilan pa nina Donna at Joyce na bumaliktad ang mga sikmura dahil sa nakikita at naaamoy na laman loob ng tao.

Umiiyak na nagyakapan sina Sarah at Miracle.

Napakuyom ng mga palad at napatiim bagang sina Vic, Samuel at Kevin.

Samanatalang si Armand ay pilit na nilalabanan ang takot na nararamdaman. Pilit pa rin nitong pinapaniwala na mga baliw lamang ang mga taong nakapaligid sa kanila.

"Ang mga Wakwak... Gising na sila Manang Abeng! Gising na sila!!!"


  • (5 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE