Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Mahilig ka bang matulog sa byahe? Ingat ka. Dahil baka sa susunod na pagmulat ng mga mata mo... Iba na ang daang tinatahak ng sasakyan kinalulunan mo.

"Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong ni Tita Mely.

Ngumiti naman si Sarah sa tanong ng tita niya habang bitbit ang malaking bag. Mag-a-outing kasi siya kasama ang nakababatang kapatid na si Bernice at mga barkada. "Wala na po Tita."

"Tita, h'wag mo kaming mami-miss kaagad ah. Dalawang araw lang naman kaming mawawala," nakangiting sabi ni Bernice.

"Basta mag-iingat kayo," muling sabi ni Tita Mely.

"Don't worry Tita, basta kasama ako ng mga pamangkin ninyo, safe na safe sila. Lalo na si Sarah," singit ni Vic.

"Tse!" natatawang singhal naman ni Sarah sa kabarkadang matagal nang nanliligaw sa kanya.

"Ang mga bilin ko. H'wag ninyo kakalimutan. H'wag ninyong papainumin ng alak kung sino man ang magda-drive sa inyo psa inyo pabalik ng Maynila," muling bilin ng ginang na ang tinutukoy ay ang magiging driver sa outing ng barkada.

"Yes, Tita! Alam ninyo naman gaano ako ka-alive na alive mag-drive!" malanding sagot ng baklang si Mark.

"Hay naku Mark, kapag ikaw talaga humilik sa kotse, kutos ka sa akin!" ani Joyce.

"Basta kami ni Joyce, hindi matutulog sa byahw," nakangising sabi naman ni Kevin na boyfriend ni Joyce.

"Kayo talaga, ang aga-aga. Mahiya naman kayo kay Tita Mely!" kunwa'y saway ni Armand na nakakabay sa girlfriend na si Donna.

"Pasensya na kayo, Tita. Masyadong maiingay at makukulit ang barkada. Alam ninyo namang minsan lang kami magkasama-sama ng ganito sa isang taon," ani Liezl, ito ang pinaka-ate sa grupo.

"Wala 'yon. Ano ka ba. Sanay na naman ako sa inyo." Mula sa loob ng bahay ay biglang umiyak ang dalawang taong anak ni Tita Mely. "Saglit lang at kukunin ko si Sandra na mukhang nagising na," anito bago muling pumasok sa loob ng bahay.

"Guys, kumpleto na ba tayo?" tanong ni Vic na tapos nang maglipat ng mga gamit sa sasakyan.

"Wait lang, picture muna tayo," ani Miracle. Sa buong barkada, ito ang pinakatahimik at minsan ay tinatawag na weirdo.

"Sinong kukuha ng picture?" mataray na tanong ni Mark.

"Ako na lang muna, tapos ikaw na lang mamaya para kasama naman ako," suhestyon ni Miracle. "Ready na kayo guys..."

Nagkanya-kanya naman ng pwesto ang barkada at nagdikit-dikit bago nakangiting tumingin sa camera na hawak ni Miracle.

"One... Two... Three." Muntik nang mabitawan ni Miraccle ang camera nang iclick iyon. Mabuti na lang at nakasabit sa may kamay nito ang handle ng maliit na camera. Nanginginig ang kamay na dahan-dahang muling hinawakan ang camera upang tingnan ang picture.

"Miracle? Okey ka lang?"

Napapitlag pa si Miracle sa biglang paglapit ni Mark.

"O-oo."

"Oh, ako naman ang kukuha ng picture."

"Nope!" napataas ang boses ni Miracle nang akmang aagawin ni Mark ang camera. "I- I mean, h'wag na lang. Tara na sa van, baka ma-traffic pa tayo."

Tumalima naman ang barkada sa sinabi ni Miracle at hindi pinansin ang kakaibang ikinikilos ng kaibigan. Para kasi sa mga ito ay normal na ang mga ganitong ikinilos ni Miracle.

"Miracle, are you okey?" tanong ni Sarah. Sa kanilang lahat. siya ang pinakamalapit sa weirdong kaibigan. Kung hindi nga lang dahil sa kanya ay baka hindi makasama sa barkada si Miracle dahil hindi naman ito gustong kasama ng mga kaibigan.

"S-Sarah, what if h'wag na lang tayong tumuloy sa outing na ito?"

Napakunot ang noo niya sa sagot ni Miracle. May apat na buwan na kasi ang planong ito ng barkada at hindi pwedeng sa isang iglap lang kung kailan handa na sila ay iaatras nila ang outing nang dahil lang kay Miracle. "May problema ba Miracle? Sumama ba ang pakriamdam mo?"

"H-hindi. K-kasi..." muling hinawakan ni Miracle ang camera at inabot kay Sarah.

"Kasi? Anong meron sa picture na ito?" lalong nagtatakang tanong ni Sarah nang makita ang litrato nila na kakakuha lang ni Miracle kanina.

Muli namang sinilip ni Miracle ang picture."W-wala... Wala Sarah."

Ngumiti na lang si Sarah. "Iwan na kasi ang bad vibes dito sa Manila. Promise, mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin. Kaya sumunod ka na sa van, okay?"

Tumango naman si Miracle bago iniwanan ni Sarah sa kinatatayuan. Muli nitong ibinaling ang tingin sahawak na kamera. Sa kamera kung saan nakita nito kanina lang ang barkada na wala ng mga ulo...


  • (7 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE