Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Temporary Bliss

Image Description @navierstokes   |   12 May 2020


Stranger, are we destined for each other

-ADRIANNE-

“Alam mo? Hindi naman ako tanga. Nakikita ko naman kasi eh. Alam naman nating dalawa kung sino ang mali at ikaw yon. Kanina ko pa nararamdaman na chinachansing-an mo ako! Kuya pwede? Tama na ang pagpapaliwanag!”

Nakita ko ang isang babae na nakikipag diskusyon sa isang lalaki habang nakasakay kami sa siksikan na MRT. Naka-earphones lang ako pero nakikita ko ang buka ng kanyang bibig maging ang sinasabi nito. Makikita mo ang pagka-inis sa kanyang mukha. Inaakusahan niya kasi ang lalaki na hinipuan siya dahil sa panandaliang paghinto ng train. Nakita ko ang lalaki at hindi naman niya ito hinihipuan. Nagkataon lang na siksikan sa train. Kanina ko pa sila inoobserbahan simula nung pagkasakay niya.

“Ate, hindi ka po niya hinihipuan nakita ko po na iniiwas niya yung kamay niya sa maselang parte niyo.” Pagsabat ko sa kanilang pag-uusap. 10 minutes nalang ay dapat nasa classroom na ako. Ang kaso nga lang, mukhang matatagalan pa dahil sa diskusyon na ito. Halos lahat naman kami ay nahihirapan na nakatayo sa MRT na ito at pagka-init init pa.

"Sorry miss, Nagmamadali kasi ako. Bawi nalang ako next time."Sabi naman ng lalaki at bumaba ito sa malapit na babaan na station.

“Thank you.” Pagbulong niya sa hangin na sinabi sa akin. Ngumiti lang ako at tinignan ang babae na inis na inis pa rin at bumaba na rin sa station.

20 minutes na akong late at halos nakasabayan ko ang lalaki na inakusahang hinipuan sa MRT kanina. Binilisan ko ang lakad ko para makasabayan siya. Halos tirik na tirik ang araw habang nagpapakad ako papunta sa paaralan namin. Hindi nalalayo ang MRT sa school namin. Nang biglang may umakbay sa likod ko at may naramdaman akong matulis na nakatutok sa bandang bewang ko.

"Hi, holdap 'to." pagbulong ng babae na naririnig ko pa ang hagikhik ng kanyang pagtawa sa aking tenga.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang lumingon. Kilala ko naman siya, Siya yung Best Friend ko sa school si Nicole. Anino at amoy palang niya ay alam na alam ko na ang lahat ng bagay na iyan. Magkumare kasi ang nanay namin at sabay rin ang birthday namin. Kung minsan pa nga ay napagkakamalan na kaming kambal.

"Joke lang. Parang ewan 'to!" Dagdag pa niyang sabi at bumitaw ito sa pagkaka-akbay sa akin habang kami ay naglalakad papunta sa school.

"Saan ka galing at bakit naka make up ka pa?" Tanong ko sa kanya at tinitigan ang kanyang mukha. Halos mamutok mutok ang blush-on niya sa sobrang kapal.

"Tinatanong pa ba yan?" Sagot naman niya

"Siyempre nagdate kami kanina ni boyfie. hihi." Sagot niya na kinikilig- kilig pa. Mapapa-sana all ka nalang sa kanya dahil ganyan ang kaibigan kong si Nicole, bilib ako sa kanya kasi she can balance everything mapa-academic terms man or jowa.

"May friend pala si Ezikiel, Gusto ka raw mameet." Dagdag pa nitong sinabi.

"Ha? ako mameet? Bakit ako? Sino ba siya?" tanong ko sa kanya. Sino ba yung friend na niya na yun at bakit ako gustong ma-meet. Sa pagkakaalala ko, wala pa naman akong nagawan ng masama sa kahit sinong tao. Ang bait bait ko kaya.

"Gusto ka lang niya makilala. Tsaka magpapatulong raw ata. Hindi ko lang sure kung para saan. Ang weird nga eh kasi hindi ko alam kung papaano ka rin niya nakilala. " Sabi niya at muling umakbay ito sa akin. Tinignan ko siya na tila bang nagtataka pa rin sa mga pangyayari.

“Eh! Ayoko nga! Baka mamaya sineset-up mo lang ako.” Sabi ko naman at tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. Feeling ko kasi may gusto lang ‘tong gawin dahil nga wala pa akong boyfriend at gusto na niya akong magka-boyfriend dahil palagi na lang akong third wheel sa kanilang dalawa ni Ezikiel. Isang beses nga ay sinet-up niya ako sa pinsan niya ng wala akong ka-alam alam noong nasa mall kami noon para lamang mag-timezone.

-FLASHBACK-

“Uy maiwan ko muna kayo dito ah! Pupuntahan ko lang si Ezikiel.” Sabi ni Nicole sa akin. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at umalis. Sinundan ko siya ng tingin pero sa sobrang daming tao sa mall, hindi ko na rin siya nakita.

Habang naka-upo ako sa restaurant na kakainan namin ay hindi ko maiwasang mag-isip. Pahamak. Pahamak. Yan ang mga salitang nasa utak ko ngayon. Ang pahamak talaga nito ni Nicole. Sa sobrang tagal na naming mag-bestfriend ay alam ko na ang ganitong mga style niya. Oo alam ko hindi pa ako nakakahanap ng katulad ng boyfriend niya na ang tagal tagal na. Pero hindi naman ako ganito ka-desperada na makikipag-date. I mean, i-inform ko naman siya kapag sobrang desperada na ako. Ayoko lang kasi minsan na pinagmumukha akong desperada, lalo na pagdating sa mga lalaki. Biruin mo ba naman kasi ini-reto niya ako sa pinsan niya na halos kalahati na ng buhay ko ang agwat ng edad namin sa isa’t isa. Sineset-up ako sa malayo ang edad sa akin. Jusko tulungan niyo po ako. 17 lang po ako at 28 na siya. Baka ma-child abuse pa yung pinsan niya sa pinagagawa niya.

Di rin nagtagal ay dumating rin ang kanyang pinsan. Nagpakilala ito at hindi siya mukhang 28. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Faded style ang kanyang buhok, bilugan ang kanyang matang naka-pantos style na eyeglasses. Naka-suot rin siya ng classic polo style na branded at maong pants. Matutulala ka na lang sa sobrang attractive niya tignan.

“Hi. Kaibigan ka ni Nicole?” Tanong nito sa akin at umupo sa bakanteng upuan. Tumango na lang ako at napilitang ngumiti. Tumawag siya ng waiter para tignan ang menu. Nagtanong siya ng mga bagay na tungkol sa akin at halos dalawang oras rin siyang nagsasalita at nagkukuwento sa buhay niya at mga experiences niya bilang piloto ng isang airline rito sa bansa. Sabihin niyo nang medyo bastos ako pero wala akong pakielam sa pinagsasab niya at hindi naman ako totally na nakikinig. Ni-hindi nga niya alam na naka-earphones ako at pinapakinggang ang kanta ni Nadine Lustre na para-paraan. Lumilingon lingon na lang kung saan saan para mabawasan ang pagka-bagot ko sa taong ito. Pero hindi pa rinako mapakali at gusto ko nang matapos siyang magsalita pero ayaw naman niya ako pagsalitain kaya tango lang ako ng tango sa kanya at sapilitang ngumingiti at tumatawa kapag natatawa siya. Hanggang sa napukaw niya ang atensyon ko nang bigla niyang sinabing:

“Gusto mo ihatid na kita sa bahay niyo? I know na mahal agad ng isang babae ang lalaki lalo na kapag may kotse.” Sabi niya sa akin at kumindat.

Anong tingin niya sa akin? Mukha ba akong gold digger? Tinignan ko lang siya ng masama at kumunot ang noo ko sa kanya. Relax ka lang Adrianne, wag unahan ng init ng ulo at wag kang matetempt na tapunan ng tubig. Nakakahiya. Pinsan ‘to ng bestfriend mo. Okay lang yan. Wag unahan ng init ng ulo. Wag mong tapunan ng tubig. Nakakahiya, pinsan ‘to ng bestfriend mo. Kinuha ko ang baso ng malamig na tubig at uminom. Ibinaba ko ang baso at ngumiti sa kanya.


“Hindi naman kasi lahat ganon. Anong silbi ng kotse mo kung hindi mo naman kayang mapanindigan yung isang babae diba?” Sagot ko naman sa kanya na para pang nang-aasar. Naalala ko lang kasi ang nai-kwento sa akin niNicole noon na mayroon siyang nabuntis noong teenager siya at hindi niya ito pinanindigan. Ito na yata ang first date ko na uuwi akong naiinis.

-END OF FLASHBACK-


“Eh nakakahiya naman kasi kay Ezikiel kung tatanggihan mo yung kaibigan niya. Mabait naman kasi yon! Hindi nangangagat. Atsaka isa pa, kasing edad naman na natin yon hindi katulad ng pinsan ko noon. Magpapaturo lang naman sa iyo eh, tsaka onting landi na rin kung kaya. ” Sabi pa niya at nauna na siyang naglakad papalayo sa akin.


Matagal tagal din na naging tahimik ang paligid ko at hindi kami nagkibuan. Kung sa bagay, nakakahiya naman talaga kay Alvin, humihingi lang naman sa akin ng pabor eh at siguro naman hindi rin namantalaga ‘yun nangangagat. Tumakbo ako at sinubukang habulin si Nicole at inakbayan ito. Nakikita ko pa rin sa mukha niya na medyo dismayado siya. Parang ngayon ko lang naman kasi siya tinanggihan sa ilang taon naming pagkakaibigan.


“Oo na. Oo na.” Sagot ko.Tinignan niya ako at dahan dahang ngumiti.

“Talaga?! Talaga?!” sabi niya sa akin. Matipid akong ngumiti sa kanya at tumango-tango at bigla naman niya akong niyakap.


“Ang alam ko kasi, mabait daw yun at sobrang gentleman pa atsaka ang alam ko same din kayo ng province, malay mo magkakilala yung lola at lolo niyo or yung parents niyo o di kaya may common friend ganun. Inalam ko talaga na may common interests kayo para di kayo gaanong awkward kapag nagkita na kayo. Baka nga sa susunod kayo na ang mas close hindi na tayo.” Nangongonsensyang pagpapaliwanag niya pa sa akin. Ayana ng napaka-armor niya sa akin para madali akong mapapayag sa mga gusto at ayaw niya.


“Eh ano naman kung gentleman atsaka diba may ipapaturo lang siya? Bakit mo sinasabi yung mga tungkol sa kanya?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Kumunot ang aking noo at nag-umpisang tarayan siya. Humalukipkip ako sa harapan niya at muling nagtanong.


“Sineset up mo na naman ba ako?” Dagdag ko pa.


“Ah.. ah.. hindi ah! Sinasabi ko lang naman.” Pautal-utal na sabi niya sa akin at hindi ito tuwirang makatingin sa mga mata ko.

“Eh, basta gusto ka raw niya kasing makilala atsaka hindi naman kasi malayo yung age gap niyo 17 ka tapos siya 19! Ano ka ba! Ang arte arte mo! Promise, last na ‘to kapag hindi okay, hindi na kita reretuhan.. like ever! ” Sabi niya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil nahihirapan akong tanggihan ang kaibigan kong si Nicole. Ang pinagtataka ko lang kung bakit sa mas bata pa sa kanya siya kailangan magpaturo. Turuan ko siya maging bata ulit?

“So set-up nga talaga siya?” Pangungulit na pagtatanong ko at bigla siyang tumango.

“Diba sinabi ko naman na sayo na huwag mo akong iseset-up kasi ayoko?” Madiin na sianabi ko sa kanya.

“Eh si Alvin kasi eh, sabi niya atsaka ano ka ba, you have to entertain people around you na rin hindi yung nagmumukmok ka lang sa isang tabi. Atsaka isa pa, kapag may problem ka may sasabihan ka. Kung! Magiging kayo man.” Pagpapaliwanag niya.

Talaga bang ganito kababaw ang kaibigan ko na si Nicole? Basehan niya ang pagboboyfriend para lang may mapagsabihan ka lang ng mga problema? Sobrang babaw.

“Eh kapag may problema ka naman kasi, wala kang ibang masasandalan kung hindi ang sarili mo.” Sabi ko naman. Kaunti na lang at malapit na akong mapikon rito kay Nicole

“Sige na kasi, pumayag ka na kanina e. tapos ngayon aatras ka pa. Kahit na pamonthsary gift mo na sa amin ‘to ni Alvin. Baka nga pagdating ng araw, papasalamatan mo pa kami kasi nakilala mo siya.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019