Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Dane and Karien – two names that everyone knew. They were young, in love and famous. Their love was extraordinary but ended unexpectedly. She left. He changed. One day, their paths crossed again.

“Cut!Cut Cut!” tumayo si Dane mula sa kaniyang inuupuang director’s chair. Nasa loob siya noon ng improvised na control room kung saan kita niya lahat ng angulo na kinukuhanan. Galit niyang tinanggal ang suot sa may tainga at kunot ang noo na naglakad sa ginaganapan ng eksena.

“Tangina naman!” his voice boomed inside the room, everyone was in shock. “Pang ilang take na natin to?! Bakit hindi niyo makuha kuha ang blocking na gusto ko?! Ang simple lang! Ang hirap ba mag follow ng instructions?!” his voice dominated the set. He was shouting at all of them but it was directed to the two persons in front of him, one of yhem is the renowned Karien Chantal Bernardo, none other than his ex.

Karien was staring at him with her eyes glistened with tears. She wasn’t ready, but it was about to fall. Karien was trying her best to just hold her emotions until Dane’s rants will be over. Hindi niya malaman kung ano ang gusto nitong mangyari sa eksena. Sa abot ng kanyang makakaya, ginawa naman nila ng paulit ulit ang gusto ng direktor, at dating niyang kasintahan. Sumunod naman sila sa instruction pero parang laging mali pa din. Laging hindi pa rin sapat.

“D-dj, yun naman ang gusto mo kanina eh. We followed what you wanted—“ her voice was small and her head bowed down. She wasn’t ready to see the fury in his eyes.

Naramdaman niyang bahagyang lumapit sa kanya si Dane. Agad siyang napaatras at napasandal sa isang bahagi ng dingding. Malapit na malapit sa kanya ang direktor at wala na siyang maiaatras pa. Dane placed his both hands on each side of Karien. Kinulong niya ang aktres sa pagitan ng kanyang matitipunong mga braso at pati na rin sa titig niya.

He smirked a little upon their eyes met “This is my territory Kary. My scenes, my actors, my mother fuckin’ job. Dito, ako nagdedesisyon, ako nagbibigay ng instructions at ang gusto ko ang laging nasusunod.” he said slowly making the words burn on his tongue as he speaks. His words and the way he staredtouched her skin like a scorching flame.

Hindi pa siya tapos doon “I’m no loger the Dane Padilla, that lame ka- loveteam of yours ages ago.” emphasizing disgust over the word lame that it secretly broke part of both their hearts when he said it. Karien was taken aback by his now hurtful words but he doesn’t show remorse at all. Mas tinitigan pa siya lalo ni Dane to intimidate her.

“Here...now--” tukoy ni Dane sa lugar “I’m Dane John Ford. Your director, kuha mo?” dagdagnito habang mas nilaliman niya ng titig si Karien.

She blinked causing her tears to fall. Karien knows those eyes but she doesn’t seem to recognize the soul inside. Sadly, it did not recognize her either. They were like strangers before one another. He is someone far from that Dane he used to love and used to love her with all his heart. He is gone. She is lost. What they had no longer exists.

Nagkatinginan lang sila at wala ni isa sa kanila ang bumitaw sa pagtitig hanggang sa mag salita na ang isa sa mga crew “Di-direk, okay na po uli. Pwede na po ulitin ang eksena.” Saka lang tinanggal ni Dane ang kanyang mga braso at lumayo kay Karien.

He turned his back on her without warning “Paki brief uli mga artista natin Joyce. Gusto ko sa susunod na take wala na tayong mali. Huwag niyong sinasayang ang oras ko.” Pagkasabi niya sa huling pangungusap ay matalim na tingin ang binigay niya kay Karien na hindi na rin tumigil sa pagluha.

Kung dati ay makita niya lang lumuha ng kahit isang patak ang minamahal ay nadudurog na ang puso niya. Ayaw na ayaw niya itong nakikitang nasasaktan o nahihirapan.. Ginawa niya ang lahat para lang di ito lumuha o masaktan at ang makita nito ngayon ang datinh minahal na lumuluha ng dahil malamang sa kanya ay walang kasing sakit pa rin para kay Dane. Kinikirot ang kalooban niya ngunit hindi lamang siya nagpapahalata. Iniisip na lamang niya na hindi na siya ang dating Dane na dapat ay inaalala pa si Karien.

Umiwas agad siya ng tingim ng makitang pinapahid ng tahimik ni Karien angluha niya. Huminga siya ng malalim at ininda ng tahimik ang pagkakawasak ng sariling puso, agad siyang tumingin sa ibang direksyon.

“Joyce.” Tawag ni Dane sa assistant niya.

“Yes, direk?” agad ring tumugon ito.

“5 minutes. Yosi break muna ako.” sabi nito sa babae. Gone are his vaper days andhis will to quit smoking. Bumalik siya sa kanyang dating bisyo na pinagtagumpayang matanggal ni Karien noon.

Tumango lang ang assistant at nag announce “O standbye na tayo ha? In five minutes magsimula na tayo.”

Napatingin uli si Karien ng marinig iyon. Nakatalikod naman si Dane at naglalakd palabas ng set. May kinukuha ito sa kanyang bulsa.

Isang pack ng yosi at lighter. Sinundan ni Karien ng tingin si Dane hanggang sa pumwesto ito sa may likod ng tent at sumindi ng isang stick.

Di nilubayan ni Kary ang tingin niya kay Dane mula sa malayo. Nagsimula ng manigarilyo ang diektor. May kunot sa noo, tanda ng pagkabadtrip. Naninigas na mga panga, tensyonado. Ang lakas din niyang manigarilyo halos maubos na niya ang isang stick sa ilang sandali lamang.

“Kary...” may tumawag sa kanya mula sa gilid. “...pag pasensyahan mo na si Dj ha? Baka nappressure sa kalalabasan ng show at unang teleserye niya to kaya stressed. Mabait naman yan eh, I think you’d know that...it’s just that bad mood siya ngayon.” sabi ni Joyce kay Karien.

“Ate...” tawag ni Karien kay Joyce, pahikbi na siya “...ako ba ang ay gawa sa kanya niyan?” Karien could not help but to shed tears again while she was talking to Joyce. She was asking questions that states the obvious. Joyce knows her too, isa na rin siya sa mga staff noon na nakatrabaho nila ni Dane noon.

Naawa ang babae sa kanya at agad niya itong niyakap. “Kary, huwag mo sisihin sarili mo...may mga bagay na nangyari kasi kailangan mangyari...it’s not as if you purposely wanted to hurt him.” Joyce said in hopes to comfort her. “Kung ano man yung rason mo, sa tamang panahon magiging maayos din ang lahat.”

Walang naisagot si Karien at patuloy lang sa pagluha.

“Hayaan mo, ayusin na lang natin ang eksena para hindi na siya mabadtrip. Kakausapin ko na lang siya to go easy on you—“ she pats her shoulder.

“Huwag na po Ate Joyce. There is no going easy for him when it comes to me. Kilala ko po si Dj. He will just continue to give me his cold shoulder.” Karien wipes another tear. “Kaya ko po to. Thank you po sa concern. “ she tried to smile.

Joyce had to sigh hearing Karien’s answers. Alam niyang nahihirapan ito pero hindi sumusuko. Umalis saglit si Joyce sa tabi ni Karien at tinawag ang make up artist na si Madonna.

“Mad, paki ayusan na uli si Kary. Pabalik na yun si Dj. Nako yung mata halatang umiyak. Ayusin mo na.” Bulong nito sa make up artist na agadnaman sinunod ang sinabi ni Joyce.

“Miss Karien, ayusin na po natin ulit ang make up niyo.”

“Sige Mad. Salamat.” tumugon siya ng kahit mahina ang kanyang boses.

.

.

.

Mula sa malayo, sa wakas ay nagkaroon din ng pagkakataon si Dane na sulyapan si Karien habang inaayusan ito ni Madonna. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon kahit kanina pa niya alam na tinititigan siya ni Karien. Ramdamniya. Mula sa pagsindi niya ng yosi niya hanggang sa mangalahati na siya. Sinadya niya huwag lingunin itopara iwasan na magtama ang kanilang mga mata. Mga mata nilang may kung anong gustong ipahiwatig, may istoryang gustong gumuhit mula sa kanilang mga kalooban. Iniwasan rin niyang makitang lumuha si Karien dahil may kungano sa loob niya ang hindi mapakali.

Marahas niyang hinilamos ang isang palad sa mukha niya sa inis. Inis sa sarili, inis sa set, inis sa sitwasyon, inis kay Karien. Ayaw niya itong makitang umiyak pero dinurog siya nito.

Sa likod ng tent ay may isang mataas na pader. Tago ang bahaging iyon kaya walang makakapansin sa kanya. Dito binaling ni Dane ang kanyang inis. Pinagsisipa niya at pinaghahampas ng malakas ni Dane ang pader na walang kamalay malay sa sakit ng di puso niyang hindi pa pala naghihilom.

“Putang inang buhay to.” mura niya ng pabulong . Pigil na pigil siyang mapasigaw. “Puta.” inis na inis siya sa nararamdamang sakit ng makitang umiyak si Karien. Napaupo siya at inilihim ang pagluha.

Ang limang minuto niya ay naging labinglima. Tinawatagan na siya ni Joyce sa cellphone at sinabing ready na. Saka siya tumayo at naglakad pabalik sa set na parang walang nangyari. Makikita na naman niya si Karien ng malapitan, tila bulong sa kanya ng damdamin.

“Direk, okay na po tayo.Start na?” sumenyas si Joyce sa kanya.

“Okay last scene for the day. Let’s get this done so we can all go home.” Dane announced. Walang sigla ang boses at parang wala na ring gana pang magsalita. He had a gum that he was chewing in his mouth at may suot na rin siyang shades. He had to hide his eyes that must be obviously red from crying.

Ilang taon man ang lumipas, ilang dahilan man ang hindi naibigay, ilang pangako man ang hindi napanindigan, meron pa ring natatanging epekto sa kanya si Karien. Yan lamang ang naamin ni Dane sa kanyang puso.

Nakikita niyang umarte ito ngayon sa harap niya kasama ang iba pang cast pero wala siyang naririnig kahit na ano. Hindi na alam ni Dane kung tama ba lahat ng linyang binabato dahil tila naka mute sa kanya ang paligid. Blurred and buong lugar at sa iisang tao lamang naka focus ang mga mata niyang malungkot.

Nang patapos na ang eksena na kanilang kinukuhanan agad niya rin itong tinapos “Cut!” malakas pero hindi naman pasigaw ang pagkakasabi ni Dane.

“Pack up.” he said right away. Wala na siya iba pang sinabi bukod doon at agad na tumayo mula sa kanyang kinauupuan at naghanda para umalis.

“Joyce, ikaw na ang bahala. Alam mo naman yung mga required na shots.” Binilinan niya si Joyce habang palabas na siya ng control room. Si Joyce ang kausap niya pero ang mata niya ay nakay Karien na nakatitig pa rin sa camera at hindi pa umaalis sa set. She was looking straight at the camera as if she was sure that he was looking at the monitor too. Which was true at the moment. Para silang nag eye to eye sa pamamagitan ng camera at ng monitor.

Ano ba Karien? Bakit ganyan mo ako titigan ngayon? Parang nasasaktan ka? Na parang ikaw ang nagawan ng mali? Ikaw ang iniwan? Ikaw ang pinagmukhang tanga? Tangina.” iyon ang tumatakbo sa isip ni Dane sa mga sandalina iyon.

They did not break contact for several seconds until it was Karien who stopped. Umalis na rin siya sa kwartong iyon. Si Dane naman ay nasa may pintuan na ng control room.

“Sige direk...sa next taping day ba ikaw pa din?” tanong ng assistant.

“Hindi...hindi na muna. May aasekasuhin lang akong importante.” sagot ni Dane. “Mga dalawang taping lang naman ako wala. Si Direk Ric—“ naputol ang sasabihin niya sana kay Joyce ng biglang sumlpot si Karien sa may pintuan.

“Dj...” tawag niya sa direktor.

Agad rin naman nakaramdamsi Joyce at iniwan na ang dalawa.

Sandaling natigilan si Dane. Huminga siya ng malalim bago niya ito hinarap “Yes?” kaswal niyang sagot.

“Can w-we talk?” she stammered in her place.

Sumandal uli si Dane sa may upuan at tinignansi Karien sa likod ng makapal nitong shades. “About what?”

Karien just stood there fidgeting for a while.

Si Dane na ang nagsalita uli ng mapansin ang kaba ni Karien “Kary, kung masama loob mo sa pasigaw sigaw ko kanina eh masanay ka na. Don’t take it seriously, trabaho lang...” he said sounding nonchalant. He was succeding in keeping his true emotions from spilling from his mouth because he doesn’t want to show Karien how she is affecting him badly. He is still affected, after all.

Umiling si Karien, he stopped from talking. “About..” she paused not knowing is she will continue. “...us.” she dropped it.

Parang nagpantig naman ang tenga ni Dane ng marinig iyon mula kay Karien. For a second he doubted himself if he was hearing her right?

“Us?” mula sa pagkakasandal niya ay dumiretso si Dane ng tayo. He crossed his arms looking down on her. Parang nagaantay pa ng kasunod na sasabihin ni Karien.

“What about us?” he asked giving the last word of his question emphasis.

“Ahm, yung nangyari noon...matagal na yun, pero...” she started.

Dane raised his one hand to stop Karien from what she was about to say. He showed another smirk before he turned serious “Exactly, matagal na yun. I don’t see the need to talk about it anymore. Those times are already lost and some things are better lost than finding back again.” Dane said in his most calm manner. Sabay kinuha niya ang kanyang jacket at susi ng kotse. He left Karien behind without hearing another word.

Sumakay siya sa kanyang kotse at pinaandar ito ng mabilis at marahas.

Nakalayo na si Dane sa pinanggalingang location ngunit hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyaring usapan nila ni Karien. Hindi siya makapaniwala na naglakas ng loob itong lapitan siya upang banggitin ang bagay na matagal na niyang gustong makalimutan.

“Us?!” sigaw niya sa loob ng sasakyan. He held on to his steering wheel tightly with the memory of Karien hitting him. “Mawawala ka ng ilang taon, walang sabi sabi, walang paapaalam tapos babalik ka para pagusapan ang tungkol sa atin?!” halos masira na niya ang manibela sa gigil niya. Bumuhos ang bugso ng damdamin niya at parang sasabogsiya.

Pagkalagpas niya sa intersection, diredirecho na sana siya ng maneho ng biglang may bulong sa kanya ang isipan. Sa bandang unahan ay may U turn. He was at the edge of making a decision, a mistake or a regret when he abrubtly turned his wheels going back to the set.

Walang pang ten minutes nakabalik na si Dane sa location at nakita niya ang van ni Karien na naroon pa. Tila nagkaroon ng ilaw sa kanyang ulunan at nakaisip ng magandang idea.

“O direk, bumalik kayo? May nakalimutan?” tanong ng isang crew pero parang walang narinig si Dane kaya’t nginitian lang niya ito. Dire-diretso lang ang kanyang paglalakad papunta sa tent ng pakay niya.

Naabutan niya itong nagpapaalam sa iba pang mga artista pati na rin sa staff. Nakasunod kay Karien ang PA niya, dala dala ang lahat ng mga gamit niya.

“Bye po, kita na lang po tayo bukas.” Karien waved them goodbye. She was still sweet and warm as she was years ago. Always pleasant to work with. Yan ang laging impression sa kanya ng mga katrabaho simula noon hanggang ngayon.

“Ser Dj...” gulat ang PA ni Karien ng biglang makita ang direktor sa may pintuan. Narinig iyon ni Karien at ng mga ibangnaroon at napatingin din. Dirediretso naman si Dane sa direksyon ni Karien.

“Bal.” sambit ni Karien dala ng kanyang pagka gulat. Hindi niya sinadyang matawag ito sa dati nilang tawagan, talagang nabigla lang siya sa pagdating nito doon dahil ang alam niya ay nakaalis na ito kanina.

Bal—iyon pa rin kasi ang tawag niya dito kapagkinakausap niya ang pictures nito sa cellphone niya. Bal o di kaya Love.

Saglit na nanlamig si Karien bago pa niya maramdaman ang mainit na kamay ni Dane. Hinihila na siya nito palabas ng tent. Natahimik at ang iba naman ay napatili ang mga nakasaksi sa pangyayaring iyon.

Mabilis ang lakad ni Dane hawak hawak si Karien sa kamay pabalik sa kotse niya. Karien did not say a word or dared to ask him why he came back or why is he dragging her to his car. She was just happy...simply happy to feel his hands holding her again. She missed him so much. His hands, his big hands that used to hold her hands, her face, her body. She missed it so much.


  • (29 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018