Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Aint No Other

Image Description JFstories   |   17 February 2020


Para sa kanya, wala na siyang ibang kaya pang mahalin kundi ito at ito pa rin

I pulled my car over when I saw a drunk girl in front of my car lights. This must be her

I got to inform Panther, my brother in frat. He just asked me a favor to find her drunk ex-fling. At first, I hesitated. It was so fucking late at night and I'm drunk too. Pero mapilit si Panther at mahirap siyang tanggihan kapag G na G siya. Actually, this is not the first time na may sinundo akong lasing na babae dahil sa kanya. He dump girls after he’s done with them.

“Hey, man, did you find her?” bungad niya sa akin sa kabilang line ng pindutin ko ang call button.

Pinakatitigan ko ang babae sa daan. Bumaba ako ng kotse habang kausap pa rin si Panther using my wireless headset. “A girl with a greasy hair, no shoes, and almost crawling, yeah, I think I found her.”

“Good. You know what to do.”

“Please tell me she's not crazy.” Pagewang-gewang kasing naglalakad ang babae sa harapan ko.

“She won't kill you, that's all I know.”

Dinaluhan ko agad ang babae at inalalayan. “You also should know that she's heavy.” She's not that fat, though.

“Who's she?” I asked.

“Candy. She's sweet. I met her three hours ago.”

Panther Foresteir is a certified womanizer – with his looks, money and power, siya ang nilalapitan ng mga babae and not the other way around. Pero pantanggal boredom lang sa kanya ang mga ito, palipasan. He was a certified wham-bam-thank-you-ma’am kind of jerk.

Hindi ko naman magawang maasar dahil sanay na ako sa kanya. Ganito man siya sa mga babae, tapat naman siyang kaibigan. At maraming beses na rin niya akong natulungan so quitz lang. We've been friends since we're in grade school and we grew up together. Alam ko na ang takbo ng utak niya, pati ang toyo niya. Normal na lang rin sa akin ang maglinis ng kalat niya. He's like an older brother to me. Besides, he's also the leader and founder of our fraternity – an elite fraternity.

Dahil hirap makalakad ang babae sa kalasingan ay minabuti ko na lang na buhatin ito. Inipit ko na lang ang aking cellphone sa pagitan ng aking tainga at balikat. “Damn, she's wasted,” reklamo ko. Amoy alak at suka ang babae.

“I know.”

“And heavy.”

“Baka malakas kasi siyang kumain.”

“Maybe.” Kaya kahit payat ay mabigat.

“Listen. Ikaw na ang bahala sa kanya. You know how to get rid of her.”

“Yeah. Leave it to me.”

Ipapaliwanag ko na lang sa babeng ito ang lahat. I'll tell her that it was just a good one-night-stand. There's no string attached. I'm willing to pay her for any amount just to forget about everything. This is how I clean my bro’s mess.

“Thank you. And Roosevelt?”

“What?”

“Don't try to fuck her, please. She stinks.”

“I don't fuck losers.”

Mahina siyang napahalakhak. “Yeah, I'm just warning you.”

Inilapag ko sa passenger's seat ang babae. “Talk to you later.” Pagkuwan ang pinatay ko na ang line.

Napabuga ako ng hangin matapos pagmasdan ang babaeng tulog na nakahilata sa passenger’s seat. I kind of pitty her. Mukhang matino at conservative ang isang ito kumpara sa ibang binibitawan ni Panther. Pero hindi talaga sapat ang panlabas ng anyo para manghusga ng tao.

Sumakay ako sa driver's seat at pinihit ng susi ang ignition key. Bago ko paandarin ang sasakyan ay hinila ko muna ang seatbelt at iginapos sa katawan ng babaeng tulog. Napalapit tuloy ang mukha ko sa kanya.

Ang magulo niyang buhok ay nakatabon sa makinis niyang mukha. Wala sa sariling bahagya ko itong hinawi. All right. She's cute. Meron siyang mahahabang pilik-mata mula sa pagkakapikit. She had a natural beauty dahil wala siyang make up. Her lips were pinkish kahit wala siyang lipstick. Mukhang inosente.

How could Panther dumped a girl like her? She looked younger than us.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya habang nagmamaneho ako. Everytime my car bumped into a hump, something inside her shirts were bouncing. Paano ba naman ako makakapag-focus nito sa pagda-drive ko kung ganito ang pasahero ko? Para kasing malalaglag ang dibdib niya mula sa kanyang blouse. Kahit pa hindi naman daring ang suot niya.

Wait. Where I should be going? Hindi ko alam kung saan siya nakatira. I checked her pocket and I found her phone. May security code kaya hindi useless din. Meron din akong nakitang wallet pero nagdadalawang isip naman akong bulatlatin iyon. So I decided to take her to my condo. Saka ko na lang itatanong sa kanya kung saan siya nakatira kapag nagising na siya. Then I'll drive her home first thing in the morning.

I parked my car in the parking lot. Mabilis akong nakauwi sa aking condo since it's just a few blocks away.

How will I carry this girl? Sa 22nd floor pa ang unit ko. Alangan namang kargahin ko ulit siya. Ano siya bride? Saka hindi siya tulad ng ibang babae na magaan, kasing bigat niya iyong barbell na binubuhat ko sa gym. Mangangalay ako tiyak sa elevator.

Binaklas ko ang seatbelt sa kanyang katawan at saka ko siya isinampay sa aking balikat. Damn, she was really heavy. Parang magkakapilay yata ako.

Kamuntik na akong madulas pagpasok ko ng elevator. I'm lucky that I got my balance perfectly. Hindi ko namalayan na napakapit ako sa pwetan niya na malapit lang sa mukha ko. Agad din akong bumitaw at inilipat sa kanyang hita ang kamay ko.

Uhm, she got a great butt, huh? Napalunok tuloy ako.

Pinindot ko ang button ng eighth floor nang makapasok na ako sa elevator. Nilingap ko muna ang paligid dahil baka kung anong isipin nang makakakita sa akin. Baka isipin na pinaslang ko ang babaeng ito.

Mayamaya ay biglang may pumutok sa gilid ng mukha ko. Nang lingunin ko ay pwetan ng babaeng ito ang sumalubong sa ilong ko.

Crap. Did she just fart?

Calm down, Roosevelt. I said to myself. All I'm gonna do is to hold my breath. Kapag nag-inhale ako, tapos ang lungs ko. Kaya pinagpipindot ko ang button ng elevator at pilit minamadali ito. Mabuti at bumukas na ang elevator. Habol ko ang aking paghinga paglabas ko.

Nanakbo ako papunta sa aking unit habang nililingap ang paligid. Mahirap na baka mapagkamalan pa akong serial killer, rapist o kidnapper.

Pagkapasok ko ay dumerecho agad ako sa kuwarto. Inilapag ko agad ang babae sa kama. Parang gusto ko siyang kalbuhin sa sobrang bigat niya. Feeling ko kasi nagkaluslos ako sa pagbuhat sa kanya.

Nagulat ko nang bigla siyang bumangon sa pagkakahiga. Mabilis ko siyang dinaluhan at maingat na tinapik-tapik ang makinis niyang pisngi. “Miss, wake up!”

Hindi naman dumilat ang kanyang mga mata. Nanatili siyang nakapikit habang nakaupo sa aking kama.

“I need to take you home.” Sinilip ko ang kanyang mukha. “Do you hear me?”

Bigla niyang kinabig ang batok ko at niyakap ako.

“Huh?”

Humagulhol siya matapos niyang sumiksik sa dibdib ko.

“A-are you all right?” I suddenly felt so sorry for her. I wish she would find a good guy soon para makamove on na siya. Hinagod ko ang kanyang likod habang inaalo siya. “It’s okay… it’s okay—”

Dumuwal siya bigla at sinukahan ang aking dibdib. Bumuhos ang suka niya hanggang sa pants ko.

“Fuck!” Agad ko siyang inihiga muli sa kama.

I rushly took off my shirt, my pants and my boxers. Noong una ay nagdalawang isip pa ako kung huhubarin ko rin ba ang boxers ko o hindi. Then I realized that she's so drunk and it's impossible na gumising siya. So hinubad ko na.

This girl was so unbelievable. She's getting into my nerves. Kanina inututan niya ako sa elevator, tapos ngayon naman ay sinukahan niya ako? Sa lahat ng babaeng lasing na sinundo ko, sa kanya ko lang na-experience ang mga ito. And I am losing my patience already!

I took her wallet from her pocket. Binuklat ko ito at naghanap ng ID. Bahala na, kahit saan pa siya nakatira ay iuuwi ko na siya. Kahit iwan ko pa siya sa labas ng gate ng bahay niya, basta madispatsa ko lang siya.

Nang makita ko ang kanyang ID, wala akong sinayang na sandali, binasa ko agad ang info niya. I want to know her address so I could drive her home. Now. ASAP.

Sakto namang tumunog ang cell phone ko. Dinampot ko agad ito nang makita ang pangalan ni Panther sa screen.

“We have a problem, Roosevelt.”

“Huh?”

“Kakarating ko lang sa condo ko...” Bahagya siyang natigilan. “And I found her here in my bedroom.”

“Her?” Namutla ako. “W-what do you mean?”

“Candy is here, Roosevelt.”

Saka lang nag-sink in sa akin ang pangalan na nakasulat sa ID na hawak-hawak ko. Butil-butil ang pawis na binasa ko muli ang ito. “Swan Tamitha Dominica,” usal ko. “S-so this girl is not Candy…”

Napabuga ng hangin sa Panther. “Yeah. You’ve got a wrong girl, man.”


JF


  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019