Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




From Fangirl To Friend

Image Description Alora Sasam   |   20 June 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

I am a Julia Montes fan.

Simula nung ni-remake nila ni Kathryn Bernardo ang Mara Clara. I was blown by her acting skills. Sanay akong nagpapatawa siya sa Goin Bulilit kaya napanganga talaga ako everytime may dramatic scenes siya sa serye. Mas gumaling pa siya lalo sa Walang Hanggang with Coco Martin. Pinangarap ko pa noon na sana ako na lang si Kiray Celis kasi nakaka-eksena niya si Julia at Kathryn sa Mara Clara.  Sabi nga ng quote images ng google “Tell the universe your dreams and maybe it will here you.” And it did. Una ko siyang naka-eksena sa A Moment in Time.

Memorable sa akin iyon kasi first time kong umextra sa isang pelikula at kasama pa namin sa eksena si Coco Martin. Siya ang kabatuhan ko ng lines pagkaalis ni Julia sa eksena. Dadaanan nga lang ako ni Julia. Kung tutuusin achievement na ng time na iyon na nagkabanggaan ang braso naming dalawa. Tahimik lang ako nun sa set kasi inulit-ulit ko sa utak ko ang 3 sentences ko na lines. Hindi naman ako makalapit kay Julia kasi busy sila sa eksena. Isang eksena lang ako doon kaya bitin na bitin ako. Pangarap ko kasi talaga na maka-eksena siya na kaming dalawa ang magkausap. Iyong dramatic acting ang peg. 


Next chapter: Workshop



  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018