Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Friendzoned

Image Description michellevicta   |   14 January 2019


Fan fiction inspired by MarNigo.

Chapter 1 - BFFs

"Bart, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Myka sa kaibigan ng makita ito sa lobby ng hospital kung saan sya naka-duty bilang intern.

"May gig ako malapit eh so naisipan ko dumaan para sabay na tayo umuwi" sagot ni Bart.

"Ang aga pa, 6 am pa tapos ng duty ko. Mauna ka na." sabi ni Myka sabay taboy kay Bart.

"Wala naman ako lakad eh, hintayin na kita. Miss na kita eh." paglalambing ni Bart.

"Bahala ka," sabay talikod ni Myka para bumalik sa duty nya.

Best friends si Bart at Myka since birth. They were born a week apart and best friends din ang mother nila. They are next door neighbors dahil yun ang promise ng mother nila sa isa't isa na they will live next to each other kapag may sarili na silang pamilya. When both their moms had serious relationships na, bumili sila ng magkatabing bahay at lupa sa isang subdivision sa Cavite where they now live.

"Bart, tara na" sabi ni Myka habang ginigising ang kaibigan. "Sabi ko naman kasi sayo umuna ka na eh."

"Siguro may manliligaw ka dito no" sagot ni Bart.

"Hala, san galing yun?" inis na sagot ni Myka.

"Dati naman ok lang sayo na naghihintay ako dito ah" sabi ni Bart.

"Ok lang naman. Kaya lang ang tagal mo kasi maghihintay halos kalahati pa lang ako sa shift ko nung dumating ka eh." paliwanag ni Myka.

"Isang set lang kasi kami, konti ng tao eh." malungkot na pahayag na Bart.

"Seryoso ka na ba kasi talaga dyan sa pagbabanda mo? tanong ni Myka kay Bart. "Ayaw mo na bang mag-aral?

"Hindi ako kasing talino mo Myks." sagot ni Bart.

Tahimik na lang na naglakad si Myka papunta sa nag aabang na Grab ride nila.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Bart kay Myka pagsakay sa kotse.

"Antok na ako eh" sagot ni Myka.

"Yun lang talaga?" pangungulit ni Bart.

"Ano pa ba dapat?" inis na tanong ni Myka.

"Hindi ka ba maglilitanya na importante ang education. Iba pa din kapag may natapos. That I should go back to school." sabi ni Bart.

"Wala namang effect sayo eh. Tingnan mo nga kaya mo irecite word for word ang litanya ko pero wala ka naman ginagawa about it. Ayoko na sayangin ang energy ko kakaulit nun sayo. Bahala ka na." sagot ni Myka sabay pikit ng mata para matulog.

Inayos ni Bart ang ulo ni Myka at isinandal sa balikat nya para makatulog ito ng maayos. Ginising nya na lang ito nung dumating na sila sa tapat ng bahay nito.

"Myks, dito ka na." malambing na wika ni Bart.

Bumaba si Myka sa sasakyan ng hindi nililingon man lang si Bart. Ito ay dahil tumulo na ang luha nya sa bigat ng nararamdaman. Unti unti kasi nyang nararamdaman na nahuhulog na sya sa kaibigan dahil sa kabaitan at laging paglalambing nito sa kanya. Ngunit pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil una ay ayaw nyang masira ang pagkakaibigan nila at pangalawa ay dahil hindi si Bart ang dream guy nya.




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018