Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Summer Diaries

Image Description Josh_00   |   07 May 2018


#SummerFling Collections of my funniest memories in my first year being a multi fan.

Being a fan, first goal mo talaga is mapansin ka ni idol. To be noticed by your idol in a good manner is one step closer for a fan to fulfill its bucket list. 

"Yes! Sa wakas napansin din niya ako!" Mga katagang para sa tulad kong multi fan ay maihahalintulad sa ginto ang halaga nito. Di mo maexplain yung feeling na parang sasabog yung puso mo sa saya na sa wakas, kahit sa konting like lang niya sa Twitter post mo o pag-react ng heart sa post mo sa Fb, abot langit ang ngiti at kakaibang saya na gusto mong ulit-ulitin. 

Ganyan kaming mga fans. Mga solid na followers. Mga tagapag-tanggol mula sa mga nang-aapi. Mga taong walang ibang hangad kundi makapag-update sa mga ganap sa buhay ng aming mga idols. At proud akong isigaw sa mundo na isa ako sa kanila. Isang mausig na tagahanga ng madaming artista. 

Sa aking unang chapter ng "My Summer Diaries", tampok ang aking mga karanasan bilang tagahanga na pinamagatang Multi Fan.



Nagsimula ang lahat noong akoy bata pa. Sa hindi pagmamayabang, kahiligan ko noong magbasa ng mga libro at magazine na tampok ang mga sikat na artista noon. Dahil dito, nakilala ko sina Charisse Pempengco (na ngayo'y Jake Zyrus na), Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, Mega Star Sharon Cuneta, Ruffa Mae Quinto, Popstar Royalty Sarah Geronimo at marami pang iba. Magmula noon'y naging laman na ng aking isipan ang mga pangalan, mukha at ibat-ibang ganap sa buhay ng mga artista. Nagmula rin noon ay nakahiligan ko nang manood ng telebisyon at nagsimulang magkaramdam ng kakaibang damdamin sa tuwing makikita ko ang aking mga iniidolong artista.

Sa pag-usbos ng panahon at ng makabagong teknolohiya, dumating ang araw na una akong nagkarooon ng personal kong cellphone. Dahil dito, mas madali na akong magkaroon ng updates sa buhay ng mga iniidolo kong artista. Dito ko rin unang naranasang mapansin ng aking idolong si João Constancia ng BoybandPH pagkatapos niyang i-like ang isa sa mga post ko ng picture niya sa IG. Tulad ng ibang mga fans, ang saya pala sa pakiramdam ang mapansin ka ng idol mo.

Ito na nga ang naging hudyat ng pagtapak ko sa aking bagong karakter bilang isang fan. Unti-unti, habang dumaraan ang mga araw, buwan at taon, parami ng parami ang mga nagiging idolo ko, kung kaya't ngayon ay hindi nalang ako isang SIMPLENG FAN kundi isang CERTIFIED MULTI FAN.

Ilan sa mga naitala kong idol sa industriya ng showbiz ay sina:

Rank 1- #Kid Yambao

Rank 2- EXO

Rank 3- Vice Ganda

Rank 4- Darren Espanto

Rank 5- Ji Chang Wook

Rank 6- Kathniel

Rank 7- Sarah Geronimo

Rank 8- Yeng Constantino

Rank 9- Anna Kendrick

Rank 10- #Hashtags & GirlTrends

This summer of 2018 was ,so far, my best summer experience because I never felt alone because of these "artistas" that always makes me happy and reminds me to continue living my life by showing me reasons why I must.

Bonus pa nang sa dalawang pagkakataon ay ni-like ng number sa puso ko, at ng lahat ng K1dreamers Official, na si #Kid Yambao ang dalawa sa mga tweets ko sa Twitter.


Truly being a multi fan is like being committed in a love relationship, you need to pour your efforts and time just to keep being updated about our idol's happenings in life, strengthen your self in defending your idol from bashers and always showing support and love for them. That's what a fan should be.


Thanks for reading my article! Next chapter of "My Summer Diaries" will be coming out soon.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018