Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Lacuna

Image Description MissCat_0910   |   24 January 2020


Isang binata ang nagising sa isang malagim na bangungot. Ano kaya ang maaari niyang matuklasan sa kawing-kawing na mga alaala ng isang binatang kailanman ay hindi niya pa nakikilala?

Pumarada ang isang itim na kotse sa harapan ng isang sikat na coffee house sa lungsod.

Hindi nagtagal ay bumukas na ‘yong pinto at lumabas mula rito ang isang binatang matangkad, mistiso, at hindi maikakailang may hitsura kahit pa man makapal ‘yong suot nitong antipara.

Pumasok siya sa loob at umupo malapit sa bintana.

Ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin siyang tigil sa pagtingin sa suot niyang relo sa kaliwang kamay at makailang ulit din siyang tumingin sa kaniyang paligid na para bang may hinihintay siyang dumating.

Hindi nagtagal ay may isang dilag na pumasok sa loob, inikot ang tingin sa kaniyang paligid hanggang sa nagtugma ‘yong kanilang mga mata no’ng binata at agad siyang nagtungo sa direksiyon nito.

Ilang minutong nag-usap ‘yong dalawa bago tuluyan nang tumayo ‘yong binata at   naglakad palabas ng coffee house, bagaman may ngiti sa labi ‘yong dilag bago niya ito tuluyan nang lisanin ay lingid naman sa kaalaman no'ng binata na may namumuo na palang luha sa mga mata no'ng dilag at binabalot na ito ng maitim na awra.

Pagkalabas no’ng binata ay agad na siyang pumasok sa loob ng kaniyang kotse at pinaandar ito sa pinakamabilis na kaya nito.

Wala man lang siyang kaalam-alam sa kung anong maaari niyang harapin sa gitna ng kalsada.

Habang matulin pa rin siyang nagmamaneho ay hindi niya na maikubli pa sa kaniyang mukha ‘yong sayang nararamdaman ng kaniyang puso't kaluluwa sa mga oras na ito hanggang sa dumaan na nga siya sa isang kalsadang may kaliwa't kanang daanan.

Habang binabaybay niya ang daanang ito ay may napakalakas na busina siyang narinig sa kung saang direksiyon, ngunit hindi niya na nagawa pang tumingin doon dahil sa sumunod na nangyari ay tumama nang napakalakas ‘yong kaniyang ulo sa salamin ng pinto ng kaniyang kotse.

Ilang minuto rin siyang nawalan ng malay bago niya tuluyan nang maimulat ‘yong kaniyang mga mata at nakitang wala na siya sa loob ng kaniyang kotse.

May nararamdaman siyang kung anong tumutulo mula sa kaliwang bahagi ng kaniyang ulo at kahit anomang pilit niyang gumalaw ay hindi niya magawa dahil sa hinang-hina siya sa hindi niya maalalang dahilan.

“Sir, as much as possible please stay calm and don't force yourself to move,” wika no'ng isang lalaking may takip ‘yong bibig at puting-puti ‘yong kasuotan mula sa itaas hanggang sa ibaba.

Bukod din sa kaniya ay may naririnig pa ang binata na mga ingay mula sa kaniyang paligid, mga taong sa kaniyang hinuha ay nagkakagulo, napakalakas na sirena ng ambulansiya, at ang kaniyang huling narinig bago siya tuluyan nang mawalan ulit ng malay ay ang salitang, “Augustus!”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019